CHAPTER 1
Khianna Haiden’s Point of View
“Khianna! Ano ba!? Nasaan na ang pagkain namin? Ang tamad mo talagang bata ka! Hoy, nasaan ka na bang bata ka? Ano na namang ginagawa mo? Buwisit ka, ah! Nasaan ang pagkain namin? Bakit hindi pa rin nakahain? Ano ba? Nasaan kana? Ginagalit mo ba talaga akong bata ka? Tanghali na! Nakahiga ka pa rin bang bata ka?”
Okay, ayan na naman si Tita. Relax lang, Khianna. Kaya mo iyan, huwag kang susuko. Wala lang ito, makakaya mo ito. Kaunting tiis pa, Khianna.
“Sorry po, Tita. Galing po kasi akong trabaho kaya po hindi ako nakapagluto ng ulam at tiyaka pagod po ako galing sa trabaho.”
“So, kasalanan pa ni Mommy? Tsk. Wala ka talagang kuwenta! Mom, I'm hungry na,” sigaw ng aking pinsan na si Danica.
Nakataas ang kaniyang kilay sa akin at ang tingin ay para na akong pinapatay. Ano ba ang problema nila sa akin? Bakit ganito ang trato nila sa akin gayong pamilya rin naman nila ako.
“Tsk. Sorry, anak. Maghintay ka muna, ah? Khianna, magluto ka na riyan,” malambing na saad ni Tita sa pinsan ko at hinawakan pa ang likod ni Danica na parang pinapakalma.
“Hindi naman sa ganoon, Danica. Pe—”
“Aba at sumasagot ka pang malandi ka!” sigaw niya at sinampal ako.
Napaupo ako dahil sa lakas ng sampal niya at napayuko. Palaging ganito ang ginagawa nila sa akin kapag hindi ko sila sinusunod. Sinasampal, sinasabunutan, hinahampas at kung ano-ano pa na pananakit masahol pa sa hayop ang trato nila sa akin.
“Naku, anak, pabayaan mo na iyan at huwag mong dudungisan ang mga kamay mo para lang diyan sa babae na iyan. Hoy, Khianna, dapat pagbalik namin ng anak ko nakaluto kana ng makakain na kami at kung hindi sa labas ka ulit matutulog!” sigaw ni Tita at dinuro-duro pa ako.
Kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lamang sa kanila.
Pagkaalis nila agad akong pumunta sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa trato sa akin ni Tita. Nakakapagod na rin. Napapagod na ako. Gusto kong sumuko pero hindi ko magawa kasi may pangarap akong gustong tuparin, may kailangan pa akong gawin.
Teka, ano bang lulutuin ko kung wala namang maluluto rito? Panigurado babawasan ko na naman ang pera ko para may makain silang tatlo. Mas lamang pa ang nakakain nila kaysa sa naiipon ko. Bakit kaya hindi nila magawang maghanap ng matinong trabaho para naman may maipakain sila sa sarili nila?
Isang construction worker si Tito at Tita naman ay tambay lang dito sa bahay, nagsa-sideline lang siya minsan kapag may nagpapalaba at kung minsan naman ay nagsusugal. Si Danica ay nag-aaral ngunit parang hindi naman dahil palagi siyang laman ng detention room. Palagi kasi siyang nahuhuli kapag nagka-cutting class siya.
Hays, ang hirap nga naman ng buhay. Sana sinundan ko na lang sila Mama at Papa kung nasaan man sila ngayon para at least doon magkakasama kami at magiging masaya pero hindi. Hindi ko magawa kasi may dapat pa akong tuparin.
Mama . . . Papa . . . Miss ko na po kayo . . . Gusto ko na po ulit kayong makasama. Gusto ko na po kayong mayakap. Gusto ko kayong mahalikan. Gusto ko pong narinig ang boses at tawanan n’yo. Gusto kong maranasan ulit ang saya ng isang buong pamilya.
Pagkatapos kong magluto ay dumiretso na ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Nagpapasalamat pa rin ako kay Tita kasi kahit papaano may kwarto ako ng akin. Ayy, oo nga pala, bahay nga pala namin ito kaya malamang may kuwarto rin ako rito. Tsk.
Oo, bahay namin ito pero noong nawala si Mama at Papa ay sila Tita na ang nagmay-ari lahat ng ari-arian namin. Ang akala ko mababait talaga sila pero pakitang-tao lang pala lahat. Matapos mailibing ni Mama at Papa ay doon na nila ako trinato nang hindi tama.
![](https://img.wattpad.com/cover/227456312-288-k718009.jpg)
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Ficção AdolescenteA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...