Chapter 6

1K 41 0
                                    

CHAPTER 6
Khianna Haiden’s Point of View

Kada gabi ay nagre-review ako and minsan pagkagising ko rin sa umaga. Malapit na ang exam ko at kinakabahan na ako, baka kasi hindi ko maipasa. Nag-aalala ako, malaki ang tiwala sa akin nila Ate Rill. Kailangan ko itong maipasa kahit ano ang mangyari. Nakakapagod at halos wala na akong libreng oras. Minsan naman ay sumasakit na rin ang ulo ko ngunit hindi ko na lang pinapansin kasi mahalaga na maipasa ko ito.

Dito nakasalalay ang kinabukasan ko, namin ng mga ate ko. Ayaw ko silang biguin, hinding-hindi ko iyon gagawin. Sisiguraduhin kong magiging proud silang lahat sa akin.

“Hi, Ate Khianna.”

“Oh, hi rin, Zhai.”

Nandito ako ngayon sa restaurant, nagre-review ako dahil wala pa naman gaanong customer. Ganito ang gawa ko rito sa mga nagdaang araw. Kapag walang customer nagsa-sideline akong magreview. Minsan naman ay sila Ate Dein muna ang nag-aasikaso kapag kaunti lang ang costumers.

Napapangiti na lang ako sa tuwing tatayo ako para kumuha ng order ng costumers pero kaagad akong pinapaupo ni Ate Dein sa isang gilid at sisingkitan ako ng mata. Para naman akong isang takot na tuta kapag tinitignan niya na ako ng ganoon. Medyo nakakatakot kasi si Ate Dein pero mabait naman siya. Sadyang ayaw niya lang akong mapagod.

“What are you doing, Ate?”

“Nagre-review ako, Zhai.”

“Review? For what?”

“Uhmm, para sa exam ko. Kukuha kasi ako ng scholarship kaya ito review-review habang wala pang customer.”

“Saang university ka po ba magte-take ng exam?”

“Sa ***** University.”

“***** University? Waaahhhh, Ate, roon din kami nag-aaral ni Kuya. Do your best and pass that exam para schoolmate na tayo. Omooo, I’m so excited na maging schoolmate tayo. I hope you can pass that exam, Ate. I’ll cheer for you.”

“Ikaw talagang bata ka. Huwag kang mag-alala, Zhai, ipapasa ko itong exam na ito. Gusto kong mag-aral at hindi ko bibiguin ang mga Ate ko. Ayy, sandali lang. Busy si Ate Dein ngayon. Kukunin ko na ang order ninyo.”

Ninyo kasi kasama niya na naman si Zhane na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng isang ito. Actually kada punta rito ni Zhai kasama niya palagi si Zhane. Nakakatuwa silang dalawa na pagmasdan. Girl version kasi ni Zhane si Zhai at kung minsan kapag nag-aaway sila ay palaging talo si Zhane kay Zhai. Halatang mahal na mahal niya ang kapatid niya.

Sana nagkaroon din ako ng kapatid pero nakakalungkot lang ay hindi na ako magkakaroon at ako lang mag-isa.

“You already know it, Ate.”

“Oo naman, iyong katulad ng dati, hindi ba?”

“Yup!”

“Okay, just wait for a minute.”

Palagi kasi nilang order dito 2 cup of rice, 1 pinakbet, 1 sinigang na bangus, 1 afritada, 1 menudo and mainit na sabaw.

Ang takaw ni Zhai ngunit hindi naman siya tumataba. May mga tao talagang ganoon, iyong kain nang kain pero hindi naman tumataba.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon