Chapter 2

1.8K 56 0
                                    

CHAPTER 2

Khianna Haiden’s Pont of View

Kasalukuyan akong naghahanap ng matutulugan ngayon. 5 na rin ng hapon kaya dapat makahanap na ako ng puwedeng matuluyan kahit bed space lang.

Kanina pa ako naglalakad at napapagod na ako. Gusto ko nang magpahinga, sumasakit na ang paa ko ngunit wala naman ako makitang puwede kong matuluyan.

Nagugutom na rin ako dahil kanina pang alas-10 ng umaga ang huling kain ko. Gusto ko na magpahinga. Hindi ko na alam kung saang lugar na ako napadpad dahil sumakay lang ako sa isang bus. Hindi ko tinignan ko saan iyon papunta dahil sa pagmamadali ko at ito nga ako ngayon, naliligaw na at hindi alam kung saan papunta.

Habang naglalakad ako ay biglang may sumulpot na tatlong lalaki. Ang dalawa ay pumagitna sa akin at ang isa naman nasa harapan ko.

Ano ang nangyayari? Ano ang gagawin nila sa akin? Bakit nila ako pinalibutan? Bakit nila ako nilapitan?

“Miss, holdap ito. Ibigay mo na pera mo kung ayaw mong masaktan. Ibigay mo na lang ng tahimik ang pera mo para wala na tayong gulo,” sabi sa akin noong nasa kaliwa at may itinutok sa tagiliran ko. Ramdam kong kutsilyo iyon kaya napadaing ako nang mahina.

“Huwag ka nang magtangkang sumigaw kung ayaw mong saksakin ka namin at mamatay,” sabi ng nasa kanan ko.

Jusko, mawawalan pa yata ako ng pera ngayon. Ito na nga lang ang pera ko pero mukhang maho-holdap pa ako. Ano ba namang kamalasan ang sumapi sa akin ngayon? Friday the 13th ba ngayon?

“Mga kuya, wala po akong pera. Please po, pakawalan n’yo na lang ako kasi wala naman po kayong mapapala sa isang katulad ko.”

“Sorry, Miss, pero wala kasi kaming awa. Hindi uso sa amin ang salitang ganoon pero kung ayaw mo talaga ay mapag-uusapan naman natin ito. Mamili ka, Miss, pera o iyang katawan mo?” tanong ng nasa harapan ko.

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Ano raw? Pera o katawan? Nababaliw na ba ang mga taong ito? Hindi ba sila marunong magtrabaho kaya ganitong bagay ang ginagawa nila? Sa ganitong paraan ba sila nabubuhay? Masama ang gumawa ng mga bagay na ito. Maaari naman silang maghanap ng matinong trabaho ngunit bakit ganito ang napili nila.

“Oo nga, pare. Maganda siya at maputi, parang kutis mayaman,” sabi noong nasa kaliwa ko at tumawa pa na parang isang baliw na manyak.

“Mga kuya, wala po talaga akong pera. Please po pakawalan n’yo na po ako. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Please po. Mahirap lang po ako at walang maibibigay sa inyo.”

“’Tol, mukhang gusto yatang pumunta ng langit,” sabi ng nasa harapan ko habang nakangisi at tinititigan ako.

Napayuko naman ako sa klase ng titig niya, iyon bang titig na parang gusto ka niyang kainin ng buhay.

“Jackpot tayo, pare. Kahit walang pera basta may laman ang tiyan natin ay ayos na rin. Ganda nito, ‘tol. Tiba-tiba tayo rito sa babaeng ito,” tumatawang sabi noong nasa kanan ko.

Napaluha na lang ako at unti-unting inilalabas ang pera ko. Mas mahalaga ang kaligtasan ko kaysa pera at kahit ayaw ko ibigay ko sa kanila. Pinaghirapan ko ito. Ito na lang ang mayroon ako bukod sa mga damit na dala ko pero ayaw kong isugal ang kaligtasan ko.

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon