CHAPTER 29
Dalton Zhane’s Point of ViewHanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni Magno. Hindi ako naniniwala sa kaniya. Hindi pa patay si Khia. Buhay siya. Nakausap ko pa siya. Hindi ito puwedeng mangyari.
“Bro, are you okay?” tanong ni Raven pero ako ako makasagot. Masyado akong nagulat sa ibinalita sa akin ni Magno.
Ayaw tanggapin ng sistema ko na ang babaeng mahal ko ay wala na. D*mn, hindi ito totoo! Hindi pa siya patay. Panaginip lang ito. Bawal ito.
“Dalton!”
Napatingin ako kay Callie. Si Callie na ex ko at hindi ko naman talaga gustong balikan kaso nagipit ako. Kailangan kong gawin. Kung ako lang ay hindi ko na babalikan ang babaeng iyon.
Callie was my girlfriend before. I loved her so much pero niloko niya ako. May iba pa pala siyang kasintahan noon kaya nakipaghiwalay ako sa kaniya and then nakilala ko si Khia. Simple lang si Khia pero hindi ko akalaing mamahalin ko siya nang sobra. Noong una ay plano ko lang siyang maging panakip-butas para maipakita ko sa mga kaibigan ko na naka-move on na ako pero nang tumagal na ay minahal ko na siya. Mahal na mahal ko siya, higit pa sa pagmamahal ko dati kay Callie.
Pero nagbago ang lahat nang bumalik uli si Callie. Nagipit ako at kailangan kong makipaghiwalay kay Khia kahit ayaw ko. Palaglag na pala ang kompanya namin nang hindi ko namamalayan at isabay pa ang pagkakasakit ng Lolo ko kaya wala akong choice. Inarrange marriage nila ako kay Callie kaya wala akong nagawa. Gustong-gusto kong ipaglaban ang relasyon namin ni Khia pero pinapili nila ako, kung ang Lolo ko raw ba na nag-aagaw buhay na skyang nagpalaki sa akin noon o ang babaeng mahal ko na ngayon ko lang naman daw nakilala. Hindi ako makapili kasi pareho ko silang mahal. Si Lolo ang nag-alaga sa akin noong bata pa ako. Mahal na mahal ko ang Lolo ko pero mahal ko rin naman si Khia. Hindi ako makapili sa kanilang dalawa hanggang sa nag-agaw-buhay si lolo at tinulungan kami ng pamilya nila Callie kaya wala na akong nagawa kung hindi pumagayag diyan sa arrange marriage na iyan.
Kahit ayaw kong gawin ay nakipaghiwalay ako kay Khia. Sobra akong nasaktan kasi sa ang araw na dapat ay masaya siya ay parang naging pinakamalungkot na araw ng buhay niya. Sobra akong nasaktan kasi I broke up with her. Nang araw na iyon ay ang araw dapat na magpo-propose ako sa kaniya.
Alam kong mga bata pa kami pero siya lang ang gusto kong pakasalan. I can see my future with her. I know she’s the one pero hindi ko naman kasi aakalaing may dadating na problema sa amin.
Sobra akong nag-alala nang hindi siya pumasok sa school sa sumunod na araw. Baka kasi dinamdam niya ang mga sinabi ko and then one day nakita ko siyang kasama si Magno sa parking lot at mukha namang ayos lang siya. Nakangiti siya that time at parang hindi ininda ang hiwalayan namin kaya pinabayaan ko na lang sila.
Ito naman ang gusto ko. Ako mismo ang nagsabi sa kaniya na kalimutan niya na lang ako kaya dapat ay maging masaya rin ako. Pero hindi. Nasasaktan ako.
Nasasaktan ako kasi kasama niya si Magno pero tiniis ko kasi kailangan kong gawin iyon. Ang sabi ko sa sarili ko kapag naayos ko na ang problema ko sa kompanya namin ay babalikan ko siya. Sabi ko ay liligawan ko ulit siya pagkatapos ng problema ko.
Nang mahimatay siya sa cafeteria ay labis akong nag-alala sa kaniya ngunit hindi ko ipinahalata sa iba kasi pinanindigan ko ang desisyon ko. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi nakita kong maayos na siya. Mukhang okay na ulit siya.
Hindi ko akalaing mahal pala ni Hanz si Khia. Parang wala naman kasi siyang ipinapakitang signs ng pagkagusto kay Khia. Parang normal lang siya kapag kasama namin siya. D*mn, hindi talaga mahirap mahalin si Khia.
“Ano ba, Dalton!?” naiinis na sigaw ni Calli kaya tinignan ko ito. Kinamumuhian ko talaga ang babaeng ito.
“Ano bang gusto mo, Callie?”
“Ang sabi ko ay ihatid mo ako sa bahay namin,” maarteng sagot niya.
“I’m not your f*cking driver!”
“But you are my f*cking fiance,” katwiran niya.
Gusto ko siyang sapakin! Ang kapal ng mukha.
“WTF!? Tigilan mo nga ako, Callie, at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko’t makalimutan kong babae ka!”
Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako. Narinig ko pa ang mga sigaw niya pero hindi ko na pinansin. Dumiretso ako sa bahay nila Khia at doon ay nakita kong maraming tao.
Unti-unti nang mamasa ang mata ko kasi nakita ko sa labas ng bahay nila ang tarpaulin ng mukha ni Khia. Totoo pala talaga. Wala na pala talaga siya. Wala na ang mahal ko.
D*mn! D*mn! D*mn!
Wala na nga talaga siya! Wala na nga talaga ang babaeng mahal ko!
Pumatak ang mga luha ko pero hindi ko iyon pinansin. Nakatuon lang ang paningin ko sa tarpaulin. Bakit naman ganito? Magiging maayos na sana ang kompanya namin kaya makukuha ko na ulit siya pero bakit naman ganito?
‘May you rest in peace, Khianna Haiden Abelino.’
Hindi ko talaga matanggap. Ayaw kong maniwala. Hindi ito totoo. Panaginip ko lang ito, I mean bangungot lang ito. Alam kong maya-maya lang ay magigising din ako at makikita ko ulit ang mga ngiti niya pero hindi. Kahit paulit-ulit kong suntukin, sabunutan, at kurutin ang sarili ko ay hindi ako magising.
Totoo ito! Wala na nga talaga siya! Tang*na, wala na ang babaeng mahal ko! Iniwan niya na ako!
Arrggghhhhhhh!
Ang g*go ko! Ang g*go-g*go ko! Dapat gumawa na lang ako ng paraan para malunasan ang sakit ni Lolo. Dapat hindi na lang ako nakipaghiwalay sa kaniya. Dapat hindi ko na lang siya sinaktan. Dapat hindi ko na lang iyon ginawa. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana ako nakipaghiwalay sa kaniya! Ang g*go ko!
At ang t*nga ko ring boyfriend kasi hindi ko man lang nalaman na may sakit pala ang girlfriend ko. Hindi ko man lang napansin na may sakit pala siya sa puso. Dapat pala ay pinilit ko na lang siyang magpatingin sa doktor para kahit papaano ay naagapan ang sakit niya. Ang t*nga ko! Kasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit siya nawala!
D*mn it!
Huli na para magsisi pa ako kasi wala na siya. Kahit ano’ng gawin ko ay hindi na siya babalik pa. Kahit pa patayin ko ang sarili ko ngayon ay hindi na siya mabubuhay pa. D*mn you, Dalton Zhane!
Muli kong inalala ang maganda niyang mukha. Ang nakangiti niyang mukha. Ang masayahin niyang mukha. D*mn, I’ll miss that.
Sana ay bangungot lang talaga ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Suffer✓
Teen FictionA girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more. She's sick and she wants to give up. She's no longer fighting while her friends are doing everythi...