Chapter 15

984 31 0
                                    

CHAPTER 15
Khianna Haiden’s Point of View

“Khia ko, kailan mo ba ako sasagutin? Isang buwan na akong nanliligaw sa iyo. Ang tagal na. Hindi na ako makapaghintay na maging akin ka, Khia ko,” pangungulit ni Zhane nagsusulat ako ng notes.

Narito kasi ako sa garden at nagsusulat ng notes. May quiz kami mamaya kaya kailan kong mag-review at magnotes kaso, bigla naman sumulpot itong si Zhane at kinukulit na naman ako tungkol sa panliligaw niya. Totoo ang sinabi niyang isang buwan na siyang nanliligaw sa akin ngunit hindi ko naman ito ipinagtutuunan ng pansin. Masyado kasi akong busy sa pag-aaral kaya kahit ano klaseng pangungulit o panliligaw niya ay hindi ko pinapansin.

“Please lang, Zhane, tigilan mo na ako. Hindi mo ba nakikita? Nagre-review ako ngayon kaya huwag ka nang magsayang pa ng oras sa akin.”

“Alam mo namang hindi ko iyon magagawa, ‘di ba? I love you. So, please, sagutin mo na ako, isang chance lang. Iyon lang naman ang hinihingi ko, isang pagkakataon sa nararamdaman ko para sa iyo. Kapag hindi nag-work, kapag hindi ka nagkaroon ng nararamdaman para sa akin, puwede kang makipaghiwalay sa akin,” sagot niya. Bumuntong-hininga ako at pumikit, sobrang kulit!

“Zhane, wala nga akong time para sa ganiyan. Ang pag-aaral ko ang priority ko ngayon. Please, wala kang pag-asa sa akin. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng mapagtitripan mo. Sinabi ko na sa iyo, wala kang mapapala sa akin.”

“Khia ko, hindi kita pinagtitripan. Totoo ang sinabi ko na mahal kita. Hindi ka ba naniniwala roon? Mukha bang niloloko kita. Seryoso ako sa iyo,” sagot niya at tinitigan ako. Katulad ng dati ay bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing tinititigan niya ako.

“Zhane, tigilan mo na sabi ako kasi wala ka namang mapapala sa akin. Ilang ulit ko bang sasabihin iyon? Hindi ka ba makaintindi?”

“Hindi mo rin ba maintindihan na gusto kita? Kapag hindi mo ako sinagot ay magpapakamatay ako,” bigla niyang saad kaya tinignan ko ito na para bang nababaliw na siya.

“What!?”

“You heard it right, Khia ko. Magpapakamatay ako kapag hindi mo pa ako sinagot.”

“Alam mo, Zhane, nababaliw ka na talaga. Para kang bata. Alam mo ba iyon?”

“Yes, Khia. I’m insane, insanely in love with you.”

“Arghh. Ewan ko sa iyo.”

Pagkatapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya roon at patuloy akong naglakad. Umagang-umaga ay nangungulit na naman. Isang buwan na rin siyang nanliligaw at nalaman na rin nila ate ang pinaggagagawa niya. Paano nangyari? Arghh! Parang ayaw ko na lang alalahanin. Sobra ang kahihiyan na idinulot ni Zhane sa mga ate ko.

***FLASHBACK***

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan nila ate nang may biglang kumatok. Sino naman kaya ang bisita namin ngayon?

“May bisita yata tayo ngayon,” sabi ni Ate Cole.

“Marielle, buksan mo nga iyong pinto,” utos ni Ate Rill kay Ate Vann kaya tumayo na si Ate Vann.

“Sige po, Ate Cass.”

Tumuloy kami sa pagkain at ilang pumasok na sa kusina si Ate Vann at kasama si . . .

Suffer✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon