Aral
"Dito nalang ako, at dito mo rin ako susunduin mamaya."
"Bakit? Ihahatid ka ng boyfriend mo?"
"Naku Trez, sinasabi ko sa'yo ha, huwag na huwag mong sasabihin iyan kay Nanay. Tandaan mo ako ang-"
"Yes Boss." Salo niya sa sinasabi ko.
Sa kabilang bayan ako pumapasok, walang college dito sa lugar namin kaya kailangang tumawid ng bayan. Tinuruan ko si Trez noong isang linggo mag-drive ng owner at natuto siya agad kaya mas mapapadali ang pagpasok ko kasi may susundo at maghahatid na sa akin.
Naisip ko rin siguro driver siya bago naaksidente, siguro nahold-up, nanlaban tapos binaril. Kawawa naman.
"'Yan mabuti iyong nagkakaintindihan tayo." taas noo ako. "sige na umuwi kana, text nalang ako pag pauwi na ako."
May cellphone na rin siya, iyong dating ginagamit ni Nanay na de-keypad, tinuruan ko rin siya at nakuha niya agad. Posible rin kaya na technician siya dati? Eto na naman ako sa pagpapa-ako ng kung anu-anong posibleng trabaho niya noon.
Isinakay niya ako ng jeep, nagpaalam lang sa akin at sumakay na ulit sa owner at nag-drive pauwi. Nakatanaw lang ako habang papalayo ang jeep na sinasakyan ko, siya nama'y patungo sa bahay ang direksiyon.
Wala pa siyang lisensiya, kaya kukuha kami kapag nawalan ako ng pasok, kaya lang papano iyon? Wala siyang requirements.
Kaya hanggang kanto lang niya ako mahahatid kasi hindi siya puwede magdrive sa highway.
"Maaga ka ngayon ah." bati sa akin ni Karen.
Ngumiti ako. "Nag-aral kana?"
"Oo kagabi, para sa recitation mamaya."
Tumango ako at umupo, ginugol ko ang buong oras na wala ang professor sa pagrereview, mahirap na baka matawag ako, wala akong alam.
"Liza, group study tayo sa inyo." siko sa akin ni Mylene.
Kumunot ang noo ko. "Samin? Bakit?"
Sa layo ng bahay namin bakit bigla nilang naisipang mag-group study ng mga ito doon? Samantalang noon ayaw nilang sumama kasi gagabihin daw sila.
"Sleep over na rin." si Karen
"Bakit?"
"Hmmp, may tinatago ka yata eh? Pinalitan mo na ba si Zach?" si Mylene
"Huh? Anong sinasabi niyo?"
"Basta group study tayo sa inyo after school."
"Kayo bahala, pero huwag kayong magrereklamo na malayo ha." sabi ko.
Anong nakain ng dalawang ito at biglang gusto sa amin?
Nagulat ako ng siniko ako ni Mylene, kalalabas lang ng professor namin at nagliligpit na kami ng gamit.
"Si Zach oh." sabay nguso sa labas.
Automatic ang pagbangon ng ulo ko at bumaling sa tinuro niya.
There I saw the hearthrob of the university. Gwapo, matangkad at higit sa lahat gwapo. Teka parehas lang iyon ah.
"Kinilig ka na naman. Uyy!" Si Karen.
"Hindi ah." tanggi ko.
"Papaano kapag niligawan ka?"
"Paano ako liligawan? Kami na kaya."
"Talaga?" halos sabay na tanong ng dalawa.
Ito namang dalawang ito parang laging bago. Sa tagal na naming magkakaibigan, hanggang ngayon hindi pa ako kilala.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...