Part 13

48 14 0
                                    

Yakap


Umuwi na si Elize sa Maynila, naiwan lang si Tita Beth pansamantala upang samahan ako. 

Aniya'y lalo akong magdadalamhati kapag mag-isa ako.

Nagpatuloy ang paglipas ng panahon. Walang araw na hindi ako umiiyak at hinahanap si Nanay. Wala ring araw na hindi ko hinihintay si Trez, pero ni isa sa mga araw na iyon hindi siya bumalik. 

Tuloy ang buhay ko, pero may malaking kulang. Tuloy rin ang tanong ng utak ko. Bakit siya biglang nawala?

Kahit ang mga kapitbahay namin ay tinutulungan akong maghanap sa kanya.

Hindi pa kami nagkaka-usap nina Karen, bago mamatay si Inay nagpaalam sila sa akin na pupuntang Italy, doon sila magtatrabaho. Doon nakabase ang Tita ni Karen, niyayaya niya ako, kaya lang ayaw kong iwan si nanay.

Wala akong masyadong income ngayon, naisanla ko iyong paupahan namin ni Nanay, ginamit ko para sa kanya, pambayad sa hospital, bagaman hindi siya nagtagal roon at sa burol niya. 

Pati iyong puwesto ni nanay sa palengke hindi ko agad nabayaran kaya na-puwestuhan ng iba. Monthly ang bayad roon at kung hindi ka nakabayad agad sa due date, maaaring paupahan ng may-ari sa iba.

"Good afternoon Miss Ramirez. I am Atty. Fortunato." sabay lahad niya ng kamay, inabot ko iyon.

I have no idea kung bakit may abogado ngayon sa harap ko.

"Ano pong sadya ninyo?"

"Well, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Based on records matagal na panahon ninyo ng hindi nababayaran ang tax ng lupang ito."

Kumunot ang noo ko, nakaupo kami ngayon sa salas.

"Ho? Paanong hindi nakakabayad? Taon-taon ho kaming nagbubuwis."

"Well hija, based on records walang naka-indicate roon na nagbabayad kayo."

"Atty. sigurado ho ako. Maagap nga ho kaming nagbabayad para hindi magkapenalty."

"Show me your receipts then." hamon niya.

Hindi ko alam kung saan itinabi ni nanay ang mga resibo.

"Hahanapin ko ho Attorney, pupunta ho ako ng munisipyo kapag nakita ko."

Alam kong nagbabayad kami. Paano kami hindi magbabayad, declared ang paupahan namin. 

Labag sa batas kung hindi namin ibubuwis iyon lalo pa at business.

Hinalughog ko ang gamit ni nanay pagkaalis niya. Hinanap ko sa bawat sulok, pero titulo lang ng lupa ang nakita ko. Nasaan iyon?

Muli kong binalikan ang mga gamit na natingnan ko na, maging si Tita Beth ay tinulungan ako. Pero wala pa rin.

Balak ko pang ulitin ulit, ngunit may narinig na kaming natawag sa labas ng bahay, kaya lumabas kami ni Tita.

Si Mang Lito, ang may-ari ng resort karatig sa amin, na siya ring napagsanlaan ko ng paupahan namin.

"Liza, may sabit pala ang paupahan ninyo." bungad niya.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin, malamang nabalitaan niya ang nagyari kanina. Paanong nakarating agad ang balitang iyon?

"Mang Lito, hindi ho, sinisigurado ko ho sa inyo, wala po kaming unpaid tax."

"Kahit pa Liza, mahirap iyan, baka maipit ako."

Isa lang ang ibig sabihin nito, naniningil na siya sa napagsanlaan ko sa kanya.

"Gagawan ko ho ng paraan." tanging nasabi ko.

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon