Part 10

50 17 0
                                    

Ligaw


Maraming tumatakbo sa isipan ko. Ang mga sinabi ni Trez at ang nararamdaman ko. Alam ko ang punto niya. Kahit ako iniisip ko na paano kung masamang tao pala siya, kriminal, o di kaya may asawa at anak?

Natagpuan namin siyang duguan, may tama ng baril at walang kahit na anong pagkakakilanlan. Pero sa nakikita ko sa kanya ngayon, hindi ko maisip na posibleng iba ang pagkatao niya noon.

Madaling araw na ako nakatulog pero ang aga ko pa rin nagising ngayon, para lang tumunganga sa kisame at muling isipin ang napag-usapan namin ni Trez kagabi.

Ako kaya ang tinutukoy niya doon sa taong gusto niya? Baka naman may iba siyang tinutukoy doon? Asyumera lang ako na ako 'yon.

Bumangon na ako ng makita ang sinag ng araw sa siwang ng bintana.

Wala na si Trez sa higaan niya ng lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa banyo para maligo, pagkatapos noon ay bumalik ulit sa kwarto para mag-ayos. Anuman ang nangyari kagabi hindi ko muna dapat isipin iyon, birthday ni Trez, dapat ienjoy ang araw na ito. Kahit bukas na ulit ang stress.

Pagkatapos kong mag-ayos at maglagay ng kaunting make-up lumabas na ako. Dumiretso ako sa kusina at si Nanay lang ang naroon. Iginala ko ang paningin pero wala na si Trez.

"Nay si Trez?"

"Maagang umalis, doon na raw mag-aalmusal, para raw maagang makabalik mamaya."

Tumango ako. "Sige 'Nay, mag-aayos na ako ng gagamitin ko pangdekorasyon."

Bumili ako kahapon ng birthday decorations, aayusan ko iyong harap ng bahay para sa birthday niya.

"Sige anak, ako na ang bahala rito."

Kinuha ko ang mga gamit at nag-umpisang maghangin ng mga lobo at number balloons, pati lettering. Hindi ako magaling sa design pero may alam ako kahit kaunti.

Ilang saglit palang ang nakakalipas nagtext na sina Karen at nagpapasundo, sabi nila'y pupunta raw sila kaya hinayaan ko. Alam ko naman na hindi papahuli ang dalawang iyon.

Sinundo ko sila sa may highway gamit ang owner. Pagkarating namin sa bahay ay pinagpatuloy namin ang pag-aayos ng dekorasyon.

Mahigit dalawang oras ang ginugol namin roon. Nagpagawa rin ako ng tarp ni Trez, wala nga lang edad dahil hindi namin alam kung ilang taon na siya.

Natapos kami sa ginagawa at pati si Nanay ay tapos na rin magluto ng tatlong putahe, dalawang ulam at isang meryenda.

May mangilan-ngilan naring dumadating na bisita, ang ilan ay kasamahan sa pangingisda ni Trez ang iba naman ay sa palengke.

Pinuntahan sila ni Nanay nitong umaga lang, para hindi makarating kay Trez na may magaganap.

"Si Trez?" tanong ng isa.

"Wala pa eh, maya-maya nandiyan na 'yon." sagot ni nanay.

Dumating ang alas dos at marami pang tanong na ganoon ang narinig ko, hinahanap si Trez. Nararamdaman ko na ang gutom ng bisita kaya pina una na namin silang kumain.

Nang nag-alas singko, isa isa nang nagsi-uwian ang mga bisitang dumating kanina. Pati iyong ibang lobo sa dispaly ay na-deflate na.

Maging sina Karen ay umuwi na rin.

"Anak, kain na. Kanina ka pa hindi kumakain." si nanay.

"Bakit wala pa siya 'nay?"

"Baka busy ,anak. Isa pa hindi naman niya alam na maghahanda tayo."

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon