View
Pakiramdam ko para akong nasa alapaap, kasayaw ko siya at sa akin lang siya nakatingin.
Hindi ko inaasahan na ganito pala kasarap sumayaw, para akong si Cinderella na napiling isayaw ni Prince Charming. Everything feels so magical, is that even posible? Sa edad kong ito naiisip ko pa ang mga salitang iyon.
Wala sa loob akong napayakap kay Trez, nadala sa emosyong nararamdaman. Hanggang tainga niya ako ngayon salamat sa 4 inches high heels na suot ko. I want to seize the moment while it lasts. Hanggang hawak pa niya ako.
Ito ang dahilan kaya ng niyaya niya ako kanina kahit nanginginig hindi ko tinanggihan. Ibinibigay na ng pagkakataon tatanggihan ko pa ba?
Ngunit hindi ko alam na sa kasiyahang nararamdaman ko may puwang pa pala ang hikbi. "Bumalik ka na sa akin Trez." paos kong turan, tunog nagmamakaawa pa.
Tumigil siya sa pagsayaw at dumiin ang hawak sa aking likod. Naramdaman ko rin ang mabigat niyang paghinga.
Nang maramdaman iyon, humiwalay ako upang makita siya. He looked at me with emotionless eyes.
Nabigla ba siya sa sinabi ko? Hindi ko alam na maririnig niya iyon. Ako pa yata ang tumapos sa gabi na pinanalangin ko kaninang 'wag ng matapos.
Nakagat ko ang labi ko, bago nagsalita. "Masakit na ang paa ko." pagdadahilan ko.
Hindi ko kayang tagalan ang titig niya ng ganito. Ayaw niya ito, iyong tinatawag ko siyang Trez at iyon ang ginawa ko ngayon lang.
He took a deep breath too and he nodded. "Let's take a sit, then." he suggested.
Naupo muli kami. Ngunit hindi pa nagtatagal may lumapit sa kanyang babae na mukhang kaedad niya.
"Elias, I'll introduce you to my friend." sabi noong babae.
Trez looked at me, hindi ko alam kung namamaalam ba o kung ano. Ngumiti na lang ako at tumango. "I'll be back." saad niya at tumayo para sumunod sa babae.
Ilang minuto ang lumipas hindi pa rin bumabalik si Trez, hinahanap ko siya sa dagat ng mga tao pero wala siya roon.
I stood up when I felt the need to go to the restroom. Muli kong pinasadahan ang lugar para sana magpaalam kay Trez pero wala siya.
Lakas loob akong lumabas ng venue at hinanap ang toilet sa ground floor. May restroom sa loob, kaya lang ang daming tao kaya sa labas ako nagpunta.
Nasa dulong corridor iyon at walang masyadong tao. Pagkatapos mag-restroom naglalakad na ulit ako pabalik ulit sa venue, kaya lang ng masulyapan ko ang garden sa labas ng hotel at sa payapang ganda noon nakakaenganyong magpahangin.
Lumabas ako sa kaliwang pintuan ng hotel kung saan naroon ang garden.
May malaking fountain roon, U-shaped ang lugar na puno ng halaman ang gilid, at pino ang damo sa ibaba, higit sa lahat masarap ang hangin.
I removed my heels, masakit na ang paa ko. Naghi-heels ako sa office pero hindi ganito kataas. Kaya mas nakakangalay ngayon.
Inilapat ko sa damo ang paa ko at sandaling pinakiramdaman.
Nang magsawa, umupo ako sa tagong gilid ng garden sa mas madilim na parte, para kung sakaling may dumating hindi ako makikita agad dahil nakasalampak ako sa damuhan. Ngunit inilawan ko muna gamit ang cellphone flashlight at siniyasat kung wala ba akong mauupuang kung ano roon.
Itinext ko rin si Trez. Baka hanapin ako.
Ako:
Sir, nasa garden ako, nagpapahangin.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomansaIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...