Part 4

54 18 0
                                    

Hospital


Inayos niya ang rocking chair sa terrace ng bahay ayon sa plano niya. Gaya ng inaasahan ko tuwang tuwa si Nanay sa ginawa ni Trez.

Nilagyan rin niya ng duyan ang lilim ng puno malapit sa bahay namin. Doon naman ako madalas kapag walang ginagawa.

Malapit ng matapos ang pasukan ngayong taon at magbabakasyon na kaya inaasahan naming kahit papaano magkakaroon kami ng dagdag na kita, summer at maraming magbi beach.

Hindi kami ganoon kalapit sa dagat, mga isa o dalawang kilometro ang layo noon. Ang paupahan namin ang malapit sa dagat.

Linggo ngayon at nasa palengke si Nanay, nagtitinda ulit ng isda, maraming huli sina Trez kanina at sinamahan niya si Nanay sa palengke.

Habang walang kasama panay naman ang kalikot ko sa cellphone ko, nagtitingin kung may text si Karen, pero wala. Nakakabagot.

Napangiti ako ng tumunog ang cellphone ko. "Ayos may makakatext ako."

Binuhay ko iyon at agad nagpunta sa message icon. Ngumuso ako ng makitang unknown number iyon.

"Akala ko pa naman may makakatext ako. Nagload pa naman ako kanina, sayang lang." bulong ko.

Pero dahil nacurious binuksan ko ang message at nanlaki ang mga mata ko ng mabasa iyon.

Unknown number:

Hi, I hope you don't mind I got your number from your friend. This is Zach."

OH MY!!! Totoo ba ito? Goodness talaga! Pati way ng pagtetext niya ang gwapo.

Marahan akong napatili sa sobrang saya. Nagtext si Zach. Kaya lang anong irereply ko?

Nag-umpisa akong magtipa ng reply. "Parang hindi maganda." binura ko iyon, nagtipa ulit ako. "parang mas hindi maganda." binura ko ulit.

Mahigit tatlumpong minuto yata akong nagtitipa bago ako nagsend ng reply.

Ako:

Okay lang.

Ano ka ba naman Meliza, rereply ka lang hindi mo pa inayos.

Agad akong nakatanggap ulit ng mensahe.

Zach Vicente:

Naabala ba kita?

Naabala? Bakit? Anong sasabihin ko? Kapag sinabi kong wala akong ginagawa baka isipin niya na gustong-gusto ko siyang katext.

I typed in my reply again after one hundred and fourty eight years.

Ako:

'Di naman.

Ano ba naman 'to! Bakit kapag si Trez ang kaharap ko ang tapang-tapang ko, samantalang si Zach text palang ngarag na ako. What's wrong with me?

Zach Vicente:

I just wanted to invite you on my birthday, it's on sunday. I wanted to invite you personally, pero nahihiya ako eh. I hope you could come.

Oh, birthday niya sa Sunday, birthday ko sa Saturday. Destiny talaga kami! Hindi ko mapigilang mangiti.

Ako:

Magpapaalam ako.

Zach Vicente:

Alright, thank you.

Kagat labi akong ngumiti. Tinext niya ako para iinvite sa birthday niya.

Lutang ako hanggang dumating sina Nanay. Kasama si Trez kaya lang agad dumiretso si Trez sa stock room.

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon