Part 31

48 9 0
                                    

Girlfriend


Normal ang mga araw na nagdaan, hindi na ako nakakarinig ng kung ano, wala na ring mga matang laging nagmamasid at nag aabang na magkamali ako. Dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng huli akong makarinig ng ganoon at iyong away na nakasangkutan ko.

Hindi ko na rin masyadong nakikita iyong naka-away kong Engineering, kapag lang may meeting sa Conference room, minsan naroon siya. 

Humingi siya ng tawad sa akin noong araw na nagkausap kami, wala siyang ibang sinabi pagkatapos noon at tumalikod na. Hindi rin naman ako umaasa ng kung ano, ang gusto ko lang ay tahimik na magtrabaho kaya hindi ko na pinahaba ang gusot sa aming dalawa.

Trabaho lang ang pinagtuunan ko ng pansin, at paminsan-minsang pagkumusta kay Zach tungkol sa owner ko, dumating na raw ang salamin at mapapalitan na iyon.

Hindi na ulit ako napasyal sa talyer niya, hinihintay ko nalang ang reply niya sa text ko o minsan siya mismo ang nag-a update sa akin tungkol doon.

Tatlong beses na rin niya akong niyaya ulit kumain, pero hindi ko pinaunlakan, baka mamaya dalhin na naman niya ako sa ganoong restaurant at makita ko na naman si Trez na may kasama.

Naalala ko rin ang sinabi niya na kung gusto kong makabawi at i-treat siya ay ako dapat ang mag-aya, pero dahil nga sa nangyari noong huli ayaw ko muna.

Madalas ring pumunta si Mr. Buenavista ngayon sa opisina ni Trez, at sa tuwing nakikita niya ako ay nangingilabot ako sa paraan ng tingin na ipinupukol niya sa akain, kaya sa huli tumutungo na lang ako hanggang makapasok siya sa loob o makalabas siya.

Nadadalas rin ang pag-gimik ni Elize nitong nakaraan, madalas niya akong yayain gaya ngayon. Nagyayaya na naman na pupunta raw sila sa bar.

"Sige na Liza, ngayon lang."

"Uuwi nalang ako Elize, hindi rin naman ako umiinom. Mag-ingat ka na lang umuwi ha, huwag kang magpapakalasing."

"Hmmp, ikaw talaga, hindi man lang mayaya."

Tinawanan ko lang siya at pumara na ng taxi pauwi. Responsable si Elize kahit lasing kaya alam kong kaya niyang umuwi kahit wala ako.

Kumain kami ni Tita matapos niyang magluto, pagkatapos noon ay umakyat na ako at inisip ng magpahinga.

Naalimpungatan ako galing sa pagkakatulog, hinagilap ko ang cellphone at tiningnan ang oras doon. Alas-onse na.

Bumangon ako at bumaba dahil nakaramdam ng uhaw.

Madilim at tahimik ang kabahaya. I wonder if Elize hasn't arrive yet?

Nagsasalin ako ng tubig ng marinig ko ang malakas na kalampag ng gate, ibinaba ko agad ang hawak na pitcher at sinilip iyon. It's Elize, hirap magbukas ng gate.

Agad akong lumabas at inalalayan siya, pasura'y ang lakad niya at nag-eekis ang mga paa, halos mabuwal kami sa bigat ng katawan niya dahil halos walang lakas.

Hindi ko na nalingon ang taxi na naghatid sa kanya, narinig ko pang bumukas at sumara ang pinto noon, pero dineretso ko si Elize sa loob ng bahay.

I put her in the sofa, kung anu-ano ang sinasabi niya na hindi ko naman maintindihan.

"Bakit ka ba nagpakalasing? 'Di ba sabi ko konti lang?"

Tumawa lang siya. "Konti.. Lang... Naman.. Talaga, hik."

Naiiling akong bumalik sa kusina, kinuha ang tubig na sinalin ko kanina at bumalik para mapainom siya.

Tumatawa siya at may sinasabi ulit.

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon