Part 15

52 13 0
                                    

Mistaken


Nanghihina akong bumalik sa building nila kung saan nakaparada ang owner.

Bakit nag-iba siya? Bakit hindi niya ako pinansin, parang hindi niya ako kilala? Kanina pa ako tanong ng tanong sa isip ko. "Anong nangyari?"

Sumandal ako sa owner nang makarating doon, tinakip ang dalawang kamay sa mukha at humikbi.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin. It was Elize.

"Kaya mong mag-drive?" tanong niya ng kumalas ako at tumingin sa kanya.

Tumango ako. "Tapos na trabaho mo?"

"Hindi pa, pero tingin ko kailangan mo ako ngayon."

Ngumiti ako ng pilit at niyakap siya. "Salamat."

Umuwi kami ng bahay, nanonood ng TV si Tita Beth, nagulat pa siya at umuwi si Elize ng maaga.

Ipinaliwanag ni Elize na nag-undertime siya dahil may aasikasuhin kami, kaya hindi na nag-usisa si Tita.

"Sigurado ka bang si Trez si Mr. James Elias Buenavista?" tanong niya ng makarating sa kwarto.

Umupo ako sa kama at ganoon rin ang ginawa niya. "James Elias Buenavista?" takang tanong ko. "Kung ganoon Buenavista siya?"

Hindi ako makapaniwala. Baka kaya mukha siyang pamiyar sa akin, malamang nakita ko na siya sa telebisyon noon?

"Oo, bunsong anak na lalaki ni Demetrius Buenavista."

Kumunot ang noo ko, unbelievable. Imposible iyon.

"Paano siya napunta sa amin kung ganoon?"

"Bali-balita naglayas raw kaya nawala ng mahabang panahon, tapos ngayon biglang nagbalik. Biglang interesado sa business. Iyon lang, no other details."

Mabilis ang paghinga ko, hindi maka-get over sa nalaman.

"Kita mo siya kanina? Bakit parang hindi niya ako kilala?"

"Di ba sabi mo may amnesia iyong Trez noong nasa inyo. Kung si Mr. James Elias Buenavista man iyon. Baka nagka-amnesia siya ulit." she shrugged.

Muling kumunot ang noo ko."Posible ba iyon?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko rin alam, try mo magtanong sa Doctor."

Tumahimik ako at nag-isip, siguro tama siya. Palagay ko dapat ko ngang gawin iyon.

"Liza, mali iyong ginawa mo kanina, alamin muna natin ang sitwasyon bago ka magpadalos-dalos."

Tumango ako. "Naiintindihan ko, pero hindi mo maiaalis sa akin ang gawin iyon. Matagal ko siyang hinahap. Nakita ko siya kanina at iyon lang ang naisip gawin."

"Alam ko iyon, pero sa susunod pigilan mo, buti hindi ka pina-security kanina."

"Palagay mo gagawin niya iyon?"

"Sa naririnig ko sa opisina tungkol sa kanya, malamang gawin niya iyon."

"Bakit? Ano ba siya sa opisina?"

"Strikto, ayaw ng may nagkakamali at mainitin ang ulo. Madalas ko ngang marinig na 'Sayang ang gwapo pero ang sungit' 'yon ganoon ang pagkakasabi nila." sabi niyang inartehan pa ang salita.

"Kasi si Trez, hindi gagawin ang ganoon."

"Si Trez 'yon, Big Boss ito ngayon, ibang usapan Liza. Kaya huwag na huwag mong gagawin ulit iyon. Buti nalang hindi ka kilala sa opisina. Kung hindi puputaktihin ka ng chismis."

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon