Part 41

47 8 0
                                    

So fast, so hard


Dumaong kami sa isang malawak na resort, bagaman may mga katabing resorts din pero naiiba ang isang iyon. Nasa tabing dagat ngunit napakaraming puno.

"Sir, mali yata tayo ng pinuntahan. Jungle yata ito?" tanong ko ng makababa sa yate.

May mga sumalubong sa aming sa tingin ko'y tauhan ng resort o kung anuman ito.

"Shhh." mahinang turan ni Trez. "The captain's worked for Mr. Miller, I'm sure we're on the right place."

"Ang alam ko sa resort, Sir, purong buhangin, hindi puro puno." balik kong bulong.

Napakalapit namin sa isa't isa at halos nakasandala ako sa kanya maibulong lang ang gusto kong sabihin. Dahil baka mamaya talagang naliligaw kami.

"There's sands here, Miss Ramirez." he pointed out.

"Opo, Sir. Dito sa bukana. Pero ang likod puro puno na."

"He likes nature." sabi niyang mas bumaba sa tainga ko.

Napaiktad ako. Ngunit napaayos ako ng tayo ng at tumingin si Trez sa unahan.

"Mr. Elias Buenavista, finally. I'm sorry for keeping you waiting. Recent schedules are really...loaded." Mr. Miller's shrugged.

Umayos ng tayo si Trez nang nakatayo na ako ng tuwid.

Tumingin ako kay Mr. Miller, ngumiti at bahagyang tumungo bilang bati. Ngumiti rin siya pabalik.

"No worries Mr. Miller. Thank you for inviting us. This is such a good place."

Naglahad ng kamay si Trez at tinanggap naman ni Mr. Miller, bago bumaling sa akin ang tingin.

"The pleasure is mine Mr. Buenavista. Glad to have you and your... girlfriend perhaps?"

Umawang ang labi ko para magsalita pero naramdaman ko ang kamay ni Trez sa kanang balikat ko at bahagya akong hinapit. Napabaling ako sa kanya.

Ngumiti lang si Trez kay Mr. Miller, ngunit hindi makita ang mata dahil sa sunglasses na suot niya.

"Welcome to my paradise beautiful lady. I hope you enjoy your stay." aniyang tunog receptionist.

"We're surely will." Trez said, napabaling ako sa kanya.

"Let's come inside." anyaya ni Mr. Miller. "By the way, I prepared two Villas for you Mr. Buenavista. But would you preffered one? I tought you're with a friend."

"Kung hindi kalabisan Mr. Miller, dalawa po sana." singit ko.

Nakasama ko na si Trez noon sa iisang bahay, pero iba ito ngayon. Mas mabuting magkahiwalay kami.

"We'll do that." ngumiti siya, nauna ng maglakad si Mr. Miller, sumunod ako at sa likod ko si Trez.

Nang makapasok sa bukana ng jungle-like resort ni Mr. Miller doon ko nakita na maganda naman pala at kahit mapuno malinis, may buhangin pa rin. Puti at pino.

Malalayo ang pagitan ng bawat villa dahil sa mga punong nakatanim sa bawat isa roon. 

Maaliwalas at mahangin. Sa tabing dagat mayroong mga beach lounge chairs at may mga beach umbrellas. Ngunit dito shaded ang bawat dadaanan, hindi ka mag-aalalang mangitim kung maglalakad.

Sa bukana lang ang Villa na tutuluyan namin ni Trez, unang sasapitin ang sa kanya. Bukas na iyon at ipinasok na lang ng tauhan roon ang gamit ni Trez, muntik pang mapasama iyong sa akin ngunit pinigilan ko.

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon