Part 21

49 12 0
                                    

Madumi


Pagkasabi noo'y umalis na siya, hindi ko na nagawang harangan siya. Natuod ako sa narinig.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong tulala habang tumutulo ang luha.

Natauhan lang ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

"H-hello." pilit kong inayos ang boses ko para hindi mahalata ni Tita na umiiyak ako.

"Hija, nasaan ka na, malalim na ang gabi."

"Pauwi na ho ako, Tita."

"Ah, ganoon ba, hija. Ingat ka, hihintayin kita."

Pinatay ko ang tawag pagkatapos magpaalam kay Tita. Bumaba na ako kahit ang bigat ng pakiramdam ko at lumabas ng BGCI Building.

Nag-taxi ako pauwi dahil sa nangyari sa Owner ko, hindi ko iyon magagamit. Ang balak ko'y ipapa-tow ko nalang iyon.

Pagkasakay ko palang sumakit na ang puso ko.

A sad love song was playing inside the taxi and each time the singer speak those lyrics of the song strike my heart and I feel a severe stabbing felling on my chest.

Lalong bumuhos ang luha ko.

"Manong pwede po bang papatay ng radyo ninyo?"

Nilingon ako saglit ng driver bago tumango. "Sige ineng."

"Thank you po."

Tumango lang ulit ang sa palagay ko'y nasa kuwarenta anyos na taxi driver sa may rear-view mirror.

Kinalma ko ang sarili ko, hindi puwedeng mamaga ang mata ko mahalata ni Tita na umiyak ako.

Nagpahatid ako sa bahay nina Tita. Nasa gate na siya ng huminto ang taxi sa tapat ng bahay, naghihintay sa akin.

"Anak, anong nangyari? Nag-alala ako sa 'yo pati si Elize, pinatulog ko na nga lang at may pasok bukas."

"Okay lang po Tita, may inayos lang po kaya natagalan."

Inalalayan niya ako pagpasok sa loob, sa kusina niya ako dinala at inabutan ng basong may tubig.

"Ipaghahain kita."

"Hindi na po Tita, hindi po ako gutom."

Pakiramdam ko hindi tatanggapin ng sikmura ko ang pagkain sa ngayon, sa sakit ng puso ko pakiramdam ko namamaga iyon hanggang sikmura ko.

Tumango si Tita bilang pagsang-ayon.

"Anong plano mo bukas?"

Napatitig ako sa kanya, nagtatanong kung anong meron bukas. Kumunot ang noo niya marahil nahalata pa rin ang pamamaga ng mata ko, ngunit hindi pinansin iyon sa halip iba ang sinabi.

"Forty days ni Sonya bukas, hija, nakalimutan mo?"

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwalang nakalimutan ko ang bagay na iyon.

"Hindi po, Tita." pagsisinungaling ko kahit alam kong halata sa reaksiyon ko ang gulat. 

Mas mabuti ng ganoon, kaysa usisain ako ni Tita kung bakit namamaga ang mata ko, hahayaan ko nalang na isipin niyang iyon ang iniyakan ko.

"Uuwi ka ba?" si Tita.

"Opo." maikli kong sagot kahit ngayon lang nakapagdesisiyon ng dapat gawin para bukas.

"Saan ka tutuloy?"

Kumunot ang noo ko, wala nga pala akong tutuluyan roon. "Maghahanap na lang ho ako ng murang kwarto para magpalipas ng gabi."

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon