Part 33

47 9 0
                                    

Church


"Hello." ulit niya.

Naunawaan ko na kung bakit Hayes ang nakalagay sa caller.

"H-he-hellow." utal kong tugon.

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang hello kong iyon na para bang napakahaba, pero isang salita lang naman.

Naramdaman ko ang nginig ng kamay ni Elize na nakahawak sa cellphone, kaya kinuha ko iyon kahit kinakabahan rin.

"Who's this?"

"It's me Sir, Meliza Reign Ramirez." finally I gathered myself.

I heard him sighed and the line went silent.

"Alright, bring my phone in the office." he said and I heard the static sound, indicating he dropped the call.

Suplado talaga.

"Anong sabi?" si Elize na hindi makapaghintay.

"Dalhin ko raw 'yong cellphone niya sa office."

"Yun lang?" halata pa ring kabado.

Tumango lang ako.

We went out of the taxi after it stopped in front of BGCI Building.

Tensiyonado pa rin si Elize, pero kinalma ko siya. Hindi naman nagtanong si Trez kung paano napunta sa akin ang cellphone niya noong sumagot ako, kaya baka hindi na kailangan ni Elize magpaliwanag. Kung magtanong man siya, sasabihin ko nalang na naiuwi ko. Little white lies kaysa naman mapagalitan si Elize.

I did my routine when I arrived in the office. Minutes later, Trez entered the office agad akong tumayo.

"Good morning, Sir."

His eyes directed on me and walked towards my table.

"Good morning." sabi niya sabay patong ng maliit na box sa ibabaw ng table ko.

My eyes narrowed at the box, and looked at him again. "Ano 'yan, Sir?"

"Sorry again last night and thank you for taking care of me. I bought something sweet, Nakakawala raw 'yon ng galit."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "Thank you Sir, pero hindi naman na kailangan."

"I know, I mean... I just thought you might like."

Ngumuso ako, pero siguro nga kailangan ko rin, kasi kanina bago siya dumating may nakita akong tumawag sa cellphone niya. Adriana ang pangalan, sino kaya 'yon?

Ilang beses kong naisip na buksan ang cellphone niya, pero buti nalang napigil ko ang sarili ko.

"Here Sir." inabot ko ang cellphone, dahil kung magtatagal pa iyon sa kamay ko, baka hindi na ako makapagpigil.

At mahalukwat ko na ang kaloob-looban noon, tulad ng ginagawa ko sa cellphone niya noon.

Walang text na nakakaligtas sa akin noon, madalas ko pang replayan. Aniya'y wala siyang balak replyan ang mga iyon pero hindi ako matahimik. Marami-rami rin akong natarayan noon.

"Sir may tumawag nga pala sa inyo." dugtong ko. He raised his brows. "Adriana 'yong nakalagay."

Binalingan niya ang cellphone niya at binuhay ng marinig iyon at nagtipa roon bago tinapat sa tainga at pumasok sa loob ng office niya. Sinundan ko siya ng tingin at umaasang may marinig ngunit hanggang sumara ang pinto ay wala.

Agad akong nagtimpla ng kape at hinanda ang tablet pagkatapos ay sumunod sa loob. Hindi na muna pinagkaabalahang tingnan ang laman ng binigay niyang box. Sabi naman niya matamis iyon kaya nilagay ko nalang sa fridge sa dining room.

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon