Hide
Nanatili akong ganoon hanggang katukin ako ni Elize sa kwarto. Tiningnan ko ang phone ko at nakitang alas-siyete na pala, hindi ko man lang namalayan.
"Pasok."
"Hmmp, papasok talaga ako no, namiss kita eh." sabi niya sabay yakap.
I hugged her back. "Ang aga mo, hindi traffic?"
"Oh, naawa ang daan, hinawi ang mga sasakyan."
Natawa ako, "Baliw ka talaga."
She laughed too. "Kain na tayo, marami kang ikukwento sa akin."
Nanliit ang mata ko, pero sumunod sa paghila niya palabas ng kwarto.
Habang nasa hapag tuloy ang tanong niya ng nangyari sa pagdalaw ko kay nanay at tatay. Kinuwento ko lang kung anong ginawa ko roon.
Pagkatapos kumain hindi na niya ako hinayaang tumulong sa pagliligpit, agad akong hinila pabalik sa taas at pumuntang kuwarto.
Wala akong nagawa kundi lingunin si Tita na mag-isang naglilinis ng pinagkainan at natatawa sa ginagawa ni Elize.
"Ano ka ba? Bakit hindi mo man lang ako pinatulong kay Tita, kawawa naman siya naiwan roon mag-isa." sabi ko ng makarating sa kwarto.
Sa halip na sumagot, umismid lang siya at hinila ako para paupuin sa kama.
"Sabi ni Mr. Rosell bukas Secretary kana ulit ni Mr. COO?"
Kaya naman pala hindi makapaghintay kanina eh, chichika.
Bumuntong hininga ako at tumango. "Oo,"
Hindi ko nakuwento sa kanya ang sinabi ni Trez noong huling kausap ko sa kanya, madaling araw na ako umuwi noon at isa pa ayaw ko talagang mapag-usapan.
Nanliit ang mata niya. "Tapos ano? Papahirapan ka na naman?"
"Hindi naman siguro."
Mataman niya akong tiningnan. "Tinanong ko kay Mr. Rosell kung sino ang nagrequest sabi si Mr. Demetrius Buenavista raw."
Nangunot ang noo ko sa pagtataka. "Ha? Bakit?"
"Yon ang hindi ko rin alam. Malamang nalaman ang nangyari, gustong pagtakpan... alam mo na, para makalimutan mo ang nangayari. Baka nga naman kasi magreklamo ka sa kinauukulan, mabunyag na hindi nila kayang pigilan ang mga ganoong gawain ng mga empleyado nila."
"Ikaw ang lawak ng imagination mo."
"Ano ka ba? Bumabase lang ako sa kilos nila, no."
Natahimik ako sa sinabi ni Elize, ganoon nga kaya iyon? I don't know how the concerned agencies taking actions on every complains, but I'm not sure if it can be counted, my co-employees do that to me, not my employer.
"Hindi naman yata ganoon iyon, Elize."
"Logic ko lang iyon girl, nagtataka lang kasi ako kung bakit biglang ganoon."
I nodded too, aggreeing on her statements.
"One more thing, may nalaman ako." umayos siya ng upo bago nagpatuloy. "About kay Mr. COO," naagaw noon ang buong atensiyon ko. "He was not interested in business kaya naglayas noon. Tinakwil raw iyan ni Mr. Buenavista kasi ayaw sundin ang gusto niya. Kaya hayun.... pero sinuwerte may kumupkop iyon yata ang nagpa-aral. Mahilig daw mag-design si Mr. COO, pero ayaw pumasok ng business." huminto siya. Pero mukhang may sasabihin pa.
"Tapos?"
She pouted, nag-aalangan. "Engaged daw si Mr. COO noon sa anak ng bestfriend ni Mr. Buenavista kaya rin yata tinakwil kasi umayaw si Mr. COO."
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
РомантикаIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...