Part 3

54 17 0
                                    

Trez


Gaya ng inaasahan namin, hindi nakakuha ng lisensiya si Trez. Wala siyang requirements kaya hindi qualified.

Ipinacheck-up din ulit namin siya. Tinanong ko rin sa Doctor kung posible ba na kahit wala siyang naaalala ay parang pamilyar siya sa ibang bagay, gaya ng sasakyan. Napansin ko kasi hindi na ulit tumirik ang owner mula noong inayos niya.

"Posible naman, may mga bagay kasi na kahit hindi natin naaalala, kapag nakita natin lumalabas iyong interes natin. Siguro ganoon ang nagyayari sa kanya." paliwanag ng Doktor.

Posible nga sigurong ganoon. Maaaring nawala ang alaala niya pero hindi siguro mawawala basta-basta ang mga bagay na likas na gusto niya.

Sumasama rin si Trez kina Mang Turing minsan para mangisda. Pagkarating sinasamahan naman niya si Nanay sa palengke, bago ako ihatid sa may highway para pumasok.

Maayos naman siya, iyon nga lang hindi ko maiwasang mainip na bumalik na ang alaala niya.

Hirap kami sa pinansiyal ngayon, dagdag pa ang mga gastusin sa pag-aaral ko at pang-araw-araw na gastusin namin. Walang kita ang paupahan namin ni Nanay, iyong puwesto nalang talaga sa palengke ang inaasahan namin.

"Mabuti nga sinasamahan ako ni Trez sa palengke, dumadami ang kostomer." tumatawang kuwento ni Nanay.

"Dapat lang naman 'Nay," sabi ko.

Nagliligpit kami ng pinagkainan. Si Trez naman ay lumabas pagkakain kaya kami lang ang nasa loob.

Anong pinagkakaabalahan ng mokong na iyon?

"Aminin man natin o hindi, malaking tulong na nandito si Trez ngayon. May mga gumagawa ng mga gawaing panlalaki, hindi na kailangan utusan. Marunong makisama iyong bata Liza, pakisamahan mo naman ng maayos. Daig mo pa ang laging may dalaw sa pagsusungit mo sa kanya." sermon sakin ni Nanay.

Wala naman akong maisagot, totoo ang sinabi niya. Malaking tulong nga si Trez, kaya lang hindi ko alam kung bakit ako inis sa kanya. Pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya.

Feeling ko nagpapa-cute siya kapag nandito sina Karen at Mylene. Simula nung nakilala nila si Trez madalas sila mag-yaya sakin mag-group study kahit wala namang aaralin, bonding din daw. Kung hindi ko lang alam si Trez lang ang gusto nila makita.

"Meliza, nakikinig ka ba?" untag sakin ni Nanay.

"Opo 'Nay," 

Pagkatapos ko sa kusina, pumasok na ako sa kuwarto ko. May mga assignments akong dapat gawin, at may lesson na dapat aralin. Sabado ngayon kaya puwede akong magpuyat dahil walang pasok bukas.

Nag-aral ako hanggang alas-onse ng gabi bago magpasyang matulog. Sinilip ko lang saglit ang cellphone ko kung may text, pero wala naman. Nakaugalian ko ng itabi ang cellphone ko kapag nag-aaral, dahil hindi ako maka-focus kapag nakikita ko.

Alas-syete ng umaga ako nagising ng sumunod na araw. Dumiretso ako ng kusina at si Trez ang nakita kong naroon.

Luminga ako, ang alam ko wala namang balak magtinda si Nanay ngayon. Linggo pero sinabi niya kagabi na hindi muna siya magtitinda.

"Trez si nanay?" tanong ko.

Bumaling sakin si Trez, nagluluto siya. "Hindi pa nga lumalabas." nag-aalala ang boses.

"Ah, sige pupuntahan ko."

Bumalik ako sa loob dahil magkatabi lang ang kwarto namin ni Nanay. Pagpasok ko nakita ko siyang nakahiga sa kama.

Hindi naman tinatanghali ng gising ni Nanay. May sakit ba siya?

"Nay," tawag ko ng makalapit sa kama. "may sakit ka ba?"

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon