Part 12

44 14 0
                                    

Alaala naming dalawa


"Ma'am baka naman pwede na ikaw nalang magsabi sa kanya, makakabayad rin naman ako agad, nakuha lang ng pera sa bahay 'yong kasama ko. Hindi lang kami nakapagdala sa pagmamadali." mangiyak-ngiyak kong paliwanag. 

Emergency ang kaso ni Nanay at hindi magandang ganito katagal bago siya malapatan ng mas epektibong gamot.

"Miss, secretary lang niya ako. At ayaw niya na iniistorbo siya kapag naka-leave siya."

"Ma'am please."

Bumuntong hininga siya. "Magkano bang hinihingi?"

"Three thousand Ma'am."

"Sige ganito nalang, tatawag ako sa emergency, babayaran ko muna. Pero sigurado ka, may darating kayong pang-down ha."

Halos tumalon ako sa narinig ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Naku Ma'am salamat ha, maraming salamat."

Bumaba na ako sa emergency room, aniya'y siya na ang mag-se-settle, ipapadala nalang sa akin ang admiting form at down payment form para ma-fill- out.

Pagpasok ko palang ng emergency room maingay na. Nagtaka ako ng sumulyap sa kama ni nanay, maraming nurse na nakapalibot roon. Lumapit ako, hindi ko makita ang ginagawa nila kaya hinawi ko.

Naabutan kong nire-revive ng Doctor si nanay. Lalong nangunot ang noo ko, nabalisa.

"Anong nagyayari?"

"Miss, sa likod po muna tayo." pigil sa akin ng Nurse.

"Teka, nanay ko 'yan eh."

"Oo nga po Miss, pero hindi po kayo pwede roon."

"Teka, hindi pwede Nanay ko nga 'yon." pagpupumilit ko at tinutulak na nag nurse.

"Time of death, 11:27 am...

Naagaw noon ang atensiyon ko at tuluyan ng nahawi ang kamay ng burse. Mabilis akong lumapit sa kama niya at hinila ang kamay ng Doctor.

"Doc, subukan ninyo ulit, hindi pwede. Subukan niyo ulit Doc." utos kong may halong pagmamakaawa.

"Miss, we did our best."

"Doc, hindi pwede. Subukan ninyo ulit. 'Nay! 'Nay, gumising ka. 'Nay!" baling ko at inalog siya.

Nag-umpisa na akong umiyak. Nagpaalam na rin ang Doctor, hindi ko siya napilit na ulitin ang pag revive kay nanay. Isa-isa na ring umalis ang mga Nurse.

"Anong nangyari?"

"Nangisay bigla, kaya nilapitan nila."

"Patay na ba?"

"Kawawa naman."

Sabi ng kapwa namin pasyente roon sa emergency room.

Nakaupo lang ako sa upuan sa gilid ni nanay, tulala pero tuloy ang pagtulo ng luha. Hindi ko matanggap na wala na siya.

"Miss, aayusin na po si nanay at dadalhin sa morgue. Doon nalang po ninyo kukuhanin pagkatapos ninyong mag-settle."

Matalim ko siyang tiningnan. "Settle na naman? Namatay 'yong Nanay ko dahil hindi ninyo in-admit agad. Tapos ngayon settle na naman?" mataas ang boses ko.

Galit ako sa kanila. Kung hindi nila ipinipilit ang protocol nila sana naagapan si nanay.

"Miss pasensiya na, trabaho lamang po namin iyon."

Gusto kong matawa. "Sana masabi ninyo iyan kapag isa na sa pamilya ninyo ang nasa ganitong kalagayan."

Alam kong hindi ko siya dapat pagbuntonan ng galit pero sa nararamdaman ko ngayon, wala akong pakialam kung sino man mapagbuntonan ko.

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon