Part 29

48 9 0
                                    

Talon


Zach looked behind him to follow my gaze. Pagkatapos ay bumalik ulit sa akin.

"Something wrong?" he asked.

Umiling lang ako, at pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi na inabutan ni Zach ang tinitingnan ko dahil iginiya na sila sa loob ng restaurant, malamang private room ang pupuntahan.

Pinilit kong lunukin ang pagkain, kahit pakiramdam ko'y ayaw tanggapin ng sikmura ko at may malaking bukol ang nakaharang sa lalamunan ko.

Mabuti nalang, hindi na rin nagtanong si Zach at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Walang patid ang pagkurap ko para lang mawala ang namumuong luha sa mata, at panay rin ang pag-inom ng tubig para mawala ang nakabara sa lalamunan.

Sa sobrang pagka-abala ni Trez sa kasama kanina, ni hindi man lang siya luminga kahit saan, tutok ang paningin niya sa kasama. Ni hindi niya naramdaman na may nanonood sa kanya, at ako 'yon.

Sa wakas natapos rin ang pagkain, pakiramdam ko ito ang pinakamatagal kong pagkain.

Zach asked the bill from the waiter, then later on the waiter neared us to hand it over. Akma kong tatanggapin iyon, ngunit inunahan ako ni Zach.

"Zach 'di ba usapan natin ako ang magbabayad?" giit ko kahit alam kong mahal ang babayaran ko.

"Yeah, but it's our first meal together, so sa susunod ka nalang magbayad." nanliit ang mata ko sa kanya. "Just let me pay this, kung gusto mong bumawi, sa susunod nalang." sabi niyang tila ba walang anuman.

Is this a trick?

In the end he payed our meal, and he also said, he will send me home. Tumanggi ako pero sa kulit niya, hindi umobra 'yon.

"Sigurado ka bang walang magagalit kapag hinatid kita?" he asked for the third time.

That was his style earlier, first asked me kung may magagalit, when I said none. He told me that why wouldn't I allow him to drive me home, reason why I said yes para walang mahabang diskusyon.

Hindi pa ako nakaka get over sa nakita ko kanina kaya ayaw ko munang makipagtalo.

"Wala." tipid kong sagot.

Pula ang traffic light kaya nakahinto kami.

Marami pa siyang naging tanong at sinasagot ko lang. Gaya ng hindi ko pag-attend noon sa birthday niya at noong grumaduate siya na hindi niya ko nakita.

"Thank you, sa dinner at sa paghatid." sabi ko ng makababa ng sasakyan niyang nasa tapat na ng bahay.

Bumaba rin siya kanina at pinagbuksan ako ng pinto.

"You're welcome, salamat din sa pagsama." he smiled.

Tumango ako at ngumiti. "Ingat ka, bye."

He just nod his head, namulsa at tamad na naglakad pabalik at pumasok ng SUV niya.

He started the engine after hopping in, kumaway lang mula sa bintana at ilang saglit pa ay umalis na.

Pumasok na rin ako ng makitang nakalayo na ang sasakyan niya.

"Sino 'yon?" bungad ni Elize ng buksan niya ang pinto.

Dumiretso ako ng lakad papasok ng bahay, habang siya ay halos mabali ang leeg kakasilip sa labas habang kumakain ng snack.

"Sino 'yon?" tanong niya ulit at sinabayan pa ng sundot sa beywang ko.

Napaigtad ako. "Ano ka ba Elize, si Zach 'yon."

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon