Picture
"Sasama ka sa dinner bukas?" tanong ko kay Elize.
Nandito kami sa kwarto, umakyat na pagkakain. Gusto raw niyang makipag-kuwentuhan.
"Um-o." tikom bibig niyang sagot.
"Palagay mo ayos lang sumama ako?"
Kumunot ang noo niya. "Oo naman, bakit hindi?"
"Wala lang, baka kasi hindi naman ako welcome."
"Ano kaba, para sa ating lahat iyon na empleyado." tumitig siya sa akin. "Sinong inaalala mo" Mga katrabaho natin o si Mr. Elias Buenavista"
"'Yon 'yong kilala sa kanya? Elias?"
"Oo, naririnig ko minsan kapag kausap siya ng tatay niya Elias ang tawag."
Napatango-tango ako. At least may alam na ako sa kanya kahit papaano.
"Ano bang naririnig mo sa company?" alam kong alam na niya kaya gusto kong malaman kung ano ba talagang usap-usapan sa akin.
"Ikaw ano bang nariringi mo?"
Ngumuso ako ng ibinalik niya sa akin ang tanong, sa huli sinagot ko.
"Nilandi ko raw si Mr. Rosell, tsaka hindi qualified na makapasok doon at saka 'yong owner ko raw bulok," I shrugged. "iyon lang naman."
"Anong iyon lang naman? Sila akala mo naman kay gaganda nila kung makapagsalita. If I know, inggit sa beauty mo 'yung mga iyon kaya ganoon. Pa-issue-issue pa ng school, pare-parehas naman iyon. Pati taxi meron rin namang luma di ba, pati ang sasakyan hindi naman forever bago iyon. Tsaka si Mr. Rosell?" umismid siya at nagtaas ng kilay. "Hello, bakla iyon."
"Ha?" gulat kong tanong.
"Ah, hindi mo ba nahahalata?" natawa siya. "Kung sa bagay, iyon 'yung pamblackmail ko sa kanya kaya ka niya tinanggap sa company."
Natawa ako sa sinabi niya. "Grabe ka, nagawa mo iyon sa tao?"
"Ano ka ba mabait naman iyon, kaya okay lang. Tsaka kahit naman hindi ko ginawa iyon matatanggap ka, kasi qualified ka. Inggit lang 'yong iba kaya maraming satsat."
It was touching. "Salamat ha, sa lahat."
"Sus Liza, ikaw na nga lang ang kamag-anak ko pababayaan pa ba kita? Kung pwede nga iumpog ko ang ulo ni Mr. COO ginawa ko na e, para matauhan. Hindi biro ang pinagdaanan mo para pagdaanan mo pa ito."
Parang may humaplos sa puso ko, kahit pala ganoon ang nangyari sa buhay ko, napakaswerte ko pa rin at may Tita Beth at Elize akong kasama. Nag-aalaga at nagmamahal.
"Sabihin mo lang Liza kung gusto mo, 'di bale ng masesante ako, basta maupakan ko lang iyon. Nakuwento sakin ni Zandro ang nangyari, nagngitngit talaga ako sa galit."
"Ano ka ba, okay lang iyon, tapos na 'yun."
"Alam mo parang nawawala ka. Hindi ikaw iyan, nawawala ang tunay na Liza. Ang kilala kong Liza palaban, hindi tumatahimik nalang. Tagapagtanggol kita dati di ba?"
Ngumuso ako. "Hindi ko rin alam e, binago ako ng panahon. Nawala 'yong palaban side ko." malungkot kong turan.
Kahit ako naguguluhan sa sarili ko, dahil ba ito kay Trez kaya ako nagbago? Malamang.
"Ano yang singsing mo Liza?" turo niya sa singsing. "Matagal ko na napapansin iyan, bigay iyan ni Trez?"
I pursed my lips and took a deep breath. "Oo, ito iyong pangako niya na kahit kailan hindi niya ako iiwan." sabi kong nilalaro ang singsing sa daliri ko. "Sabi niya noon handa niyang kalabanin kung ano man ang nakaraan niya para lang sakin." unti-unting tumulo ang luha ko sa alaalang iyon. "Tapos ngayon, ni mukha ko hindi niya matandaan. 'Yung pangako niya sa akin hindi niya maalala. "humikbi ako. "Masakit Elize, iyong nakikita ko siya, pero hindi ko siya malapitan, ang lapit niya pero hindi ko siya mayakap. Elize, miss na miss ko na siya, tulad ng pagkamiss ko kay nanay. Gustong-gusto ko na siyang yakapin, gusto kong maramdaman ang pagtahan niya sa akin, comfort sa lahat pinagdaan ko. Gusto kong sabihin niya sa akin na nandiyan lang siya sa tabi ko at hindi ako iiwan. Na magiging maayos din ang lahat." sandali akong huminto para huminga. "Sa bawat araw na dumaraan na alam ko na nasa paligid ko lang siya iyon yung pinakamasakit, hindi ko siya mahawakan, hindi ko siya maka-usap man lang. Hindi ko masabi na kailangan ko siya ngayon." patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Si nanay nawala at alam ko na hindi ko na siya makikita pa, pero si Trez, buhay siya nasa paligid ko pero ang hirap niyang abutin. Ni hindi ko alam kung maaalala pa niya ang pangako niya. Kung maaalala pa ba niya ako?"
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...