Maling-mali
Pagka-impake ko ng rolling duffel bag ko ay lumabas na ako ng kwarto. Pitong araw kami roon kaya medyo malaki ang dinala ko, at pinilit kong walang makalimutan. Mahirap na baka mamaya purong kagubatan iyon at hindi kami makalabas agad kung may kailangang bilihin.
I packed some foods too. Easy to open cans and others.
"Ay, Liza ingat ha. Huwag kang papagutom at pilitin mong magtext." paulit-ulit na bilin ni Tita.
Paulit-ulit rin akong tumatango. Pati si Elize, ganoon rin ang bilin.
I arrived at the BGCI lobby at exactly seven-fifteen. 7:30 am ang call time kaya pinilit kong agahan para hindi maipit sa traffic.
Unti-unting nagsidatingan ang mga kasama namin sa team. Namumukhaan ko sila, pero maraming kulang. Last minute yesterday binawasan ni Trez ang mga Engineer's na kasama namin at nagdagdag siya ng ibang taga Finance dept.
Hindi puwedeng walang maiiwan sa Department lalo pa at one week iyon, maaaring dahilan kung bakit siya nagbawas. Bagaman hindi naman talaga namin kasama lahat ng Engineers sa unang plano.
Nginingitian ko ang bawat bumabaling sa akin, ngunit ilan lang ang ngumingiti pabalik, kadalasan ay lalaki, pero meron rin namang siguro mga tatlong babae.
Sa tantiya ko, may twenty kaming lahat ngayon rito.
Lahat kami ay umayos ng tayo ng matanaw ang pagdating ni Trez. Naka gray polo shirt at dark maong with leather booths.
I can't stop myself imagining my Trez walking towards me. He'll stop in front of me, smile and hug me.
All of us wore civilian outfit, bilang pagtatanim naman ng puno ang pupuntahan namin, ang iba ay may mga sombrero pa.
"Good morning Sir." halos sabay-sabay nilang bati, na nagpabalik sa akin galing sa pangangarap.
"Good morning."
"Meliza, 'yong bus na sasakyan parating na." si Jaycel na ininform ako tungkol sa service namin.
Maaga siyang pumasok upang asikasuhin iyon.
"Sige, salamat." I smiled at her and face the team. "Parating na raw iyong bus na sasakyan natin."
"Okay." sabi nila at ang iba naman ay tumango lang.
Isa isa na nilang inayos ang mga gamit nila.
Ganoon rin ang ginawa ko.
"Good morning Sir, paano nga po pala kayo pupunta roon?" tanong ko kay Trez.
Malayo ang lugar, malamang abutin kami ng anim hanggang walong oras sa biyahe. Nagtataka lang ako kung magda-drive ba siya o may driver siya. O sasabay siya sa amin?
Parang imposible iyong huli.
Kumunot ang noo niya sa akin. Magsasalita na sana siya ng nag-umpisa ng lumabasa ng mga ka-team namin.
Pinulot ko na ang handle ng roller duffel bag ko para makasunod na rin doon pero muli ko siyang hinarap.
"Sasabay po ba kayo Sir? Kung hindi po, mauna na po ako."
Naghintay ako ng sagot niya ngunit walang dumating, nanatili lang siyang maang sa akin. Ng hindi siya umimik, pinagdikit ko nalang ang labi ko para ngumiti at tumalikod. Mahirap ng maiwan ng service.
"Miss Ramirez, I'm riding a chopper, you'll come with me, because you're my Secretary."
Napahinto ang hakbang ko ng marinig iyon. Ngunit napatingin muna ako sa dalawa niyang tauhan na bagong pasok ng BGCI na maraming dalang gamit, bago napabaling sa kanya.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...