Deserve
Sa gulat, karipas ako ng takbo. Halos madulas pa ako bago makarating ng kwarto.
Akala ko tulog na siya. Galing talaga magkunwari ng isang 'yon.
Dumating ang kinabukasan at kumilos ako ng normal, parang walang nangyari. Isa pa wala naman akong dapat ipaliwanag sa kanya.
Dumaan ang mga araw at ganoon ang nangyayari. Bihira kaming mag-usap ni Trez dahil madalas din naman siyang wala o nasa lungga niya. Maayos na rin si Nanay, nakakapagtinda na ulit sa palengke. Maayos siya basta naiinom lang ang gamot palagi.
Dumating na rin ang bakasyon. At kahit papaano nakakabawi kami, may mga bakasyunista na napapadpad sa lugar namin at naupahan ang isang kwarto malapit sa dagat. May mga araw na walang tao pero madalas ay may umuokupa roon.
"Kaya ko na 'to." angal ko kay Trez.
Naglilinis kami ng paupahang kwarto namin at kakacheck-out lang ng costumer. Pampamilya ang kwartong paupahan. Sinigurado namin ni Nanay na maayos iyon, may family size bed at isang double deck sa gilid, cabinet at dining table, may stove din at gasul sa maliit na kusina.
Magkasing laki ang kwartong ito at iyong naisanla namin noong naospital si Trez.
Walang restaurant na malapit sa lugar namin kaya kinailangan namin ni Nanay na lagyan ng kusina ang dalawang kwarto, o sa malalaking resort villa ang tawag nila. Malaya din ang bakasyunista na magdala ng pagkain nila.
"Tutulungan kita." pilit niya.
"Sige ikaw ang bahala."
Nagpalit kami ng bed sheets, pillow case at chineck kung may naiwan ba ang mga nag-stay rito o kung may nawalang gamit ang kwarto.
Pagkatapos naming ilabas ang basura at masigurong malinis na ang kwarto para sa susunod na ookupa ay lumabas na kami.
Katulad ng ibang resort sa amin, 2:00pm ang check-in at 12:00 noon ang check-out para may oras kaming linisin ang kwarto. Pero pwede ring mag-extend kung gusto ng costumer.
"Tapos na, halika na." yaya ko kay Trez.
Ganoon lang ang interaksiyon namin ni Trez simula noong birthday ko. Ayokong masyadong makipag-usap sa kanya. Natatalo ng logic niya ang logic ko at ayaw ko noon.
Dumating na ulit nag pasukan, nag-enrol ako noong nakaraang buwan at ngayon unang araw na naman ng First semester. Gaya last year magkakaklase ulit kami nina Mylene at Karen. Pero may malungkot na part, grumaduate na si Zach, ni hindi ko man lang siya nakita bago nagbakasyon.
Humina ulit ang kita namin, dahil rainy season, pero sa palengke naman ay maayos. Nabanggit rin ni Nanay na malapit na naming mabawi iyong naisanla naming kwarto.
Kung tutuusin hindi naman maituturing na sanla iyon, kumbaga pumatak sa contract rental ang nangyari kasi mananatili sila roon base sa perang nakuha namin sa kanila. Ngunit noong oras na iyon nilinaw namin ni Nanay na ibabalik namin kung sakali na magkapera kami bago dumating ang isang taon.
Matuling lumipas ang panahon, dalawang taon na sa amin si Trez, huling nagpacheck-up siya noong isang linggo at gaya rin ng dati, hintay kami ng panahon na makaalala siya.
Para ngang nasasanay na kami ni Nanay na nandito siya. Last year masaya ang Pasko namin kahit kaming tatlo lang, ganoon rin ang bagong taon.
Hindi namin alam ang birthday ni Trez kaya I suggest na gawing December 21 nalang, tutal iyon ang araw na natagpuan namin siya.
Nakausap ko na rin si Trez na bakit hindi niya subukang hanapin ang pamilya niya, kaya lang sa laki ng Pilipinas saan naman niya uumpisahan? Hihintayin nalang raw niyang bumalik ang alaala niya.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...