Part 39

43 9 0
                                    

Safe


Nagniningning ang mga mata kong nilingon siya. "Salamat."

"You're welcome, Miss Ramirez." he smiled at me as well and it melts my heart. 

"Let's get a cottage for our things."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. He still carrying my bag, kaya mas mabuti ngang ganoon.

He talked to the incharge personnel for the rental of a cottage. He gave us key after Trez paid for it and he told us that we can eat on their cafeteria. Iyong dalawang kubong nakita ko kanina.

May mangilan-ngilan ring tao sa lugar pero puro sila abala. They're offering hiking here too.

We went to our designated cottage, ang cute noon dahil may maliit na kuwarto sa likod, para doon ang susing inabot kay Trez. May balkonahe sa harap na style kubo para naman makita ang talon habang kumakain o nagpapahinga.

Trez put our belongings inside the room, ako nama'y nanatili sa kubo para muling pagmasadan ang talon.

Animo'y walang katapusang buhos ng ulan iyon. Rumaragasa at napakalakas na buhos ng ulan. Galit na galit.

May mga nakita pa kong nag-dive kanina sa kaliwang bahagi ng talon, malayo sa mismong bagsakan ng tubig. Dahil sa lakas noon baka hindi kana makaahon. 

Lumabas si Trez na naka itim na jacket at itim na shorts, swimming attire. Dala niya ang bag kanina ng pumasok sa loob ng kuwarto, siguro'y lagayan ng gamit niya.

"Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko.

"No, we're going to swim."

Marahas akong umiling. "Ni hindi ko nga mahubad 'tong jacket mo, oh." I giggled.

"Dito lang malamig sa ilalim, hindi na."

"Ayoko, baka manigas ako diyan."

He chuckled and scratched his forehead with his index finger. "No, you won't."

"Basta ayoko." pagmamatigas ko.

"Ahhhhhh!!!!" sigaw ko ng maramdaman ang tubig. Matigas akong umayaw kanina pero sa huli nandito ako at sinusubukang lumusong kasama siya.

May dalang jacket na itim at shots si Trez para sa akin, he said he prepared it, cuz he really planned this.

Tumakbo ako paalis roon, desididong bumalik sa pampang. Pero hinuli niya ang palapulsuhan ako at hinigit ako pabalik sa kanya.

He wrapped his hands around me at dahan-dahang lumakad papunta sa malalim na parte ng tubig. Habang umaangat ang tubig ay nahihigit ko ang aking paghinga. Maliit na bahagi noon ay dahil sa lamig ngunit mas malaki ang porsiyento ng dahil sa titig niya.

"When you're soaked until your neck, hindi mo na mararamdaman ang lamig." he whispered.

Suminghap ako ng umabante hanggang baywang ang tubig, sobra talagang lamig.

Dahan-dahan kaming lumubog ni Trez hanggang nasa dibdib na iyon. Kaunting sandali pa ay nasa leeg ko na. Tiningnan ko siya, nakikiramdadam.

Kapag nagpatuloy siya sa paglubog sa tubig, sasapakin ko talaga siya. Malulunod na ako kapag dumiretso pa siya!

"There, malamig pa ba?" he asked then stayed at where we are.

"H-hindi na."

Himala ngang nawala ang lamig.

"Good." he smiled sweetly and patted my head. "Don't be afraid to try many things." he said sincerely in a hoarse voice. "Same as when you go on a high places, conquer your fears. Nakakatakot lang sa una, but when you already tried it, masasanay ka na. Hindi mo namamalayan nawawala na ang takot mo."

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon