Nanay
Gaya ng inaasahan nanligaw siya. 'Yung paraan ng panliligaw na dumoble ang ginagawa niya noon. Masaya ako, pero para namang hindi na niya kailangang gawin iyon. Umamin ako na gusto kong sumugal sa kanya noong gabing iyon, hindi ba malinaw iyon?
Patuloy ang pagdaan ng araw at pakiramdam ko bawat araw na dumaraan lalo akong nahuhulog sa kanya. Lalo akong nabubulag ng kasalukuyan, madalas nga nakakalimutan kong may amnesia siya sa sobrang saya.
"Nay bakit ka pumayag?" tanong ko kay Nanay.
Ilang linggo na ang nakaraan mula ng gabing iyon at ngayon lang kami nagkasarilinan ni Nanay. Umilis si Trez, may kontratang muwebles na gagawin.
Bumutong hininga siya at natawa, "Ayaw mo ba?"
"Hindi po 'nay, kaya lang alam niyo na, wala siyang maalala. Hindi ba ninyo ako babalaan?"
"Kung babalaan ba kita Liza makikinig ka?"
Natahimik ako at nag-isip. Makikinig nga ba ako?
Tumawa ulit siya, nandito kami sa kusina at naghahanda ng lulutuin para sa hapunan. Kararating ko lang galing school. Sinundo lang ako ni Trez at umalis muli.
"Kita mo na, hindi ka nakasagot." huminto siya sa paghihiwa ng sibuyas at sumeryoso akong hinarap. "may tiwala ako kay Trez. Sa nakikita ko kahit wala siyang naaalala ay mabuti siyang tao."
Tumiim rin ang tingin ko kay nanay. Nagpatuloy siya.
"Hindi ka niya sasaktan Anak." iyon lang at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Kahit hindi ko tanungin ang sarili ko, alam ko na gannon rin ang nararamdam ko. Alam kong hindi ako sasaktan ni Trez, nararamdaman ko iyon.
"Isa pa anak, alam kong aalagaan ka niya, nakikita ko iyon."
Tumayo ako at niyakap si Nanay. Sapat na iyon para isipin kong magiging maayos ang lahat.
Matuling lumipas ang mga araw. As expected opisyal ko nang sinagot si Trez. Madalas kaming sumimba tuwing sabado ng hapon sa kabilang bayan kasama si nanay. Hindi pwede ang Linggo dahil magtitinda si Nanay sa palengke, minsan kasama si Trez kung walang gagawin.
Abala kami ngayon sa nalalapit kong graduation, sina nanay sa pag-imbita ako naman ay sa pagtapos ng mga dapat tapusin sa school pati sa OJT ko, hindi naman kalayuan ang pinag-oOJT-han ko pero madalas akong ginagabi kaya sinusundo ako ni Trez. May mga dapat pa rin akong i-submit at i-clearance.
Ganoon hanggang sa sumapit ang graduation day. Nagpagawa ng malaking banner si Trez para sa akin. Hindi naman na kailangan noon pero hindi sila pumayag ni nanay na wala kaya hinayaan ko na.
Inimbita namin sina Tita Beth at Elize ang pinsan ko, pero busy raw sila, kakapasok lang ni Elize sa malaking kompanya kaya ayaw mag-absent, pa-good shot raw muna.
"Congratulations, Boss" bati ni Trez sabay halik sa noo ko pagkatapos ng Graduation Ceremony.
Hindi pa kami umaalis ng school, naghihitay kami ng hulaw ng tao para makapagpicture sa may stage.
"Salamat." nakangiti kong tugon.
"Congrats Anak. Masayang-masaya ako para sa 'yo."
Naluha ako sa sinabi ni nanay. "Para sa'yo 'to 'nay. Salamat po." niyakap ko siya.
Nararamdaman ko ang paghikbi niya, kaya hindi ko na rin mapigilan ang pag-iyak.
Hindi sapat ang salamat sa lahat ng sakripisyo niya mula ng mamatay si Tatay.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...