LQ
Malaki ang naitulong ng gamot ni Nanay, maayos na ang pakiramdam niya at malakas na ulit.
Hindi nga lang talaga siya pwedeng mapagod.
"Happy Birthday Anak." nakangiti niyang bati sa akin.
"Salamat po 'Nay."
Kakagising ko lang at iyon ang bungad niya sa akin.
"May pasok ka 'Nak?"
"Opo 'Nay, pero maaga po akong makakauwi mamaya."
"Sige Liza at magluluto ako."
"Opo 'Nay."
Hinatid ako ni Trez sa highway at iniwan niya ulit ang owner sa may tindahan malapit roon. Nakipag-usap pa siya sa tindera at hindi nakaligtas sa akin ang paghabol niya ng tingin ng umalis si Trez.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya ng makalapit. "Sino na naman iyon? Alam mo ang friendly mo, lahat na yata ng tao rito kilala mo."
Natawa siya. "Hindi Boss, para lang kahit papano may magbantay sa'yo kapag hindi kita mahahatid."
Umismid ako. "Magbabantay sakin? E, parang ikaw ang gustong bantayan noon eh."
Lalo siyang natawa.
"Anong nakakatawa? Masayang-masaya ka naman?"
Humarap siya sa akin at tinigilan ang pag-aabang ng jeep. "Konti nalang Boss, iisipin kong nagseselos ka." nakangiti niyang sabi.
"Ano? Ako? Selos? Ang ganda naman ng pabirthday mo sakin? Bintang na walang batayan."
Tumalikod ako sa kanya, pilit tinatago ang pamumula ko kanina pa dahil sa inis.Selos ba 'yon? Ganoon ba ang selos? Naiinis ka kapag may lumalapit o kumakausap sa kanyang iba? Parang hindi naman? Hindi di ba?
Nilagay niya ang kamay niya sa may gilid ng ulo ko, lampas sa mukha ko habang nasa likod ko siya. Hindi ko iyon pinansin. Maya-maya pinalawit niya ang isang kwintas na may pendant na hugis puso. Kahoy na inukit.
Maang akong humarap sa kanya.
"Birthday gift ko sa'yo. Happy Birthday, Boss."
Hindi ko alam bakit parang gusto kong maiyak, bakit parang sobrang nakaka-touch iyong bati niya. Wala namang pinagkaiba iyon sa bati ni Nanay kanina. Nagiging masyado na akong sentimental.
"S-salamat."
Itim ang lace noon, string type. At dahil wala akong balak kunin, inabot niya ang kamay ko at inilagay ang kuwintas sa palad ko.
"Sana magustuhan mo."
Tumago ako, "ang ganda." mangha pa rin.
Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo.
Nainis ako dahil nagulo ang buhok ko, pero mas nangingibabaw sa akin ang tuwa dahil sa bigay niya. Hindi ko lang gusto, gustong-gusto. Ang ganda at halatang pinaghirapan.
First time ko makatanggap ng materyal na bagay na pinaghirapan, hindi binili.
Trinace ko ang pendant gamit ang hintuturo. Heart-shaped at may nakaukit sa rosas sa loob, detalyado at ang cute.
"Meron din ako." kinapa niya ang leeg at pinakita sa akin ang kwinyas niyang suot.
Hindi ko alam kung kukunot ang noo ko o ngingiti ako. Ano 'to couple necklace?
"Bakit meron ka? Anong meaning?"
Tumikhim siya. "Ah, nagandahan ako Boss nung matapos ko iyan, kaya gumawa rin ako ng akin."
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomantizmIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...