Mundo
Naupo ako sa mesa pagkaalis niya, nakita ko pang dumating iyong mga lalaking madalas niyang kasama. Palagay ko bodyguard niya.
Bakit kailangan niya ng bodyguard nasa panganib ba ang buhay niya? Pero kung sa bagay sa yaman nila kailangan talaga nila ng proteksiyon.
Binuhay ko ang laptop na naroon sa lamesa at inisa isa ang bawat files sa desktop, maya't-maya rin ang tawag ni Mr. Rosell at tinatanong kung may hindi raw ba ako naiintindihan. May anim na tawag na rin ang natanggap kong nagpapaset ng appointment, hindi naman ngayong araw kaya ni-log ko nalang. At gaya ng bilin niya, kinansel ko lahat ng nakalista sa tablet na appointment niya ngayong araw.
May mga dumating din na files for signature raw kaya inilagay ko nalang sa table niya. I made it clear na hindi maibabalik agad iyon gaya ulit ng sinabi ni Trez.
Iyon ang ginawa ko hanggang dumating ang alas singko. May baon akong lunch kaya sa dining room nalang ako kumain kanina.
Ginawa kong busy ang sarili ko sa opisina kanina kaya hindi ako masyadong nakapag-isip sa mga nangyari. Maswerte ako at umalis siya, nagkaroon ako ng pagkakataong ma-check ang mga naiwan ng dati niyang sekretarya.
Pero ngayong nasa higaan na ako, inatake na ako ng lungkot, nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama habang nakatingin sa mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya. Ang kuwintas na ginawa niya, ang bonnet at ang singsing.
Masakit isipin na nakalimutan niya iyon ng ganoon na lang. Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang pagkawala niya noon dahil sa nangyari kay Nanay. Masakit noon oo, pero mas masakit ngayon.
Iyong harap-harapan niyang itanggi na kilala niya ako parang dinudurog ang puso ko. Iyong tingin niyang malamig pa sa yelo, hindi tulad noon.
Kung nandito lang si Nanay may mapagsasabihan ako ng lahat ng ito. Miss na miss ko na siya.
Hindi pa ako nakakabangon sa pagkakalugmok sa pagkawala niya eto naman ang kakaharapin ko.
Gusto kong itanong sa sarili ko kung bakit nga ba ako pumasok roon, dahil ba iyon kay Trez?
Siguro nga ninais kong mapunta roon para sa kanya. Pero paano ang gagawin ko ngayong hindi naman talaga niya ako kilala? Dapat pa ba akong bumalik?
Nakatulog akong yakap ang mga gamit na galing sa kanya. Ito lang ang comfort zone ko sa ngayon. Mga alaala.
Kinuwestiyon ko man ang pagpasok ko sa Buenavista Building kagabi, pero heto ako ngayon at maagang gumising kumpara kahapon.
I showered and prepared myself, ate breakfast and I left the house at six thirty in the morning. Palagay ko naman kahit matraffic ako, hindi ako malelate.
Matraffic sa daan dahil rush hour pero hindi tulad kahapon. Less than one hour lang ang biyahe ko.
Nakausap ko si Elize kahapon at tinanong ko kung nalate rin ba siya, sabi niya'y hindi dahil may alam na short cut ang taxi na nasakyan niya. Gusto ko man siyang tanungin kung saan iyon, kaya lang iniisip ko paano kung maligaw ako, kaya tiis muna sa traffic sa ngayon.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakarating sa opisina ni Trez, wala pa siya. I decided to clean my area, pagkatapos noon ay pumasok ako sa opisina niya at naglinis rin doon.
Alas otso y medya ng dumating siya.
"Good morning Sir." bati ko ngunit diretso lang ang lakad niya.
Pagkapasok niya sa loob agad akong nagpunta sa dining room para magtimpla ng kape, ngunit gaya ulit kahapon.
I brought the coffee inside his office, nadatnan ko siyang magulo ang buhok, nakatayo at nakatuon ang dalawang kamay sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...