Problema
Tahimik ako pabalik, at napuno ang utak ko ng mga isipin tungkol kay Trez.
Bakit nga kaya ako inis na inis kanina? Tsaka bakit pinagsabihan ko siya ng ganoon? Hindi nakakatulong na mag-isa ako ngayon pauwi.
Huminto ako sa may gilid ng kalsada upang kalmahin ang sarili, at huminga. Pinatong ko ang braso ko sa steering wheel at sinusob ang ulo roon.
Hindi ko alam kong gaano ako katagal sa ganoong ayos, naisipan lang umuwi ng mapansing magtatakip silim na. Baka mag-alala si Nanay.
Bukas na ang ilaw ng dumating ako sa bahay. Kalahati nalang noong taong narito kanina ang naiwan, nasa isang lamesa nalang silang lahat at sa palagay ko'y nag-iinom.
Bumaba ako ng owner pagkapatay ng makina.
"Liza, hija, halika muna." bungad sa akin ni Aling Tentay. "nandito si Ana, umuwi galing Maynila, gusto ka raw makita."
"Ah, nasaan ho?"
"Doon hija, nagkakasiyahan halika, doon tayo."
Nagpatiuna si Aling Tentay at sumunod naman ako. Habang papalapit kami natanaw ko na agad naroon si Trez. Gusto kong umurong kaya lang nakalapit na si Aling Tentay.
Umupo siya sa bakanteng upuan at inutusan ang kapitbahay naming lalaki na kumuha ng upuan para sa akin.
Ayaw ko mang maupo roon ay hindi na ako makakaalis. Nakakahiyang supladahan ko sila gayong nagpunta sila para sa birthday ko.
Naupo ako sa pagitan nina Ana at Aling Tentay. Ang swerte pa at kaharap ko si Trez, katabi niya si Maricel. Mahigit sampo kami sa lamesang iyon, ang mga lalaki ay kilala kong taga-amin pero may tatlong babae na hindi taga-rito kabilang si Maricel.
"Happy birthday." si Ana.
"Salamat."
Nahagip ng mata ko ang pagbaling sa akin ni Trez at matalim akong tiningnan. May inumin sa mesa at may pagkain rin pampulutan.
Tumingin ako kay Trez, sinalubong ko ang titig niya. Maya-maya, nag-abot ng baso ang katabi niya. Nagsalin si Trez ng alak at ininom iyon. Pagkainom tumingin ulit sa akin, kaya umiwas ako at bumaling kay Ana na ngayon ay kay Trez din nakatingin.
"Kailan ka pa rito?" untag ko sa kanya.
Bumaling siya sa akin. "Ah noong makalawa lang, naaalala kong birthday mo kaya hindi muna ako umalis."
Mahinhin si Ana at maganda. Sa Maynila sila nakatira, pamangkin siya ni Aling Tentay at paminsan-minsan lang bumibisita, madalas ay tinataong kapag magbabakasyon na.
"Buti naalala mo."
"Oo nga eh, Liza, sino siya?" tukoy niya kay Trez.
Naningkit ang mata ko, hindi ba niya natanong kay Aling Tentay?
"Si Trez, nakikituloy sa amin pansamantala. Bakit?"
Umiling siya, "Wala, parang pamilyar lang."
"Oo nga eh, dati rin tingin ko pamilyar siya sa akin."
Tumango-tango siya at binalik ang tingin kay Trez. Bumaling rin ako roon at nagulat sa madilim niyang titig sakin. Naisip ko tuloy na malamang galit siya sa ginawa ko.
Ako nga itong dapat magalit, hinahayaan niyang landiin siya ng iba. Bakit naman ako magagalit? Boyfriend ko ba siya? Naiinis ako sa naiisip ko.
Bumuntong hininga ako at inirapan siya.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...