Babe
Hindi ko na nainom ang kapeng binigay ni Trez, nanatili akong nakahilig sa dibdib niya at nakasandal ang ulo sa balikat niya. He's caressing my left arm until I dozed off.
Sinag ng araw ang nagpagising sa akin. Mumukat-mukat akong umahon sa kama at tinanaw ang labas.
Natigil lang sa pagtanaw ng mapansing hindi ito ang kuwartong tinulugan ko kahapon ng dumating rito.
Bigla akong napatayo. Nasaan ako? Mariin kong inisip ang nangyari kagabi. Nasa villa ako ni Trez? Hindi ako nakauwi kagabi?
Pumasok muna ako sa banyo at naghilamos. I found a new toothbrush too, provided by the resort.
Pagkatapos noon lumabas na ako ng kuwarto. Sa pinto palang sumalubong agad sa akin ang amoy ng kape.
"Good morning." Trez greeted with a wide amile when I finally got down.
Sumulyap lang ako at ngumiti. Hindi ako makatingin sa kanya, nakakaramdama ko ng hiya sa nangyari kagabi nahindi ko namalayang dito na pala ako nakapagpalipas ng gabi.
"We didn't slept together, I slept in the other room." aniya marahil napansin ang pag-iwas ko ng tingin at marahil din nakitang namula ang mukha ko, dahil pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko.
I heaved a sighed. Sana man lang kung makakatabi ko siya iyong alam ko, hindi iyong natulog siya at umalis sa kama ng hindi ko alam. What?! I can't believe what I'm thinking.
"Let's eat?"
Napukaw ang iniisip ko. "Yeah!" I nodded.
Kumain kami at naghanda para sa island hopping na plano ngayong araw. Nagulat rin ako na nandito na ang gamit ko sa villa niya, hindi na nga lang nagprotesta dahil malaki naman at magkaiba kami ng kuwarto.
Aayaw ayaw pa akong kasama siya, ayon naman pala dito rin ang hantong ko kasama niya.
Sumakay kami ng yate at naabutan namin sina Mr. at Mrs. Miller na naroroon na, nabanggit na rin ni Trez kanina na makakasama namin sila.
"Hello, hija." magiliw na bati ni Mrs. Miller at niyakap ako, sabay hagpos sa aking buhok. "How's your sleep?"
Nag-init agad ang pisngi ko, but I managed to answer. "M-mabuti po."
She smiles sweetly. "Mabuti naman." she then guided me on the deck beside the railings.
Bumati rin ako kay Mr. Miller at ganoon rin siya, nga lang agad silang naging busy ni Trez sa pag-uusap at ako ay naiwan kay Mrs. Miller. Pero bago umalis si Trez nilingon niya ako, tila nagsasabing aalis sila ni Mr. Miller, tango lang ang naisagot ko.
Iyon naman talaga ang ipinunta namin rito kaya hindi na niya kailangan ang pahintulot ko upang gawin ang nararapat niya talagang gawin.
"You're such a good couple. Bagay na bagay kayo." Mrs. Miller complimented.
Ngumiti lang ako. Kung kahapon niya ito sinabi tatanggi ako, pero dahil sa nangyari kagabi tanging ngiti lang ang maisagot ko. Hindi man mismong sinabi ni Trez na boyfriend ko siya at girlfriend niya ako, pero sa pag-amin niya palagay ko hindi masama na i-assume ko na ganoon na nga.
"Naalala ko tuloy kami ni Miguel." she giggled.
Probably she's referring Mr. Miller? I didn't say anything, just listened to her to continue.
"Madalas rin kaming magpunta sa beach, Island hopping, swimming and we even tried diving. Natigil lang ng mabuntis ako. Maselan kaya bedrest." ramdam ko ang pait sa mga huli niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...