Part 27

45 10 0
                                    

J. E. Buenavista


Bumalik na kami sa tent matapos ang usapang iyon. Nag-goodnight lang bago maghiwalay.

Magdamag akong binagabag ng mga nalaman ko, pakiramdam ko nga pati mga katabi ko sa tent naaabala sa bawat kilos ko.

He told me to be strong but after what I've heard from him. Paano ko kaya gagawin iyon?

Dumating ang umaga. As usual same routine ng mga nagdaang araw. Malawak na ang mga punong nataniman at ang alam ko ay aabot kami sa paanan ng bundok.

Naging mailap kami ni Trez sa isa't isa. Binabati ko lang siya kapag nakakasalubong. Wala akong dapat i-remind sa kanya tungkol sa trabaho. Sabi niya ito lang ang aasikasuhin namin habang narito. Office work is out while we're here.

Pero madalas pa rin akong sumulyap sa kanya kahit malayo siya at parating busy.

"Ramirez, dalahin mo ito doon." utos ng ka team namin.

Yumuko ako para sundin ang utos niya at kuhanin ang mga punong itatanim ng maalala ko ang sinabi ni Trez gabi. 

'Lumaban ka.'

Tumigil ako at umayos ulit ng tayo.

"May kamay ka, bakit hindi ikaw ang magdala?"

Nalaglag ang panga niya, hindi inaasahan ang ginawa ko. "Huh, Anong sabi mo?"

"Tamad ka na nga bingi ka pa." pumulot lang ako ng dalawang punong itatanim ko. Nasagi ko pa ang balikat niya ng lampasan, dahil nasa dadaanan ko siya.

Maraming nakakarinig ng ginawa ko, narinig ko pang may sinabi iyong babae, hindi ko na nga lang pinansin.

Pipili ako ng magandang laban, hindi dito. Baka magtampo pa ang puno sa amin.

I didn't touched the plates. Hinayaan ko silang magligpit noon pagkatapos ng tangalian. Inabala ko ang sarili ko sa ibang bagay. Ganoon rin ang ginawa ng dalawang lagi kong kasamang maghugas.

Gabi na at pumasok na ang lahat sa tent nila, ngunit ako'y nandito sa labas ng tent namin, naghihintay kung may makikitang pupunta sa may ilog.

Nilamok na ako, wala pa rin kaya pumasok na lang at pinilit matulog.

Our fifth and sixth day were the same, maaraw ang panahon pero mahangin, medyo malayo na rin ang naabot ng pagtatanim.

Hindi ko na rin nakitang bumalik si Trez sa ilog, gabi-gabi kong inaabangan iyon ngunit wala.

This is our last day. Nagpaalam na kami sa lahat ng naroon. Ang alam ko bukas pa ang luwas nila sa Manila.

"Maraming salamat po." anang taga foundation.

"Maraming salamat din po." sabay-sabay naming sagot.

"Thank you Mr. Romero." si Trez sa Head ng Foundation at nakipagkamayan.

"Thank you Mr. Buenavista. Malaking tulong ang mga punong inyong naitanim."

"That's the least we can do Mr. Romero." he sincerely said. "Next time po ulit."

Matapos iyon, dumating na ang tatlong SUV na sasakyan ng mga ka-team namin. Desidido akong sumabay roon ayaw ng mangyari ulit ang nagyari noong papunta kami rito.

"Ingat Sir." paalam ko kay Tres at tumalikod na.

"Where are you going?" si Trez na pinigilan ang braso ko.

Muli akong napabaling sa kanya. "Sir, sa bus nalang ako. Hindi po ako pang-chopper e." Nakangiwi kong sabi.

"And who told you that we will ride a chopper?"

Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon