"Aalis na ako sa kompanya mo, total, wala naman na sayo si Mire." sabi ko kay Dwight at naglakad na ako paalis.Binilisan ko ang lakad ko dito sa loob ng subdivision. Naramdaman kong may nakasunod sakin na kotse.
"I'll find her again."" sabi ni Dwight na sumungaw sa bintana. Umirap nalang ako sakanya. Sayang lang ng pagod ko sa pagtrabaho sa kompanya niya. Kung pinakita niya na sana sakin si Mire simula palang, edi sana magkasama na kami ngayon.
May nadaanan akong parke. Pumasok ako rito. Baka napadpad dito si Mire. Ang daming punong-kahoy at sa gitna nito ay may palaruan.
"Mire!" sigaw ko, at pumasok sa kakahuyan. Mga kuliglig lang ang ingay dito.
Sumisikip ang dibdib ko kapag naalala na baka may dumakip na sakanya. Hanggang sa makarating ako sa dulo. May mataas na bakod, balak ko sana itong akyatin.
"Mire! Nasaan ka? Nandito na ako!" muling sigaw ko.
Umakyat ako sa malaking puno, baka sakaling matanaw ko si Mire sa tuktok ng puno.
At nang makarating ako sa pinakaitaas na puno ay ginaya ko ang karaniwang ginagawa ng unggoy. Ang sumigaw sila na parang nagtatawag.
"Fvck!" rinig kong malutong na mura. Bumaba ang tingin ko at nakita si Dwight, nakahalukipkip ito habang mariin ang tingin sakin.
"Bumaba ka rito, mahulog ka dyan." aniya.
"Sanay na akong umakyat sa puno, malabong mahulog ako rito." sabi ko.
Ngumiting aso naman siya.
"Color of the day, light yellow." usal niya.
Kumunot naman ang noo ko. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?
"Umalis ka nga! Hindi na kita kailangan." sita ko sakanya.
"I'll catch you if you fall."
"Sabi ng hindi ako mahuhulog, alis na!" iritadong sabi ko.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo tinatakpan ang panty mo." nakangising sabi niya.
Kumunot ang noo ko at narealized ang sinasabi niya.
"Bastos!" iritadong sigaw ko sabay hawak sa laylayan ng bestida ko. May pagkamanyak din pala ang lalaking 'to. Akala ko, seryoso siya sa lahat ng bagay.
Ngumising aso lang siya. Naghanap ako ng bagay na pwedeng itapon sakanya. May nakita akong maliit na sanga, binali ko ito at tinapon sakanya. Mabilis naman siyang nakailag.
Bumaba na ako sa puno, at pinanlisikan ko siya ng aking mga mata. Hindi siya natinag sa talim ng tingin ko sakanya. Nakangising aso parin.
"I said, I will find her again."
"Pag may nangyaring masama kay Mire--" natigilan ako sa sasabihing pagbabanta.
"Oh, what are you gonna do to me?" taas kilay niyang tanong.
"Pupugutin ko ang ulo mo." pananakot ko. Inirapan ko nalang siya at nilampasan na.
"Ohh, you're so violent baby girl. which of my two heads?" tanong niya.
Hinarap ko siya muli sabay yuko sa baba niya.
"Don't do that to my beloved brother." madrama niyang sabi.
Inirapan ko siya bago tumalikod sakanya at naglakad na palabas ng parke.
Luminga-linga parin ako sa paligid habang palabas na ng subdivision.