Sa sumunod na araw ay inassign ako ni Ms. Dina sa 18th floor kung nasaan ang opisina ni Dwight. Nakapagtataka nga lang dahil si Edgar na janitor ang laging nakaassign dito. Ba't ako? Kinakabahan tuloy ako habang nagmo-mop ng sahig. Abiso sakin ni Ms. Dina na dapat daw ay makintab ang sahig, kaya naman puspusan ang pagmop ko sa buong pasilyo nitong 18th floor. Pinahid ko ang pawis ko sa noo ko gamit ang palad nang biglang may sapatos na itim ang nasa harapan ko. Pagtingala ko ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko.Tumayo ako ng tuwid at binati si Dwight. Pasuplado siyang naglakad na patungo sa kanyang opisina.
Naisip ko, sa oras talaga na makuha ko si Mire, ay aalis na ako rito at magtatago, hindi na ako magpapakita sakanya kailanman.
Sa pagod ko ay naupo muna ako sa sahig na hingal na hingal.
"Wake up, lazy Janitress!" Naramdaman kong may sumipa sa paa ko. Napamulat ako ng mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Bigla akong napatayo sa harap ng sopistikadang babae. Siya yung babaeng laging kasama ni Dwight na baka nobya niya o asawa.
"You're sleeping during your working hours--" Natigil siya sa pagbubulyaw sakin nang dumating si Dwight.
"What's going on?" tanong nito.
"I found her sleeping here on the floor, you must suspend her or else.. fire her!" sabi nito kay Dwight.
"Don't mind her, let's go." Niyaya na siya ni Dwight na pumasok ng kanyang opisina.
Napahawak ako saking dibdib dahil sa kaba.
Natapos na ako sa paglilinis. Opisina na lang ni Dwight ang hindi pa. Hintayin ko nalang na lumabas silang dalawa. Ano kase ang ginagawa nila?
Hindi nagtagal ay lumabas na ang girlfriend ni Dwight at tinaasan ako ng kilay bago sumakay ng elevator.
Nilapitan ko naman si Mang Jun na nasa 17th floor na naghahanda sa gagawing paglinis sa salaming dingding ng gusali.
"Pwede po bang masubukan ko maglinis dyan?" tanong ko.
"Sige na po." pamimilit ko. Nakikita ko kase sa mukha niya ang pagtanggi. Sa huli ay pumayag narin siya dahil maglilinis pa raw siya ng cr. Ang linisin ko lang daw ay ang glass wall ng 17th at 18th floor.
Hindi naman ako takot sa height, nag eenjoy pa nga ako na nasa taas ako.
Wala naman akong takot sa pagtungtong na sa parang terrace ng building dala ang panglinis sa salamin. Namangha naman ako nang matanaw ang kalakhan ng Maynila. Pakiramdam ko ay lumilipad ako.
Nagsimula na akong maglinis gamit ang squeegee. Nililinisan ko ng maigi ang salamin.
Nahagip naman ng paningin ko ang isang opisina. Nakahawi kase ang blinds kaya nakita ko ang taong nasa loob. Nagulat ako kung sino. Napalingon si Dwight sa gawi ko at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako sa kinalalagyan ko. Kumaway naman ako sakanya. Tumayo siya agad, may sinabi siyang hindi ko naman maintindihan. Pinapababa niya ba ako?
Mabilis siyang lumabas ng kanyang opisina.
Hindi nagtagal ay tinatawag na ako ni Mang Jun na pinapapasok na ako sa loob ng gusali.
Ginapangan na naman ako ng kaba nang makapasok na ako sa gusali at nakita ko ang nag aalab na tingin ni Dwight sakin. Ano naman kaya ang ginawa ko? Na hindi ko pa nililinis ang kanyang opisina?
Nakita ko naman si Mang Jun na busangot ang mukha na tumungtong na sa terrace.
"What are you doing?" matigas niyang sabi.