"What? Are you leaving?" takang tanong ni Ms. Dy.
Nagpapaalam na kase ako na iwan ang karerang ito at magtatrabaho bilang Janitress sa kompanya ni Dwight. Ni hindi ako nagdalawang isip sa offer o kundisyon niya. Kaya nga ako lumuwas dito sa Maynila dahil si Mire lang naman talaga ang sadya ko.
"Dapat pala, nagbigay ako ng kontrata sayo," may bahid ng panghihinayang na sambit niya.
"Bakit, saan ka ba pupunta?" muling tanong niya.
"Magtatrabaho po ako sa kompanya ni Mr. Del mundo." sagot ko.
Tumango naman siya ng dahan-dahan.
"Ahh, inofferan ka pala ni Mr. Del mundo ng trabaho roon."
Tumango naman ako. Hindi ko sinabi ang magiging trabaho ko.
Sa huli, ayaw niya man ay pumayag nalang siya, ganun din si Jazz na hindi rin tanggap ang pag alis ko sa modeling.
"But, if you want to model again, you're always welcome here, Thalia." ani ni Ms. Dy.
Sa sumunod na araw, nandito na ako sa harapan ng Del Mundo Corp. Nakasuot ako ng white t-shirt at pantalon at pares na heels na bigay sakin ni Ms. Dy as a souvinier daw. May saklay akong shoulder bag na bigay din ni Jazz.
Ginapangan ako ng kaba dahil hindi ko akalain na makakapagtrabaho pala ako sa kompanyang ito.
Pumasok na ako sa lobby at iginiya ako nung babae na nagpakilalang si Shiela, siya ang nasa information desk. Sumakay na kami ng elevator.
Nang nasa 18th floor na kami, parang dumoble ang kabog ng dibdib ko. Labis akong kinakabahan.
Iniwan na ako ni Shiela at kumatok nalang daw ako sa pinto na may pangalan sa itaas na CEO.
Humugot ako ng malalim na hininga at kumatok na. Bumukas naman ito at bumungad sakin ang isang sopistikadang babae. Hapit sa kanya ang suot na red dress at pulang-pula ang kanyang lipstick. Tinaasan niya ako ng kilay at lumabas na siya ng opisina. Nakita ko si Dwight na nakaupo sa swivel chair.
"Come in, have a seat." aniya. Pumasok naman ako ng dahan-dahan.
"So, you start your work today."
Tumango naman ako. "Nasaan si Mire?" tanong ko.
"Bihag ko siya." mataman niyang sinabi at may tinawagan na sa telepono.
Hindi nagtagal ay may dumating na isang babae. At iginiya niya na akong sumunod sakanya.
"I'm Dina, the head of housekeeping." pakilala niya nang makarating na kami sa pinakaitaas na floor.
"What is your name?" tanong nito.
"Thalia Dimaguiba po." pormal kong pakilala.
"Wait, parang nakita na kita, ah baka kamukha mo lang 'yung model ng new brand of wine."
"Ako nga po 'yun." nahihiya kong sabi.
Nanlaki ang mga mata niya.
"So, anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya. Hindi naman ako agad nakasagot.
"What? From modeling to janitress, ah okay." Tumango siya, pero mukhang naguguluhan parin.
Sino naman kase ang hindi magtataka? Modelo tapos mas pinili ko maging tagalinis ng kompanya.
Nakarating na kami sa headquarters. May mga pinakilala siya sakin na janitor na handa na sa paglinis.
In-orient niya muna ako sa mga dapat gawin. At pagkatapos ay binigyan niya ako ng tamang isusuot bilang janitress. Green t-shirt, black slacks at rubber shoes. Matapos magbihis ay tinuro niya ang stroller na may lamang mga cleaning materials.
Sumakay na ako sa elevator dala ang stroller. Bumukas ang elevator at nakarating na ako sa 3rd floor, ang financial department, kung saan ako unang inaasign na maglinis ni Ms. Dina.
Napalunok ako sa mga nagtinginan sakin na mga empleyado.
Nagsimula na akong magwalis sa pinakadulong cubicle. Abala ang mga empleyado at hindi na nila ako pinapansin na abala lang sa kanilang ginagawa sa computer.
"Hi, pakitapon naman nito sa trash bin." utos ng isang babae. Tumango ako at kinuha ang pinapatapon niyang crampled paper.
Matapos kong magwalis sa buong area ng financial department ay naglinis naman ako ng cr.
Ramdam ko ang pagod at naglalagkit narin ang pawis ko. Minsan naisip ko habang naglilinis na ginagawa ko 'to para lang kay Mire, upang makabalik na siya sakin. Pero, naisip ko rin na pinaparusahan ako ni Dwight. Na ginawa lang si Mire na tulay upang pahirapan ako.
Hapon nang matapos na ako sa trabaho. Pinag oovertime pa ako dahil sa tambak na lilinisin. Bale, limang floor ang inasigned para sakin. Nakakapagod sa totoo lang. Nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang pagod.
Nadaanan ko pa sa isang department ang nagpakilala sakin na si Jordan, noong naglalako pa ako ng miryenda. Gulat na gulat siya nang makita ako.
"Kamukha mo 'yung modelo, pero sa tingin ko ikaw yun eh." naguguluhan siya. Tukoy niya yata sa minodelo kong bagong brand ng wine dito sa kompanya.
"Oo, ako nga 'yun." ngumiti ako.
"Oh, bakit ka nagtatrabaho dito bilang janitress?" takang tanong niya habang hinahagod ng tingin ang katawan ko.
Nag isip naman ako ng rason.
"Ah, ano kase, gusto ko rito." nakangiting sagot ko.
Tumango naman siya na nakakunot ang noo.
Alas-syete na, pero heto ako at nagwawalis pa ng buong pasilyo ng 12th floor.
"Thalia, hindi ka pa tapos?" Lumapit sakin ang kapwa ko janitor na si Niko.
"Patapos na." sabi ko.
"Tulungan na kita." aniya at tinulungan niya nga ako na magwalis.
"Masanay ka na laging overtime ang trabaho dito, pero dagdag naman ang sweldo." aniya.
Sa sumunod na araw, medyo nasasanay na ako sa environment. Tama si Niko, maganda ngang may overtime kase nagdadagdag ang sweldo. Pero hindi ko maiwasang pagkumparahin ang sweldong nakukuha ko sa pagmomodelo at pagtatrabaho naman dito bilang janitress. Isang photoshoot ko lang sa pagmomodelo, ang talent fee ko ay triple sa nakukuha ko ditong sweldo.
Minsan ay nakakasalubong ko si Dwight. Napakaformal ng kanyang suot. Tinitingala siya ng lahat ng empleyado rito. Halata ko, karamihan sa mga babaeng empleyado ang nagkakandarapa sa kanya.
Minsan, naiisip ko, baka niloloko lang ako nito ni Dwight na nasa kanya si Mire.
Kaya, heto ako kinagabihan, sinundan ko lang naman siya kung saan siya nakatira. Pero hindi ako pinapasok sa loob ng subdivision ng gwardya. Napabuntong-hininga nalang ako at sumakay ulit ng tricycle pauwi sa apartment ko.
"Gusto kong makita si Mire kahit sa litrato lang." pakiusap ko kay Dwight nang pumasok ako ng opisina niya.
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala na nasa akin si Mire?" Tumayo siya.
Napalunok ako sa presensya niya. Sumisigaw ng kapangyarihan.
"Kung patayin ko nalang kaya ang unggoy," ngumisi siya.
"Wag." pagmamakaawa ko.
"Sa pagsapit ng solar eclipse."
Natawa siya habang umiiling. Natahimik nalang ako, nangilid ang mga luha.
"Baka parusahan ako ng bathala niyo kapag pinatay ko ang unggoy."
Napailing ako.
"What's the connect of eclipse huh?" taka niyang tanong. Lumapit na siya sakin. Napatingala ako sa tangkad niya.
Ngayon ko lang naisip, dapat nga magpasalamat siya sakin dahil... dahil meron pa siyang alam kong mahalaga sa buhay niya. Hindi 'yung pinapahirapan niya ako ng ganito makuha lang sakanya si Mire.
***