Ito ang first time kong pumunta ng bar. Inanyayahan kasi ako ni Lester. Ayaw ko man pero mapilit siya, makihalubilo naman daw ako sa mga co model namin. Hinatid niya pa ako sa apartment para malaman niya raw kung saan ako nakatira, dahil susunduin niya ako sa gabi papuntang bar.
"Lika na." anyaya sakin ni Lester.
Sa pagpasok palang namin sa naturang bar ay nabingi ako sa musikang pinapatugtog. Nakakahilo din ang neon lights na patay-sindi. Nanunuot din sa ilong ang amoy ng sigarilyo. May nabunggo naman ako na babae na nagsasayaw, may hawak siyang bote ng alak.
"Sorry.." pagpaumanhin ko. Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagsasayaw.
Dumaan kami sa mga nagsasayaw bago makarating sa maraming pabilog na sofa, naroon sa isang pabilog na sofa ang mga kilala ko, apat na babae at tatlong lalake na mga kasama ko sa pagmomodelo.
"Hi, Thalia! Buti naman at napapayag ka ni Lester na maki-hangout samin." sabi ni Dave.
Ngumiti naman ako ng tipid sakanila habang pinapasadan ko silang lahat ng tingin. Huli ko ang pag irap sakin ni Rica. Ang dalawang babae naman ay nakatingin sa suot ko. Nakasuot kase ako ng blue dress na hanggang tuhod, kumpara sa kanila na parang naubusan ng tela at kita na ang cleavage. Yung isang babae naman na pangalan ay Danica ay kinawayan ako.
Pinaupo na ako ni Lester, at tumabi siya sakin.
Nag uusap na ang mga babae sa harapan ko na sila-sila lang. Napatingin ako sa mesa na maraming bote ng alak.
"Ikaw Thalia, para kang si Sarah G. Ang tahimik kapag hindi nagpeperform, pero kapag nasa stage na nagperperform, parang nasapian." sabi ng isang lalake, nakalimutan ko pangalan niya. Gerald yata.
"Oo nga eh, magugulat ka nalang kapag nasa runway na, parang wild." sabi nung Dave.
Napangiti nalang ako.
Naramdaman ko ang pasimpleng pag akbay sakin ni Lester.
"Sabi ko sakanya, mag bebeach outing tayo sa Palawan, ayun, pag iisipan niya raw kung sasama siya." rinig kong sabi ni Rica. Naghagikhikan sila.
"Ang swerte mo girl, bigtime ang nabingwit mo." sabi ng babaeng hindi ko alam ang pangalan. Siguro ang pinag uusapan nila ay si Dwight.
"Pikutin mo." sabi ng isang babae.
"Hoy! Jen narinig namin, wag ganun." sabat ni Dave, at nagtawan sila.
"Hi! Am I late?" Napalingon kami sa biglang dumating.
"Oh, speaking of." ngiting sabi ni Rica.
"Dito ka." Umusod sila para paupuin si Dwight sa tabi ni Rica.
Parang nalaglag nalang ang panga ko sa presensya niya.
"Hi, Sir!" bati ng mga babae.
Napayuko nalang ako nang magsalubong ang mga mata namin ni Dwight.
"Inom ka naman." May biglang nag abot sakin na baso na may alak.
Tumango ako. Kinuha ko ang baso at walang pag alinlangang ininom ito. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko. Napangiwi nalang ako. First time kong uminom ng ganitong klaseng alak.
Nagkukuwentuhan na ang mga nasa harapan ko. Tinatanong ng mga babae si Dwight ng kung anu-ano. Nakita ko ang straight na pag inom ni Dwight ng alak at pagkatapos ay mariin ang titig sakin. Inaamin ko, naiilang na ako sa mga tingin niya sakin. Para bang may ibig sabihin ang kanyang mga titig.
Nakatatlo akong inom ng alak bago niyaya ni Lester na sumayaw sa dancefloor. Dahil ayaw ko namang tumagal dito ay sumama na ako sakanya. Hinigit niya na ako papunta sa dagat ng mga taong nagsasayaw.