Gutom si Mire nang makauwi na ako sa apartment kinaumagahan. Sa condo unit ako ni Dwight nakatulog. We did three rounds. Pinagbigyan ko siya dahil yun na ang huling magkakasama kami at iniisip ko, yun lang naman ang habol niya sakin. Siguro naman ay tatantanan niya na ako dahil nakuha niya na ang gusto niya. Tulog pa siya nang iniwan ko. Binalewala ko nalang ang konting kirot sa pagkababae ko habang bumababa sa condomium building.
Panay ang hiyaw ni Mire nang papalapit na ako sakanya dala ang saging. Binalatan ko ito at inagaw niya agad sakin. Nakaramdam ako ng awa sa unggoy, gutom na gutom kasi talaga siya. Hindi sapat ang tatlong saging na binigay ko, kaya inabutan ko pa si Mire ng tatlo pang saging.
Kinabukasan ay fashion week. Mamahaling brands ng casual wear ang aming imomodelo. Pansin ko ang mariing titig sakin ni Lester. Hindi nalang ako nagpaapekto.
I was wearing a purple dress. My hair was ponytailed. Light lang ang make up sakin. Dapat daw daring ang mga itsura namin.
I am the last na rarampa sa runway. Nakangiti kong sinalubong ang kaliwa't-kanang flash ng camera sakin pagkaakyat ko ng runway. Nahagip naman ng mga mata ko si Dwight. Nakaupo ito sa unahan na mariing nakatitig sakin. Kumalabog bigla ang puso ko.
Nakatanggap ako ng bouquet of flowers sa pagbalik ko sa dressing room. Binasa ko ang card. Galing kay Dwight.
I sighed.
Tapos na kami ah. Pinagbigyan ko na siya? Ano pa bang kailangan niya?
Matapos ang batian sa matagumpay na fashion week, pagkalabas ko ng building ay nakita ko si Dwight na nakasandal sakanyang kotse, pinapaikot sa daliri ang susi. Bigla kong naalala ang gabing may nangyari samin.
"Bakit?" tanong ko nang lumapit ako sakanya.
Namumungay ang mga matang ginawad niya sakin. Bigla kong naimagine ang mga mata niya habang nakatingala siya sakin dahil abala siya sa..
Napailing ako sa naiisip.
"Susunduin ka."
"Huh? Bakit?
"Please give me more days to be together."
His eyes were pleading. Parang tinutulak akong sundin siya. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumango. Sige. Pagbibigyan ko siya ng dalawang araw pa na makasama siya.
"Sige, dalawang araw." sabi ko.
Sumakay na ako ng kanyang kotse. Ibang sasakyan naman ang gamit niya. BMW yata ang tawag dito.
Walang nagsasalita samin. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana.
"Let's date tomorrow, I know you're tired today."
Tumango nalang ako.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay natanaw ko na ang kotse ni Dwight na pinarada na sa harap ng apartment ko. Binilisan ko na ang paglalagay ng lip tint sa labi ko. I am wearing a blue dress, and I ponytailed my hair.
Nag iwan na ako ng pagkain na saging kay Mire at inumin bago lumabas ng apartment.
Namangha naman ako kay Dwight sa taglay niyang kaguwapuhan. He's wearing blue longsleeve dress shirt. Napatingin ako sa pants niya na hapit na hapit sa hita niya at napalunok nang maimagine ang nakita ko sakanya nung nakaraang gabi. Nailang naman ako sa kakaibang hagod niya ng tingin sakin.
"Saan tayo?" tanong ko nang nagsimula na ang aming pagbiyahe.
"Beach." tipid niyang sabi.
Tumango ako.
"Remind ko lang, ito na talaga ang huling pagsasama natin." paalala ko.
Hindi siya sumagot. I saw his jaw cleanched.
Makalipas ang mahigit isang oras ng biyahe ay narating namin ang isang pantalan. Napatingala nalang ako sa ganda ng yate. Ito yata yung yate na sinakyan namin noon.
"Iyan ba yung yate mo?" baling ko sakanya. Nahuli kong nakatingin lang pala siya sakin. Nililipad ang buhok ko sa lakas ng hangin sa lugar na ito. Siya rin, ang medyo kulot niyang buhok ay nililipad din.
"Yes. Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit na paakyat sa yate.
Pumunta kami sa deck at umandar na ang yate. Nakita kong may dalawang crew kaming kasama dito.
Nilanghap ko ang sariwang hangin. Nilingon ko si Dwight na niyakap ako sa likuran. And he rested his chin on my shoulder. I smell his manly scent. Nakiliti ako sa mainit niyang hininga sa leeg ko. He kissed my neck. Humihigpit na ang yakap niya sakin.
Ganun lang ang posisyon namin. Hinayaan ko nalang siya. Lubusin ko na ito kasi ito na nga ang huling araw ng pagsasama namin.
Inaamin ko, gusto ko siya. Gustong-gusto. Estado lang ng aming buhay ang hadlang. Hindi kami compatible sa isa't-isa. Siguro sa kabilang buhay ay pwede kami, pero sa mundong ginagalawan namin, hindi talaga pwede.
Mga kalahating oras mahigit ay natanaw ko ang isang resort. Parang nasa maldives lang. Nakikita ko kase sa mga larawan ang beach ng Maldives at parang kapareho lang ito sa natatanaw kong resort.
Dumaong na ang yate. Nilahad ni Dwight ang kanyang kamay sakin habang pababa ako ng hagdan at tinanggap ko naman.
Namangha ako sa lugar. Para bang nasa paraiso kami. Ang pino ng puting buhangin at ang tubig ay kulay crystal. Parang ang sarap lumangoy. Naalala kong wala pala akong dalang swim suit.
Nakangiti kaming sinalubong ng mga crew paglapit namin sa beach house, at iginiya kami ng isang babae sa aming magiging kwarto. Hindi pala kwarto kundi isang cabin niya kami dinala. Namangha ako sa ganda ng interior design nito.
"You have extra clothes there." si Dwight na itinuro ang tatlong paper bag na nakalapag sa kama.
Tiningnan ko ang laman nito at nakita ang iba't-ibang beach dresses at swim wear.
"let's have lunch first." anyaya niya. Tumango ako.
Lumabas na kami at pumunta sa isang resto at doon kumain ng tanghalian. Hindi ko alam ang pangalan ng kinakain namin, basta hindi ito filipino cuisine. Masarap siya.
Pansin ko na nabibilang lang ang turistang nandito sa resort. More on mga couples ang nakikita ko.
Pagsapit ng hapon ay naisipan ko ng lumangoy. I'm already wearing a green bikini. Hinubad ko na ang cover ups revealing my bikini at nilapag sa sun lounger. Nilingon ko si Dwight na papalapit na sakin. He's only wearing trunks. His body is perfect sculpture.
Tinubog ko na ang mga paa ko sa tubig at naglakad na pailalim. Pinagmasdan ang ganda ng sunset. Naramdaman ko nalang na nasa likuran ko na si Dwight. He hugged my waist. I felt his thing poked behind my back.
Nakiliti ako sa leeg nang dumapo ang kanyang labi at mainit na hininga. Humarap ako sa kanya. Namumungay ang kanyang mga mata. He kissed me passionately, and I responded to his kisses. I rested my arms in his shoulders. Habol ang aming paghinga sa nakakalunod naming halikan.
"Promise me, ito na ang huling araw ng pagsasama natin."
Parang may kumurot sa puso ko nang sinabi ko iyon sa pagitan ng mga halikan namin.
Namumungay parin ang kanyang mga mata.
"if so, this day is forever for me."
***