Nakapalibot kami sa isang nagpeperform na fire dancer na ang music background ay tugtuging español. Sa pagtitig ko sa apoy ay naaninag ko si Dwight na nasa harapan ko. Napapagitnaan namin ang apoy na sumasayaw, umiikot na may dalang init upang matalo ang lamig sa paligid. Nakatitig siya sakin. Para bang hinihigop ako ng kanyang magagandang mga mata. Namalayan ko nalang na malakas na ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kung kinakabahan ba ako, natatakot o ano? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Kinabukasan, ito ang huling araw namin dito sa Palawan. Niyaya naman ako ni Lester na mamasyal. Sa paglabas ko palang ng hotel ay nakita ko ang dalawa na si Dwight at Rica. Paahon na sila sa dagat. Parang nalaglag ang panga ko sa magandang katawan ni Dwight. He has six packs abs. Parang nag slomo pa siya sa paningin ko habang ginugulo niya ang kanyang buhok. Nagtama ang aming mga mata and then he smirk. Heto na naman ang kalabog ng puso ko.
Halos lahat yata ng babae ay napapatingin sakanya. Para siyang modelo na naglalakad sa dalampasigan.
"Thalia, tara na." anyaya sakin ni Lester. Tumango ako sakanya.
Nakasuot lang ako ng simpleng summer dress at si Lester naman ay nakatrunks lang, may shades pang suot.
Namalayan ko na lamang na magkahawak na ang aming mga kamay.
"Marami raw doong isda na makikita." turo niya sa malayo pang dalampasigan. Tumango nalang ako.
Pagkatapos naming mamasyal ay bumalik na kami sa hotel. Papasok na sana ako sa hotel room nang marinig ko ang usapan ng mga kapwa ko babaeng modelo sa pangunguna ni Rica. Hindi niya naman kwarto ito ah.
"Alam niyo girls, matitikman ko na sana si Dwight kagabi kaso lang parang ayaw niya, umiiwas siya." nanghihinayang na sabi ni Rica.
"Baka wala lang sa mood."
Hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa hotel room at lumabas nalang ng hotel.
Natanaw ko naman si Dwight na nasa sun lounger. Parang nagmomodel parin. Nakashades. Ginawang unan ang kanyang braso. Napalunok na naman ako sa nakabalandra niyang abs.
Napaisip tuloy ako. Wala pang nangyayari sakanila ni Rica. Pero parang kilala ko na si Rica, hindi yun titigil hangga't hindi niya natitikman ang lalaking 'to. Kumalabog na naman ang puso ko sa naiisip. Napailing nalang ako at umupo sa may cottage. Hinanap ko sila Ms. Dy. Nasaan kaya ang mga yun?
Hanggang sa may natanaw akong yate na palapit dito sa dalampasigan. Tumayo si Dwight nang makadaong na ang yate.
Nakita ko si Rica na mabilis lumapit kay Dwight.
"Thalia, let's go." Dumating si Ms. Dy at Jazz na parehong nakasummer dress outfit.
"Bakit po? Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sasakay tayo sa yate ni Mr. Del mundo." si Jazz ang sumagot.
Hinigit na nila ako. Nagkatipon-tipon na kami rito sa harap ng yate.
Lahat kami ay sumakay na. Ayaw ko man sana sumakay sa yate ni Dwight, kaso lahat ay kasama maging si Lester. Namangha nalang ako sa ganda ng yate ni Dwight nang makaakyat na. Para akong naignorante sa pagsakay sa yate. Sobrang ganda.
Nagsimula ng umandar ang yate. Nasa deck kaming lahat. Si Rica ay abala sa pagturo-turo sa nadadaanan naming isla. Napansin ko ang mga kamay ni Rica na kung saan-saan napupunta sa katawan ni Dwight.
Pumunta ako sa dulo ng deck at dinama ang malakas na hangin. Iwinawagayway nito ang buhok ko.
"Feeling Rose lang ang peg." si Jazz na malapit sakin.
Sinong rose?
"Ako naman ang Jack." Lumapit sakin si Lester. Rinig ko ang pagtili ni Jazz.
Nasa likuran ko na si Lester. Hinawakan niya ang magkabila kong mga kamay at ibinuka.
"Damahin mo ang hangin Thalia." bulong niya sakin.
Sinunod ko nalang ang kanyang gusto. Masarap nga sa pakiramdam. Para bang lumilipad ka sa ibabaw ng dagat.
"Ay, wow! Lakas maka titanic, baka lumubog ang yate mamaya." pakinig kong sabi ni Ms. Dy.
Rinig ko ang tawanan nila. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil parang nasa amin ang atensyon nilang lahat, kaya binaba ko na ang kamay ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Dwight, matalim ang kanyang mga matang nakatitig sakin at umiigting pa ang panga.
"Gusto ko ring masubukan yun." sabi ni Rica at hinigit na si Dwight sa dulo ng deck.
"Kuha kayo ng magandang shots." utos ni Rica sa mga kaibigan niya.
Kita ko si Dwight na tamad na humawak sa mga kamay ni Rica na nakatalikod na sakanya, na nakaharap sa dagat. Nagtilian naman ang iilan.
Nagtagal kami ng ilang oras sakay ng yate. Nag enjoy naman ako kahit na nakisakay nga lang kami. Nalaman ko nalang kila Jazz na nauna ng umalis si Dwight dahil may trabaho pa raw itong aasikasuhin sa Maynila.
Umalis narin kami kinagabihan, at sumakay na ulit ng eroplano pabalik ng Maynila.
Isang linggo naman kaming mga modelo na nag ensayo sa magaganap na fashion week, na ang theme ay jungle.
Dumating na ang fashion week. Suot ko ay floral dress with butterfly headpiece. Nagsimula na ang event. Sumilip ako sa labas at nakitang iba ang set up ng runway. May mga puno sa paligid, may mga nakalaylay na tali at may mga paru-paro.
Parang bagay yata 'to sakin. Kinamulatan ko ang kagubatan kasama ang mababangis na hayop na aking napapaamo.
Humugot ako ng malalim na paghinga nang matapos na si Lester na rumampa sa runway. May nakapulupot pa sa kamay niyang laruang ahas.
"You're next, Thalia." sabi ni Jazz.
Umakyat na ako sa stage at confident na naglakad sa runway. Ibinuka ko pa ang aking mga kamay habang naglalakad. Fierce dapat ang hitsura para bumagay sa make up at pananamit ko. Nang makapunta sa dulo ay nag pose ako. Kaliwa't-kanan naman ang flash ng camera.
Napatalon ako sa gulat nang may biglang umakyat na unggoy dito sa stage. Sumampa sa balikat ko at niyakap ang leeg ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makumpirmang si Mire ito.
Parang may humaplos sa puso ko habang nakayakap ito sakin.
Nahagip ng mga mata ko si Dwight na nakangiti habang pinanonood kami.
***