Chapter 14

290 10 0
                                    

Pumasok na ako sa opisina ni Dwight. Dito kase ako inassign na maglinis ulit. Kumatok muna ako bago niya pinapasok.

"Come in."

Nakita ko siyang abala sa pagtipa sa keyboard ng computer. Ang mga mata niya ay doon lang ang atensyon sa screen. Nagsimula na akong magwalis ng sahig. Wala naman kalat pero nagwawalis parin ako, masabi lang na may nililinis.

Malawak ang kanyang opisina, mas malaki pa sa apartment ko. Kulay abo at puti ang dingding. Ang sahig naman ay gray marble tiles. Sa pagmamadali kong matapos ang gawain ay may nasagi akong malaking paso dahilan ng pagtumba nito at pagkabasag. Napatalon ako sa gulat. Umalingawngaw ang pagkabasag nito. Labis akong kinabahan.

Tumayo si Dwight at mabilis na nakalapit sakin. Tiningnan niya ang nabasag at tinitigan niya ako ng mariin. Abot-abot na ang tahip ng puso ko sa kaba.

"Ah, s-sorry sir, hindi ko sinasadya." nakayuko kong sabi.

"Kaya mo ba 'tong bayaran?" tanong niya. Umiling naman ako.

Tiyak na mamahalin ang nabasag ko. Baka abutin ng ilang taon para mabayaran ko ang danyos.

"It is worth 2.5 million."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko kayang bayaran ang halagang iyon.

"Ah, babayaran ko ng pakunti-konti." nasabi ko nalang. Wala naman akong magagawa kundi bayaran ang danyos.

Tumaas ang gilid ng labi niya.

"Just follow what I want, you can pay your damages."


Ano kayang gusto niya? Ang patayin nalang ako para makapagbayad?

"W-wag mo muna akong patayin, kailangan ko munang makita si Mire." kinakabahan kong sabi. Parang may mga kabayo ang nagkakarera sa dibdib ko sa matinding kaba.

Ang mga titig niya sakin na parang nanghihipnotismo ay biglang pumungay nang sinabi ko iyon.

"I will take you to heaven without being killed." He smirked.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko nakuha ang sinabi niya. Heaven?

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit ang kanyang mukha sakin. Inamoy niya ang leeg ko. Nakiliti ako sa ginawa niya. Aatras sana ako kaso dingding na pala ang likuran ko. Kinulong niya ako sa kanyang mga bisig.

Unti-unti siyang yumuko para abutin ang aking labi. At nang lumapat na ang kanyang malambot na labi ay bumilis ang tibok ng puso ko. Marahas at mapusok ang bawat paggalaw ng kanyang mga labi. Hindi ko magawang halikan siya pabalik dahil natatakot ako. Hinahabol ko na ang aking hininga. Nakapikit siya habang hinahalikan ako hanggang sa bumaba na ang kanyang halik sa leeg ko. Nakikiliti ako. Umiinit narin ang pisngi ko.

Naramdaaman ko nalang ang pagbaba ng kamay niya sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay inaangkin niya ako na walang pahintulot ko. Tumulo ng kusa ang mga luha ko. Dumilat ang kanyang mga mata at kita ang gulat doon. Napaatras siya.

Pinahid ko naman agad ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"M-mas mabuti pang patayin mo nalang ako, kaysa kunin mo ang dangal ko," nahihirapan kong sabi. Pinapahid ko na ang labi ko ng aking palad. Napatingin siya doon at umigting ang kanyang panga.

"Pero bago mo ako patayin, ibigay mo muna sakin si Mire." sabi ko pa.

Tinalikuran niya ako. Humalukipkip na tinatanaw ang kalakhan ng syudad.

Mas gusto ko pang mamatay kaysa ibigay sakanya ang pagkababae ko.

Humarap na siya sakin. Ayan na naman ang mga mata niyang dinadala ako sa kawalan.

Yumuko ako at tiningnan ang nabasag na paso. Lumuhod ako at pinulot ang mga pira-pirasong nabasag at nilagay sa dustpan.

"Okay, I'll bring the monkey back to you." Napatingala ako sakanya.

"Kapag naibalik ko na si Mire sa gubat, papatayin mo na ba ako?" tanong ko kay Dwight. Hindi siya sumagot at lumuhod upang tulungan akong pulutin ang nabasag.

"Ako na, baka masugatan ang kamay mo." sabi ko. Nakita ko ang pag igting ng panga niya. Hindi siya nakinig sakin at pinulot na lamang ang pira-pirasong nabasag at nilagay sa dustpan.

Napatitig ako ako sa guwapo niyang mukha at naisip ko ang ginawa niya sakin kanina, puno ito ng pagnanasa. Alam kong ang habol niya lang sakin ay ang katawan ko.











Nang hapon na, tulad ng sinabi niya ay ipapakita niya na sakin si Mire. May halong sabik ang nararamdaman ko, dahil sa wakas, makikita ko na si Mire, pero may bahid ng lungkot ang pakiramdam ko dahil baka patayin niya na ako.

Panay ang linga ko sa magara niyang sasakyan habang nagbabiyahe na kami. Heto ang kauna-unahan kong pagsakay sa ganitong sasakyan.

Ilang minuto lang ay pumasok ang sinasakyan namin sa isang subdivision. Malalaki ang bahay rito, nagsusumigaw ng karangyaan.

Tumigil na ang kotse. Hindi ko mabuksan ang pinto kaya si Dwight nalang ang nagbukas. Nang makalabas ng kotse, hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng bahay.

Hinigit na ako ni Dwight at pumasok kami sa malaking tarangkahan.

"Ser, nakatakas po ang unggoy." sabi ng gwardyang lumapit samin at sinundan pa ng tatlong gwardya.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"What?" galit na tanong ni Dwight.

"Ser, mabilis po nakaakyat ang unggoy dito sa gate, hindi na namin ito nakita."

Nanlumo nalang ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng gwardya kung paano nakatakas si Mire.

***

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now