Chapter 25

271 11 0
                                    

Nagkatinginan kami ni Dwight nang umalis na si Lester. Mabibigat ang paghinga ako.

Lumapit siya sakin.

"Are you alright?" tanong niya. May naiwang galit sa kanyang ekspresyon.

Tumango ako.



Tahimik kami habang hinahatid niya ako patungo sa trabaho. Natutulala nalang ako habang iniisip ang nangyari kanina.

"Salamat." sabi ko. Tumango siya at tumalikod na ako sakanya papasok ng building.

Rinig ko ang tawanan pagkarating ko sa floor ng agency. Nagsitahimik nang dumating ako. Nagtama ang mga mata namin ni Lester. Mababakas sa mga mata niya ang galit sakin. Kita ko ang pasa sa kanyang labi. Napaiwas ako ng tingin sakanya.

"Hindi manlang sila nagtagal ng 24 hours." natatawang sabi ni Rica.

"Buti nalang talaga Lester, na nahuli mo siyang nagche-cheat sayo." sabi naman ng isang kaibigan ni Rica.

Napayuko nalang ako.

Buti nalang at dumating na sila Jazz at Ms. Dy.

"Oh, what happen to your handsome face?" tanong ni Ms. Dy kay Lester.

"Nadulas lang ako Ms. Dy." sagot nito.

Pinagleave muna si Lester dahil hindi matakpan ng concealer ang kanyang pasa. Isinantabi ko muna ang nararamdaman kong lungkot habang nagpo-photoshoot na ng isang clothing brand.



Hapon na nang matapos ang photoshoot. Pagkalabas ko pa lang ng building ay natanaw ko si Dwight na nakasandal sakanyang kotse. Mukhang galing sa trabaho. Nakatupi ang kanyang long sleeve hanggang siko.

"Oh my, kanina ka pa yata niya hinihintay." rinig kong sabi sa likuran ko.

Nilampasan ako ni Rica at lumapit na siya kay Dwight. Mabuti naman at hindi sinabi ni Lester na si Dwight ang dahilan ng kanyang pasa sa mukha.

"Sorry, kung pinaghintay pa kita. Kanina ka pa?" tanong ni Rica.

Tiningnan ako ni Dwight. Bumilis ang kalabog ng puso ko.

"Just arrived."

"Kung gusto mo, kumain muna tayo, I'm starving na eh." si Rica.

Lalayo na sana ako sa kanila para mag abang ng jeep nang marinig ko ang sinabi ni Dwight.

"Sorry but, I will pick up my girlfriend."

"Huh?"

"Thalia!" rinig kong tawag sakin ni Dwight.

Natigilan ako at napahigpit ang hawak sa shoulder bag. Pakiramdam ko ay may humahaplos sa puso ko.

Girlfriend?

Kami na?

At naalala ang sinabi niya nung nasa bar kami kagabi.

Nagdire-diretso ang lakad ko palayo sa kanila nang may humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta, susunduin kita." aniya.

Napatingin ako kila Rica at sa mga kaibigan niyang modelo, lahat sila ay may nakakagulat na ekspresyon.

Para akong nauubusan ng mga salita.

"Ah, s-sunduin mo na si Rica. D-diba siya yung nililigawan mo."

Kumunot ang kanyang noo.

"You're my girlfriend, kaya ikaw ang susunduin ko."

Muli akong tumingin kay Rica at matatalim na ang tingin niya sakin.

May natanaw akong jeep at nagpara na.

"Sorry pero, hindi ako ang girlfriend mo." sabi ko at tinalikuran na siya. Sumakay na ako sa jeep na huminto. Nangangatog ang mga tuhod ko. Nauntog pa ako sa bubong ng jeep.

Sa sobra kong lutang, hindi ko namalayang nasa apartment na ako, at naalala si Mire. Nagmadali ako at lumabas na ng apartment para kunin si Mire sa bahay ni Lester. Gagawa ako ng paraan na hanapan ito ng matitirhan. Nagulat ako nang si Dwight ang bumungad sakin.

"I told you last night, If you break up with him, you will be mine." aniya.

Teka, hindi ko pa maproseso ang sinabi niya. Si Mire ang iniisip ko ngayon..

"Si Mire, kailangan ko siyang kunin kay Lester."



Nandito na ako sa kotse ni Dwight. Parang hindi ako mapakali. Kinakabahan ako.

Parang ang bagal pa ng sasakyan.

Sa wakas at nakarating na kami sa bahay ni Lester. Bumaba ako at pumindot sa doorbell nila. Kapatid niya ang bumukas ng gate.

Hinahabol ko ang hininga ko.

"Kukunin ko si Mire."

"She's dead."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"A-anong pinagsasabi mo?" tanong ko.

"I said, patay na siya, tinapon na siya ni Kuya, hindi ko alam kung saan." aniya.

"Hindi yan totoo! Nasaan siya?" tanong ko. Parang tumataas na ang dugo ko. Unti-unti akong nanginginig sa galit.

Umikot ang kanyang mga mata at sasaraduhin na sana ang gate nang hinawakan ko siya sa kamay.

"Ilabas niyo si Mire, kukunin ko na siya."

"Hindi ko nga alam kung nasaan yang unggoy mo, basta kinuha siya ni Kuya, wala na itong malay, patay na yata."

Nagpumilit akong pumasok ngunit hinaharangan niya ako.

"Where's Mire?" madiing tanong ni Dwight.

"Naabutan namin siyang wala ng malay."

"Sinungaling ka!" nagsituluan na ang mga luha ko.

May humintong sasakyan at lumabas doon si Lester na nanlilisik ang mga mata.

"Nasaan si Mire?" Lumapit ako kay Lester.

"Patay na siya, tinapon ko na." aniya.

Umiling ako.

"You killed her?" tanong ni Dwight.

"Hindi ko siya--" Hindi na siya pinatapos ni Dwight dahil sinuntok ito, humandusay sa sahig.

"Wag!" sigaw ng kapatid ni Lester.

Hinila ni Dwight ang kwelyo ni Lester na nakahiga pa sa sa sahig.

"Where's Mire?" mariing tanong ni Dwight.

Ngumiting aso lang si Lester. Dumapo ulit ang kamao ni Dwight sa mukha ni Lester.

"Wag, wag..." awat ng kapatid.

"Pinatay ko na siya, nilibing ko na."

Muli itong sinuntok ng malakas ni Dwight. Dumudugo na ang bibig ni Lester.

"Tama na, Dwight." awat ko.

Tumayo na si Dwight. Bakas sa mukha niya ang galit. At tinuro si Lester.

"You'll pay for this, asshole!" nangingitngit sa galit si Dwight.

Hinigit na ako ni Dwight papasok ng kanyang kotse. Nagpatianod nalang ako sakanya na umiiyak. Parang dinudurog ang puso ko.


***

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now