I should act as a professional model, kahit na may nakasampa sa balikat ko na unggoy ay tuloy parin ako sa pagpose at pagrampa.
"Kaninong unggoy 'yan?" nagtatakang tanong ni Jazz nang nasa backstage na ako. Hindi parin ako makapaniwala na nasa mga kamay ko na ang inalagaan kong unggoy sa tribo. Parang hinahaplos ang puso ko habang hinahaplos ang ulo ni Mire. Kita sa mga mata nito ang tuwa na magkapiling na kami.
"Alaga ko."
Pansin ko ang pag iwas ng ibang modelo sa unggoy na baka saktan sila nito. Medyo malaki na si Mire, pero payat ang pangangatawan nito.
"Wow! You really look like a queen of the jungle," puri sakin ni Jazz.
"Hindi naman yan kasali sa props." tumatawang sabi niya.
"Ilabas mo na nga yang alaga mong unggoy, baka kagatin kami niyan." sabi ni Rica na nasa malayo kasama ang ibang modelo.
"Ilabas mo na, baka mangagat talaga yan." utos naman ni Ms. Dy na kadarating lang galing sa kausap nitong businessman. Tumango nalang ako.
Nakauwi na lamang ako nang hindi pa nakakapagpasalamat kay Dwight, alam kong siya ang nakahanap kay Mire. Bale, dalawa na ang alaga ko rito sa apartment. Isang pusa at unggoy.
"Hindi yan pwede rito." sabi sakin ng landlady ng apartment, tukoy niya sa kay Mire.
"Pero po, hindi naman siya--" hindi niya ako pinatapos.
"Kahit na!"
Anong gagawin ko?
Nag isip naman ako ng ibang paraan kung saan ko patitirahin si Mire. Kung maghanap man ako ng ibang apartment ay parang ganun din, hindi rin nila tatanggapin si Mire. Lalo naman doon sa karinderya, ayaw ni ate Linda ng alagang hayop dahil kinukuha raw nito ang kanyang paninda.
Kinabukasan, nandito ako sa kompanya ni Dwight upang magpasalamat at humingi ng pabor.
"Okay sir." sabi ng receptionist sa kausap sa telepono na si Dwight.
Pinapunta niya na ako sa 18th floor kung nasaan ang kanilang CEO.
Kumatok muna ako at narinig siyang nagsabing pumasok na ako.
"What brought you here?" tanong ni Dwight habang nakaharap sa computer.
"Gusto ko sana magpasalamat sa ginawa mong pagbalik kay Mire sakin." sabi ko.
Tumango naman siya.
Ginapangan naman ako ng kaba sa susunod kong sasabihin.
"Kaso, hindi pwede siya sa.. apartment, kaya.."
"Ibibigay mo siya sakin?" taas kilay niyang tanong.
"Hindi ko naman siya ibibigay sayo, ipapaalaga lang."
Parang napatalon ako sa gulat nang tumawa siya.
Nakaramdam naman ako ng hiya. Kung tumawa siya parang nakakatawa ang sinabi ko.
Nag isip naman siya, sa huli ay tumango.
"Okay, but I want something in return."
Tumango ako. "Ano yun?"
Tumayo siya at pumamulsang lumapit sakin.
"Marry me."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Ano raw?
"Just kidding." Tumaas ang gilid ng labi niya.
Hindi talaga ako natutuwa sa biro niya. Para bang may pinagdadaanan siya.
Mukhang nag iisip naman siya ng kapalit ng pagkupkop niya kay Mire.
"Okay, be my housemaid." pinal niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko.
Nakakahiya naman dahil para tuloy kaming makikitigil ni Mire sa bahay niya. Kahit nga hindi niya na ako bigyan ng sweldo.
"Wala na bang ibang pwedeng kapalit?" tanong ko.
"I don't have a housemaid since last week." aniya at tumalikod na sakin at umupo sa swivel chair.
Nakakahiya talaga.
Tumango nalang ako.
Parang may allergy sa unggoy ang landlady ng tinitigilan kong apartment dahil kating-kati na itong umalis si Mire. Na samantalang ang ibang nakatira sa ibang apartment ay nakokyutan kay Mire.
Gabi, at heto na ako sa labas ng apartment na tinirhan ko ng ilang buwan. Para bang pinalayas ako.
Natanaw ko ang magarang kotse ni Dwight na papalapit dito. Agad naman napayakap sakin ang unggoy.
"Hindi naman kita ibibigay Mire, magkakasama parin tayo." sabi ko.
May kasunod ang kotse ni Dwight na van at doon nilagay ang mga gamit ko, pati si Mire ay doon pinasakay.
Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang street lights. Malalim ang iniisip. Parang kailan lang na bihag siya ng tribo tapos ngayon, tinutulungan niya ako. Dati, galit ang nararamdaman ko sakanya, ngayon ay parang nawala ng parang bula.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang subdivision. Lumabas na ako ng kotse ni Dwight at pinagmasdan ang napakaganda niyang bahay na parang palasyo.
Namamangha parin ako sa ganda nito.
"Hindi ko pala natanong, may kasama ka ba sa bahay mo?" tanong ko.
"I'm alone here." aniya.
Tumango ako. "Nasaan ang mga magulang mo?"
"Nasa States." aniya.
Tumango ulit ako. Kayganda ng bahay tapos isa lang ang nakatira.
Dumating narin ang van, pagkabukas palang ng driver ng pintuan ng sasakyan ay lumabas agad si Mire at tumabi sakin.
"Mire, simula ngayon dyan ka na titira." turo ko sa napakagandang bahay.
"Let's go." yaya samin ni Dwight at pumasok na kami ng malaking tarangkahan. Magkahawak ang mga kamay namin ni Mire nang papasok na ng bahay ni Dwight.
"Your monkey has a shelter at the backyard, don't let her in here in my house." paalala niya. Tumango nalang ako. Naiintindihan ang kanyang sinasabi. Basta may tirahan si Mire ay ayos na para sakin.
Pumasok na ang kanyang bodyguard dala ang mga gamit ko. Isang bagahe lang naman, electric fan at rice cooker.
"Itapon mo na yan." utos ni Dwight sa kanyang bodyguard.
"Huh? Ba't mo ipapatapon." takang tanong ko.
"You don't need that. Let's go, ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo." anyaya niya. Umakyat kami sa hagdan, hawak ko parin si Mire. Pansin ko ang pagiging tahimik nito kanina pa
Ang lawak naman ng bahay niya, tapos siya lang ang nakatira. Mas masaya pa yatang tirhan ang kubo na may nakatirang nagsisiksikang pamilya.
"Here's your room." Binuksan niya ang isang pinto at bumungad ang napakagandang kwarto. Mas malaki pa sa tinirhan kong apartment.
Ang gara naman ng magiging kwarto ng katulong dito.
"Ah, ayos lang sakin ang simpleng kwarto." nahihiyang sabi ko.
"Simple ang shelter ng unggoy, gusto mo doon ka nalang." sarkastiko niyang sabi. Tumaas ang gilid ng labi niya.
"Pwede ako doon?" tanong ko.
Mariin niya na akong tinitigan.
"Dito nalang, hehe." nahihiyang sabi ko.
***