Chapter 34

354 14 0
                                    

A/N: This is the last chapter. Thank you for your wild support. Wild?😅

Next update is epilogue.

***

Napahagulhol ako habang lumalapit kay Mire na duguan at wala ng buhay. Umiling ako ng umiling. Parang dinudurog ang puso ko. Parang may bikig ang lalamunan ko at nahihirapang lumunok.

"A-anak.."

"Pinatay mo siya." naluluhang sabi ko.

"Anak, hindi ko s-sinasadya."

Hinarap ko siya gamit ang nanlilisik na mga mata.

"Hindi na ikaw yung dati kong Ina, ngayon puno ka ng poot at galit ang puso mo." mariin kong sabi.

Umiiyak narin si Ina at umiiling.

"Patawad anak, hindi ko sinasadya."

Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago binalik ang tingin kay Mire. Kinarga ko ang walang buhay na katawan nito habang umiiyak. Nanumbalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala kasama si Mire. Ngayon, na wala na siya, napakasakit tanggapin ang nangyari.

Naghukay ako sa lupa at doon ko nilibing si Mire na nababalutan ng tela. Walang humpay parin ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang bigat ng dibdib ko.

"Anak, wag mo akong iiwan." Niyakap ako ni Ina sa likod ko. Lumabas na ako ng bahay.

Marahas kong inalis ang mga kamay niyang nakapalupot sa katawan ko.

"Babalik ako rito kapag wala na ang galit sa puso mo." mahinang sabi ko.

Umiiling siya habang umiiyak. Binalingan ko ang mga katribo ko. Mga nakayuko ang iba. Sila Esang naman ay umiiyak. Tumango ako sa kanila at tumalikod na. Rinig ko ang paghagulhol ni Ina. Sumakay na ako ng kabayo dala ang maleta. Hindi ko akalaing sa pagbalik ko rito ay madudurog ang puso ko.



Sa paglabas ko ng gubat ay nakita ko si Dwight. Agad niya akong nilapitan at niyakap. Tuyo na ang mga luha ko dahil pagod sa kaiiyak.

"Wala na si Mire." mahinang sabi ko.

"Kasalanan ko."

Hindi ko alam kung sisisihin ko rin ba siya. Hinarang ni Mire ang kanyang sarili kay Dwight. Parang gusto pa ni Mire na mabuhay ang lalaki, itinaya niya ang kanyang buhay para rito.

Bumitaw na siya ng yakap at hinawakan ang kamay ko.

Bumuntong hininga ako.

"Sana kasi hindi ka nalang pumunta rito." sabi ko, tunog pangsisisi. Yumuko siya at umigting ang panga.

"Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo o hindi?" mariin niya akong tinitigan.

"Tinakasan mo ako sa kasal natin. Pinaasa mo ako."

Hindi ako nakapagsalita. Medyo guilty rin ako sa ginawa ko.

"Is it because of my mother? She told you to stay away from me?"

Napayuko ako dahil totoo.

Rinig ko ang pagsinghap niya.

"Let's get married, wala ng makakapagpigil satin."

"Ba't ba atat ka na maikasal ako sayo."

"Dahil yun lang ang paraan para hindi ka na malayo sakin."

Parang hinahaplos ang puso ko sa mga sinasabi niya.

"Hindi pa ako handa, nagluluksa pa ako sa pagkawala ni Mire."

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now