The night came and this is the last night we were together. We made lust not love in the cabin. Dwight gently removed my clothes as he kissed me. Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Nakikiliti ako sa bawat pagdapo ng kanyang labi sa katawan ko. Nag iinit ako. Nawawala na ako sa ulirat.
After an endless kisses and touched, he thrust me so hard. All I could was moaned his name. Hanggang sa naabot na namin ang sukdulan.
We made another round that seemed tireless. And after that, we fell asleep.
Paggising ko ng umaga ay may pagkain ng nakahain sa mesa. Bumangon na ako. Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko.
"Good morning." bati ni Dwight.
Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya.
"Kailan ang alis natin dito?" tanong ko habang kumakain na kami ng almusal.
"After lunch."
Tumango ako.
Namasyal pa kami ni Dwight matapos mag almusal. Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa dalampasigan.
So this is the day. Ito na huling araw naming pagsasama. I will be forever treasure this moment. Ang lahat ay may hangganan, at ito ang katapusan namin.
"Makakahanap karin ng babaeng mamahalin mo," sabi ko.
"At makakahanap din ako ng lalaking mamahalin ko."dagdag kong sabi.
Madilim ang kanyang tingin nang bumaling sakin.
"Why are you in such a hurry that we split up?"
Nagulat ako sa mariin niyang tanong. Parang may yumapos sa puso ko. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin, at umiigting ang panga.
"Hindi naman. Ang ibig kong sabihin, makakalimutan mo din ako balang araw, makakahanap ka ng babaeng mamahalin mo at mapapangasawa." mataman kong sabi.
Pumikit siya ng mariin na parang mauubos na ang pasensya niya.
Walang nagsasalita samin ni Dwight habang nakasakay na kami sa yate. Part of me, nalulungkot, pero pinagsawalang bahala ko na lamang ito, at inenjoy nalang na pagmasdan ang ganda ng dagat.
Papalubog na ang araw nang dumaong na ang yate sa baybayin. So, this is the time we bid goodbye. Tinanggap ko ang kanyang kamay pababa sa yate. At nang tuluyan ng makababa ay bumuntong-hininga na ako.
"Salamat sa lahat." sabi ko.
Malamlam ang kanyang mga mata.
"Ihahatid na kita." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Tinanggal ko naman agad ito.
"Ah, wag na. Mauuna na ako."
Sumakay na ako ng bus. Tinanaw ko siya dito sa may bintana ng bus, at kumaway ako. Nakapamulsa lang si Dwight habang pinagmamasdan ako. At nang umandar na ang bus, hindi ko na napigilang mangilid ang mga luha. Parang pinipiga ang puso ko habang papalayo na ang sinasakyan ko, at tinatanaw si Dwight na hindi umaalis sakanyang pwesto at tinatanaw lang ang bus.
Parang pagod ako nang makauwi na. Naghihiyaw si Mire nang makita ako. Jazz suggested na ipapaalaga niya nalang muna si Mire sa pamangkin niya kapag aalis na kami papuntang Amerika, mahilig daw ang pinsan niyang mag alaga ng hayop.
Mabilis ang takbo ng araw at ngayon ay may dala na akong maleta. Pupunta na kasi kami nila Jazz at ang aming stylist sa Amerika. May kaba saking dibdib. Ito ang kauna-unahan kong paglabas ng bansa. Parang ngayon ko lang narealize na ang dami ko na palang napagdaanan sa pagmomodelo.
Lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Panay ang tingala ko sa paligid nang makalabas na ng airport. Mga nagtataasang gusali. Para akong naiignorante. Parang babaeng kabababa lang ng bukid at ngayon ay nasilayan ang sibilisasyon.
Tatlong araw kaming mamamalagi dito sa Los Angeles, California. Nagcheck in kami sa isang hotel. Kinaumagahan ay naghanda na para sa rehearsal. Binalewala ko nalang ang kabang nararamdaman ko nang magrehearsal na ako kasama ang iba pang modelo na hindi ko kilala. Ako lang ang Pilipinong nakuha sa ganitong fashion show.
I was already wearing a lime green dress when the fashion show came the next day. My heels are 6 inches. Makapal ang make up sakin. My hairstyle was twisted crown braid.
Kinikiskis ko ang mga palad ko para maibsan ang kaba. At nang sandaling ako na ang rarampa ay taas noo na akong umakyat ng runway. Sinalubong ako ng kaliwa't-kanang flash ng camera. Tipid ang ngiti ko habang dire-diretso ang lakad. Nagpose ako nang nasa dulo na ng runway.
Parang napatalon ang puso ko nang makita si Dwight na nakaupo sa audience seat. Mariin ang titig niya sakin.
Anong ginagawa niya dito?
Para akong lumulutang nang nasa backstage na. Nagdadaldal si Jazz pero ang utak ko ay parang lumilipad sa lalaking nakita ko kanina.
Nanlaki ang mga mata ni Jazz nang bumaling siya sa likuran ko. Nilingon ko kung sino ang tinitingnan niya. Papalapit na sakin si Dwight na tipid ang mga ngiti.
"H-hi, Mr Del mundo, nandito ka pala." si Jazz.
Parang pinipiga ang puso ko nang lumapit na siya sakin. Ang mga mata niya ay malamlam.
"Ah, a-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong.
"I'm chasing you." tipid niyang sagot.
Parang may humahaplos sa puso ko. May halong galak at sakit ang haplos na yon.
"I'm inlove with you Thalia, Please comeback to me,"
Rinig ko ang singhap ni Jazz sa sinabi ni Dwight.
"I can't afford to lose you, because I'm so inlove with you."
His eyes were pleading. I'm out of words. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib dahil sa sobrang kalabog nito.
***