"Do your best, Thalia. Malaking kompanya ang kumuha sayo upang maging model ng kanilang bagong wine." si Ms. Dy na bakas sa mukha ang galak.
Ngumiti nalang ako ng pilit. Kinakabahan ako nang malaman ang kompanyang gusto akong gawing modelo.
"Mukhang stiff ka." pansin sakin ni Jazz. Nandito na ako sa photoshoot studio. Dumadagundong ang kaba sa dibdib ko. Kahit huminga ako ng malalim ay patuloy parin ito sa pagkabog.
Hapit sa katawan ko ang black dress. May hiwa ito na kita ang legs ko.
Nakaupo pa ako sa dressing room at tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Hindi naman makapal ang make-up sakin. Ang buhok ko naman ay nilagyan ng extension.
Narinig ko nalang ang hagikhikan sa labas. Mukhang may pinagkakaguluhan.
"Ang gwapo niya talaga." rinig kong sabi ng nagmake up sakin na bading sa labas.
Nacurious naman ako kung sino ang tinutukoy nila. Lumabas na ako at nakitang kumpol ang tao. Ulo palang ng lalake ang nakikita ko hanggang sa mahawi na ang nakapaligid sa kanya. Kumalabog na ng husto ang puso ko nang makita siya ulit. Wearing his black long sleeve na nakatupi hanggang siko. Nagtama ang aming mga mata. Ang mga mata niya na parang nanghihigop.
"Mr. Del Mundo, she's the model, Thalia." pakilala sakin ni Ms. Dy kay Dwight nang makalapit na sila sakin.
"Thalia, he's the CEO of Del Mundo Corp." pakilala naman ni Ms. Dy kay Dwight sakin.
Napalunok naman ako. Para akong nauubusan ng hininga. Nakalahad na ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito. Parang nakuryente ako nang sandaling maghawak ang aming mga kamay. Nakatitig parin siya sakin, umiwas naman ako ng mga mata.
"Nice to meet you, Thalia." seryoso niyang sambit. Magkahawak parin ang aming mga kamay.
Kinalas niya na ang kanyang kamay at tumingin na siya sa studio.
"Okay, let's start."
Pumalakpak si Ms. Dy at nagsimula na nga ang photoshoot. Hawak ko ang bote ng wine na may brand name na Wild Green. Habang ginagawa ko ang iba't-ibang pose ay para akong nacoconcious, kase naman nakahalukipkip si Dwight habang pinapanuod ako.
May posing ako na naaasiwa ako. Pakiramdam ko, hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko. Nanginginig na ang tuhod ko pero hindi ko pinapahalata. Seryoso nalang ako sa ginawa. Fierce daw dapat ang mukha ko sabi ni Ms. Dy at Jazz.
Makalipas ang kalahating oras ay natapos na din ang photoshoot. Tinitingnan na nila ang mga pictures, samantalang ako ay umupo upang magpahinga.
Tumatango-tango nalang si Dwight habang pinapakita sa kanya ang mga litrato ko. Hindi ko naman mabasa sa itsura niya kung nagugustuhan niya ba o hindi.
"Congrats!" Lumapit sakin si Jazz. "For sure, nagugustuhan naman niya."
Hindi naman nagtagal ay umalis na si Dwight. Masayang-masaya na lumapit sakin si Ms. Dy at inanunsyo niya saming team na nagustuhan daw ni Mr. Del mundo ang pagmomodelo ko para sa kanyang bagong brand ng wine.
"Masaya ako sa nararating mo ngayon, Thalia." nakangiting sabi ni Ate Linda nang pumunta ako sa karinderya niya. Tumutulong pa naman ako sa kanya, kapag wala akong oras sa pagmomodelo.
"Ipagpapatuloy mo pa ba ang pag aaral mo?" tanong niya habang abala siya sa pagluto ng ulam.
Nagkibit-balikat ako. "Kapag nakaipon na po ako, hindi pa ako mag aaral ngayong taon."
"Ako na po nyan." presinta ko.
"Wag na, nakaputi ka pa naman, mamamantsahan 'yan damit mo." tanggi niya at nilagay niya na sa food warmer ang natapos niya ng luto.
Malaki narin ang pusang kinupkop ko. Nagpakarga ito sakin pagkauwi ko ng apartment. Ngumiyaw ito hudyat na gutom na siya. Pinakain ko ito ng dala kong ulam para sakanya. Kumain na ako kanina sa karinderya.
Habang nakahiga na sa kama, naisip ko si Dwight. Bakit niya ako kinuha na maging modelo niya na samantalang galit siya sakin? Baka naman kase, may binabalak siyang masama sakin.
Wala akong photoshoot sa mga sumunod na araw. Nagtrabaho ako sa karinderya ni Ate Linda. May mga nakakakilala na sakin na customer.
"Diba, ikaw 'yung model sa isang magazine?" tanong ng lalake.
"Sa ano pong magazine?" tanong ko.
"'Yung Bright ba 'yun?" hindi niya siguradong sagot.
Baka nga, ako talaga. Kase may minodelo ako doon na damit.
"Ah opo." sagot ko.
Sa sumunod na linggo ay binalita na nga sakin ni Jazz na nailabas na ang minodelo kong wine na bagong brand sa kompanya ni Dwight.
May halong kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit.
Kagabi pa pala raw naganap ang unveiling at ngayon lang namin nakita na nasa tabloid na.
May mga nakaabang naman na photoshoot para sakin. At heto ang kauna-unahang outdoor photoshoot ko. Sa Palawan daw ang shoot.
Dalawang araw kami doon. Naninibago ako sa paligid, kase naman sanay ako sa gubat pero ngayon nasa dagat ako. Ang pinasuot nila sakin ay swim suit. Sunod-sunod ang flash ng camera habang may hawak akong salbabida. Ngumingiti ako habang nakatanaw sa dagat sabay kinukuhanan nila ako ng stolen pictures.
Nang nakabalik na kami ng Maynila, isang araw, sinabi sakin ni Jazz na pinapatawag ako ng Del Mundo corp. Baka daw may i-oofer ito sakin.
Ayaw ko man, pero napilitan akong magpunta. Sundin ko nalang ito, baka kapag hindi ko sinunod si Dwight, ipapatay niya ako.
Hapon, nang nandito na ako sa harapan ng kompanya ni Dwight. Malakas ang kabog ng dibdib kong pumasok ng lobby. Nagtanong ako sa information desk kung saan ang office ng CEO.
May tinawagan ang babae sa telepono at tumango naman siya. Niyaya na ako ng babae at sumakay kami ng elevator. Habang tumatagal, palakas na ng palakas ang kalabog ng puso ko. Para akong nauubusan ng hininga.
Tumigil ang elevator sa 18th floor at lumabas na kami.
"This way, Ma'am." giya niya sa isang pinto.
Humugot ako ng malalim na hininga at kumatok na.
"Come in." rinig kong baritonong boses. Umalis na ang ang babae, gusto ko sana siyang tawagin na sumama siya sakin sa pagpasok ng opisina.
Humugot ulit ako ng malalim na hininga at pumasok na.
Nakita ko si Dwight na nakahalukipkip na nakatalikod pa sakin. Nakatanaw siya sa malaking glass wall na tanaw ang kalakhan ng Maynila.
"Uhm, b-bakit mo ako pinapatawag?" nauutal kong tanong.
Humarap na siya sakin. Kumalabog ng husto ang puso ko nang magtama ang aming mga mata.
"I found your fucking monkey."
Parang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Sana hindi siya nagbibiro.
"Ibabalik ko siya sayo, in one condition," aniya.
"A-ano 'yun?"
"Leave for modeling and work here as a janitress."
***