Chapter 33

279 13 0
                                    

Nagising ako sa kalabit ni Mire sa tabi ko. Huminto na pala ang bus at nagsisibabaan na ang mga pasahero. Bumaba na kami ni Mire na maraming napapatingin samin.

"Wag kang lumapit sa unggoy, baka mangagat yan." saway ng matandang babae sa bata.

Inilibot ko ang paningin ko. May mga nagbago na sa bayang ito. May mga nagsulputang establisyimento.

Sa wakas at nakabalik narin ako.

Kumain muna ako sa karinderya, at si Mire naman ay binilhan ko ng saging na makakain. Matapos kumain ay sumakay na kami sa isang tricycle patungo doon sa dulo ng bayan.

Makalipas ang mahigit kalahating oras ay narating ko na ang lagusan sa loob ng kagubatan.

Maraming katanungan sa isip ko.

Kamusta na kaya ang mga magulang ko? Ang mga kaibigan ko? Ang tribo?

Nadatnan ko roon ang isang lalake.

"Nasaan po si Mang Estor?" tanong ko.

"Wala na siya. Ako na ang pumalit sakanya." sagot ng lalake.

"Ah, ganun po ba?"

"Magpapahatid ka ba sa tribo niyo?" tanong niya at tumingin kay Mire.

"Malaki ka na pala." biglang lumayo ang unggoy sakanya nang hahawakan sana ito.

"Opo sana." sagot ko kung magpapahatid ako.

Umangkas na kami ni Mire sa kabayo. Buti nalang at maliit ang maleta kaya madali lang itong bitbitin.

Kumakabog ang dibdib ko habang papalapit na kami sa tribo. At nang matanaw ko na ang kabahayan sa tribo ay kumalabog ang puso ko sa kaba.

May mga lumapit na samin na mga katribo. Kabababa ko palang ng kabayo ay sinalubong ako ng yakap nila Esang.

"Namiss ka namin, Thalia." si Aida.

Pagtingin ko sa mga katribo ay nakatingin lang sila sakin na walang ekspresyon. Nahawi sila at si Ina ang sunod kong nakita.

Nakangiti si Ina na lumapit sakin. Siya ang pumalit sa yakap ni Aida sakin.

"Bumalik ka." naluluha niyang sabi.

Ngumiti ako. Parang natutunaw ang puso ko sa pagtanggap nila muli sakin.

"Nasaan po si Ama?" tanong ko nang kumalas na sa yakap.

Umiling siya, naluluha. "Wala na ang ama mo."

Parang nadurog ang puso ko. Hindi ako makapaniwala.

"Nakulong siya at doon na namatay, pinatay siya ng mga kapwa niya preso."

"B-bakit po siya nakulong?" naluluhang tanong ko.

"Pinakulong siya ng lalaking bihag sa pagpatay sakanyang nobya."

"At doon na namatay ang ama mo sa kulungan, pinatay siya ng walang kalaban-laban." Umiiyak si Ina at nagyakapan kami muli. Parang pinipiga ang puso ko.





Nagdaan ang mga araw na nanatili ako sa tribo. Maraming nagbago at napansin kong wala na silang ginagawang orasyon, parang nawala na ang paniniwala nila sa diyos-diyosan. Sa paglisan ko sa lugar na ito ay madami akong natutunan na ang kanilang sinasamba ay hindi totoong diyos. Parang nagbago ang pananampalataya ko mula nang lumisan ako dito sa tribo.


Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now