Kinabukasan, Nagulat ako nang sinabi sakin ni Dwight na pinakidnap niya si Lester sa mga tauhan niya upang mapaamin kung nasaan si Mire. Sumama ako sakanya kung saan niya kinidnap si Lester. Nakarating kami sa isang warehouse.
Dala ng anim na tauhan nito si Lester na nakagapos ang mga kamay at marahas na pinaupo sa silya. Parang hindi na siya nagulat nang makita kami ni Dwight.
"Nasaan si Mire?" galit kong tanong.
Ngumisi lang si Lester at hindi nagsalita.
"Nasaan siya?" Hinila ko ang damit niya.
"Patay na ang alaga mo." madiin niyang sabi.
Lumapit na si Dwight na umiigting ang panga.
"If you don't answer my question, I will torture you. I will kill your pet too." madiing sabi ni Dwight.
Nagtawanan naman ang mga tauhan niya.
"Nasaan si Mire?" seryoso niyang tanong.
"P-pinatay ko na siya sabi." nangangatal na sagot ni Lester.
Kumikirot ang dibdib ko sa sinasabi ni Lester. Nahihirapan akong huminga dahil sumisikip na ang dibdib ko.
"Alright, men, start torturing him."
May hawak ng balisong ang isang tauhan at sinimulan ng buksan ang zipper ng pantalon ni Lester.
"Teka, wag.." Nagpupumiglas na si Lester habang binababa na ang kanyang pantalon.
"Thalia, go outside." Binalingan ako ni Dwight. Mababakas sa itsura niya ang galit.
Kahit papaano ay may awa rin ako.
"Dwight, wag mong gawin sakanya 'to." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Thalia, lumabas ka muna, ako na ang bahala sa lalaking 'to."
Hinigit na ako ng ilang tauhan ni Dwight.
Kinakabahan ako para kay Lester. Hindi ko ito ginusto na pahirapan siya. Ang sa akin lang naman ay aminin niya kung saan niya tinapon si Mire.
"Wag... aamin na ako."
Rinig ko ang tawanan ng mga tauhan.
"Yun naman pala ang magpapaamin sayo eh." sabi ng isang lalake.
"Ang liit na nga ng alaga mo, ipapaputol mo pa."
Nabalot ng tawanan ang loob ng warehouse.
Kasalukuyan naming sinusundan ang isang puting van sakay si Lester, itururo na nito kung nasaan si Mire. Nagkaroon na ako ng pag asa na buhay si Mire. Mahigit kalahating oras nang narating namin ang isang kakahuyan.
"Dito ko tinapon ang unggoy." si Lester na hawak siya ng mga tauhan ni Dwight.
"Nasaan ang unggoy? Buhay ba ito o pinatay mo?" tanong ng isang tauhan.
"Buhay siya." anito.
Nagliwanag ang mukha ko nang matanaw ko na si Mire na bumaba sa isang punong-kahoy at gumapang ng mabilis patungo samin. Sumampa ito sakin at niyakap ako habang humihiyaw. Gumaan na ang pakiramdam ko. Simula ngayon, hindi na ako papayag na magkawalay kami.
Habang nasa sasakyan,pinagpaplanuhan ko na kung saan ko ipapatira si Mire nang magsalita si Dwight.
"I have already found an apartment that can accommodate animals."
"Talaga? Saan?" masigla kong sabi.
Dinala niya ako doon. Namangha ako sa laki ng apartment. Parang doble pa sa apartment na tinitirhan ko. Sabi ng landlady ay puwede na akong tumira dito. Mura lang ang upa. 1000 every month. Kasali na doon ang kuryente at tubig. Atsaka may backyard pa na pwede sa hayop.
"Marang salamat." ngiting sabi ko kay Dwight.
Parang may sasabihin naman siya na hindi niya masabi.
"Welcome."
"Naabala na yata kita." sabi ko.
"I don't mind."
"Kunin na natin ang gamit mo."
"Kahit ako nalang, konti lang naman yun e."
Tinulungan niya parin ako. Papunta na kami sa apartment ko. Sobra ng abala ang pagtulong niya sakin hanggang sa nagsalita siyang nakapagkalabog ng puso ko.
"Salamat talaga ah, siguro kung hindi mo ako tinulungan, hindi ko na makikita pa si Mire."
"Para saan pa na naging girlfriend kita."
"Girlfriend?"
"Yes. I am your boyfriend."
Hindi ako makapaniwala, para akong lumulutang. Parang kailan lang, iniisip kong hirap siyang maabot, tapos ngayon boyfriend ko na siya.
Kinabukasan, lumabas na ako ng bagong apartment ko nang nakita ko si Dwight na nakasandal sakanyang kotse. Wearing his business attire.
Hinatid niya ako sa trabaho. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao sa labas ng building.
And there she is, Rica with her sarcastic smile.
"Congratulations." sarkastiko niyang sabi.
"Mapapasana-all nalang talaga ako." mapait niyang sabi.
"See you later." Bumaling sakin si Dwight, hindi pinansin si Rica.
"Wew! Paasa ka rin eh no." si Rica kay Dwight.
"I told you before that I don't like you."
Suminghal naman si Rica sa sinabi ni Dwight.
"So, ginawa mo akong tulay para mapalapit kay Thalia?"
"Yes." diretsang sabi ni Dwight.
"Baby, call me kapag uwian niyo na." Bumaling siya sakin. Tumango nalang ako. Kinakabahan ako sa tensyon na ganito.
Sumakay na siya sa kanyang kotse at umalis na. Tinanaw ko nalang ang kotse niyang papalayo.
Tinalikuran ko na si Rica pero pinigilan niya ang braso ko.
"Hindi pa tayo tapos, malandi ka." madiin niyang sinabi. Binangga niya pa ang balikat ko bago ako nilampasan papasok ng building.
"Totoo ba ang Chismis na kayo na ni Mr. Del Mundo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jazz pagkarating ko. Si Ms. Dy naman ay naghihintay ng sagot ko.
Napalunok nalang ako. Hindi alam ang isasagot.
Tinapik ako sa balikat ni Jazz.
"Grabe ka, nabingwit mo ang one of the hottest bachelor here in the philippines."
"Anong nabingwit? Inagaw niya sakin ang Dwight ko." singit ni Rica na nakahalukipkip.
Tumango naman ang mga kaibigan niyang modelo.
"Hindi ko naman ito ginusto na maging kami." giit ko.
"So, kayo nga?" tanong ni Ms. Dy.
Hindi parin ako nakasagot.
Napalakpak ang dalawa, parang kinilig. Kita ko sa gilid ng aking mga mata si Rica. Inirapan ako at marahas niyang hinawi ang kanyang buhok
"Kawawa naman pala si Lester, pinaasa mo." sabi ng isang babaeng modelo.
Naguilty ako bigla.
Aaminin ko, kasalanan ko na pinaasa ko siya, pero mali ang ginawa niyang itapon si Mire.
Dumating na bigla si Lester. Para siyang anghel dahil natahimik ang buong paligid. Bumaling siya sakin. Ang kanyang mga mata ay puno ng galit sakin.
***