Chapter 9

316 10 0
                                    

Sa sumunod na araw ay muli akong naglako ng miryenda sa gusali kung saan ko nakita si Dwight. Pasulyap-sulyap naman ako sa loob ng gusali.

"Hi, Thalia, buti bumalik ka." nakangiting bati sakin ng lalake. Siya 'yung nagtanong sakin kung ano ang pangalan ko.

"Pabili ako nyan," aniya at binigyan ko siya ng tinda kong toron sabay bigay niya ng isang libo. Kumunot ang noo ko dahil wala akong panukli nito.

"Keep the change." sambit niya sabay kindat.

"Ah, eh nakakahiya naman sayo, malaking pera ito." sabi ko.

"Haist! Sige na, tanggapin mo na 'yan.." aniya sabay hawak sa kamay kong may hawak ng pera.

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sayo, ako si Jordan," pakilala niya.

Ngumiti nalang ako. May lumapit naman samin na babae. Nakasuot siya ng pormal na kasuotan para sa mga babaeng nagtatrabaho sa opisina.

"You're so cheap talaga, Jordan, pumapatol ka sa mga babaeng mukhang pulubi." sambit ng babaeng lumapit samin.

Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya. Napatingin ako sa katawan ko. Hindi naman ako madungis. Nakasuot ako ng simpleng t-shirt at palda.

"Grabe ka naman, ang ganda niya nga eh." giit ni Jordan.

"Duh!" Tinaasan nalang ako ng kilay ng babae at muli siyang pumasok ng gusali.

"Sorry sa sinabi niya ah, inggit lang 'yun kase mas maganda ka." pampalubag niyang loob.

Ngumiti nalang ako ng pilit. "Sige, ilalako ko pa ito." paalam ko.

"Bumalik ka ah." pahabol niyang sinabi nang naglalakad na ako.

Nabigo na naman ako sa araw na ito. Naglibot-libot kase ako sa palengke habang naglalako ng miryenda, habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag asang mahanap pa si Mire. Baka may kumupkop na sa kanya, o kaya naman hinuli siya at dinala sa Zoo.

Pinakain ko ang pusa pagkauwi ko ng apartment. Nalulungkot talaga ako sa pagkawala ni Mire. Napabuntong-hininga na lamang ako habang hinahaplos ang balahibo ng pusa.

Pinalako ulit ako ni Ate Linda ng miryenda ng hapon sa sumunod na araw. Rice puto naman ngayon ang pinalako niya sakin. Wala na sana akong balak pang bumalik sa gusaling yun, pero parang may nagtutulak sakin na bumalik pa doon.

Napatalon ako sa gulat sa sasakyang bumusina sa likuran ko. Mabilis naman akong napagilid. Laglag ang panga ko nang makita ko na si Dwight na bumaba sa magarang sasakyan. Ang pormal ng kanyang suot at ang linis niyang tingnan. Kumabog ang dibdib ko nang magtama na ang aming mga mata. Para akong naubusan ng hininga. Sumingkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin. Parang kinakabisado niya ako.

Napaatras ako dahil habang tumatagal ng tingin niya ay nanlilisik na ito. Muntik pa akong matalisod, buti nalang ay napahawak ako agad sa may poste.

Pagbalik ko ng tingin sakanya ay naglalakad na siya patungo sa loob ng matayog na gusali.

Patuloy parin sa pagkabog ng dibdib ko. Nakaka intimidate ang presensya niya. Ibang-iba siya sa nakilala kong bihag namin. Ngayon, nagsusumigaw ang kanyang tingin at tindig ng isang makapangyarihang tao.

Hindi na ako bumalik sa gusaling 'yun sa sumunod na araw. Sa ibang lugar naman ako naglako ng kakanin. May nakita naman akong unggoy sa isang pet shop, kalong-kalong ito ng nagbabantay. Inakala kong si Mire ito, ngunit hindi pala. Hawig niya kase si Mire.

Tinanaw ko sa malayo ang matayog na gusali kung saan ko nakita si Dwight na pumasok. Ano kaya ang nasa isip niya ng magkita kami kahapon? Akala niya ba ay ipapakuha ko siya sa ka-tribo? O hinanap ko siya dito sa Maynila upang humingi ng pera bilang pabuya?

Hindi ko nga inaasahan na magtatagpo pa ang mga landas namin, sa laki ba naman nitong Maynila.

Madilim na habang naglalakad ako sa kalsada nang biglang may tumigil na van. Bumaba ang dalawang lalake na naka-mask at mabilis na lumapit sakin. Ginapangan naman ako ng kaba sa dibdib. Tatakbo na sana ako nang tinakpan ng tela ang bibig ko dahilan upang mawalan ako ng malay dahil sa amoy nito.

Nagising ako at namalayan ko ang sarili na nakaupo at nakagapos ang mga kamay at paa. Luminga ako sa paligid habang nagpupumiglas na ako sa taling nakagapos sa kamay ko. May pumasok na isang lalake at may tinawag ito sa labas.

"Ser, gising na siya."

Pumasok na ang isang lalake, hindi ko pa maaninag masyado ang kanyang itsura hanggang sa nakalapit na siya ng tuluyan sakin.

Nanlaki ang mga mata ko.

"I-ikaw?"

"Oo, ako nga, ang ginawa niyong bihag noon sa walang kwenta nyong tribo." mariin niyang sinabi.

Napalunok ako at hindi makapagsalita.

Hinawi niya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko at tinapik-tapik niya ang pisngi ko.

Kita ko ang kanyang pag igting ng panga habang nakatitig sakin.

"Sinundan mo ba ako dito sa Maynila? At ipapahuli sa tribo mo?" tanong niya, may bahid ng sarkasmo.

"Hindi. Hinahanap ko si Mire, napunta siya dito sa Maynila."

Natatawa naman siyang umiling.

"You liar! Alam kong hinahanap mo ako at hihingan ng pera!" mariin niyang sabi.

Umiling ako, nangingilid na ang mga luha.

"Fuck your fake god! Fuck your cult! Fuck your tribe! I fuck all of you! Son of the demon shit!" malutong niyang sinabi habang diniinan ang pagpisil sa pisngi ko ng kanyang isang kamay. Sobrang sakit ng pagpisil niya, para siyang nanggigil sakin.

Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Heto na yata ang katapusan ko. Hindi malabong patayin niya ako dahil sa mga kasalanang nagawa namin sakanya.

Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko kayang manlaban pa, pababayaan ko na ang sarili ko kung ano man ang gagawin niya sakin. Ako ang magiging kabayaran sa lahat ng pasakit na ginawa sa kanya ng tribo.

"P-patayin mo nalang ako, b-bilang kabayaran." ikbi ko. Nakayuko ako at patuloy sa pag agos ng mga luha ko.

"T-tatanggapin ko ang parusa mo, p-patayin mo na ako.." pagmamakaawa ko. Total, wala namang silbi ang buhay ko sa mundong ito. Wala na akong pamilyang makakapitan at tinakwil na ako ng tribo.

Napatalon ako sa gulat nang may binalibag siyang mga kahon sa gilid. Nagwawala siya. Nangangalaiti. Sobrang bangis, kasing bangis ng isang leon na galit na galit.


***

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now