Chapter 2

516 7 0
                                    

Nagtipon-tipon kaming lahat kung saan nakatali ang lalakeng bihag sa may puno. Maputla na ang lalake pero sa kabila nun ay matapang parin siyang nakatingin samin.

Sumampa sa balikat ko si Mire at nag iingay siya.

"Shhh..." saway ko sa unggoy na maingay sa balikat ko.


"Ayaw mong kumain? Sige. Mauuna ng mawawala sayo ang pagkalalaki mo." sabi ni Ina.


Nagtawanan naman ang buong tribo. Ako hindi. Ewan ko ba, parang kinakabahan ako sa sasapitin ng lalakeng ito.


Tumalim ang mga mata ng lalaking bihag at parang anumang oras ay mananakit kapag nakawala.

"Sayang siya." rinig kong sabi ni Aida na nasa tabi ko.

"Pwede bang magpalahi muna ako sa kanya?" mahinang sabi ni Esang na nasa kabila ko.

"Akin na ang itak." utos ni Ama sa may hawak ng itak. Nang mahawakan ni Ama ang itak ay ngumisi siya.


Mabilis na nahubad pababa ni Ama ang pantalon ng lalake at pang ilalim nitong suot.


"Ay, sayang talaga." usal ni Aida.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagkalalaki nito. Hinawakan ni Ama ito at sinakal ng kanyang kamay.


"Oh no.. pwede bang ako na lang humawak niyan?" rinig kong sabi ni Esang.


Nagwala ang lalake at nagsisisigaw na.



"MGA HAYOP KAYO!" mariing sigaw nito. Ang mga mata niya ay namumula na at ang kanyang ugat sa leeg at sa braso ay lumilitaw na dahil sa matinding galit.



Napalunok na lang ako sa kaba. Parang gusto kong tumutol sa gagawin ni Ama.


Nang akmang dumampi na ang itak sa ari ng lalake ay napasigaw ako ng "Wag!"


Nagsilingunan silang lahat sa akin. Pati ang unggoy na si Mire ay napalingon sakin. Parang nagliwanag naman ang mukha ni Aida at Esang.


Bumuntong-hininga ako at lumakad papalapit kay Ama.


"Bakit, anak?" tanong ni Ina.


"W-wag naman po nating siyang abusuhin ng ganyan, baka ikamatay niya ang gagawin niyo at hindi na siya umabot ng eklipse." wika ko.


Nagkatinginan sila Ama at Ina na parang nag usap sa pamamagitan ng kanilang mga mata.


Tumango naman si Ama. Si Ina naman ay hindi pa sang ayon sa sinabi ko.

"Mamamatay naman siya sa gutom kaya kailangan sapilitan natin siyang pakainin." giit ni Ina.

"Sige, pagbigyan pa natin siya ng ilang araw, kapag sa oras na nangangayayat na siya dahil sa gutom, itutuloy ko ang naudlot ngayon." sabi ni Ama.



Napatingin ako sa lalaking bihag at nakita ko sa mga mata niya ang pungay nito. Tumalikod na si Ama nang itinaas na nito ang suot sa ibaba ng lalake.



Tumalikod na rin ako. Parang hindi ko kayang makipagtitigan sa lalake.


Nagmamaktol naman sakin si Mire na nasa balikat ko, baka dahil doon sa pagpigil ko sa gagawin sana ni Ama.


"Hoy! Mire, alam ko ang nasa isip mo, hindi yun saging." sabi ni Aida.


"Nasasayangan kase siya, akala niya ipapasubo sa kaniya 'yun." inosenteng sabi ni Esang.


Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now