Chapter 17

289 10 0
                                    

"Talaga?" tanong ko. Lumayo kami kay Lester na nagtatataka na magkakilala kami ni Dwight.

"Just kidding."

Sumimangot naman ang mukha ko. Talagang may gana pa siya magbiro. Pinanlisikan ko siya ng aking mga mata.

Ngumiting aso naman siya.

"Ba't ka galit? Dahil naudlot ang paghahalikan niyo ng lalaking yun?"


Umiling nalang ako at tinalikuran na siya. Rinig ko pa ang kanyang pagtawa. Grr..


"Magkakilala kayo?" tanong ni Lester nang makalapit na ako sakanya.

"Oo. Nagtrabaho ako dati sa kanyang kompanya." sagot ko at tumango naman siya.

Nagpasya na akong umuwi at hinatid ako ni Lester.


Nagbeach outing naman kami sa Coron, Palawan sa sumunod na araw.  Sumakay kami ng eroplano papunta rito. Yun ang kauna-unahan kong pagsakay sa eroplano. Nakakaenjoy siya. Para akong ignorante pagkasakay sa eroplano. Para kasing lumilipad ka habang tanaw ang kalupaan.

"Hay, sana maraming pogi rito." sabi ni Jazz na pinapaypay ang kanyang sarili.

Tinanaw ko ang dagat. Naalala ko ang mga katribo. Sa dulo ng kagubatan ay karagatan ang bubungad. Dito kami minsan nagsasayang maligo.

Nagcheck in naman kami sa isang hotel resort. Tatlong tao kada sa isang kwarto. Buti naman at di ko kasama sa isang kwarto ang babaeng mainit ang dugo sakin.

Narinig ko sakanya kanina na susunod daw si Dwight. Kinikilig habang kinukwento sa mga babaeng modelo.

Naisip ko lang, yung babaeng sexy at maganda na nakikita kong kasama niya sa kanyang kompanya. Hiwalay na kaya sila? O pangalawang babae itong si Rica. Napailing nalang ako saking naiisip. No doubt, mukha palang ni Dwight, babaero na ang datingan.

"Swimming na tayo." si Lester na bumungad sakin pagkalabas ko ng hotel room. Nakatrunks nalang siyang suot.

Tumango naman ako.

"Teka, yan na ang suot mo?" tanong niya habang pinapasadahan ang suot kong t-shirt at maikling maong short.

"Oo, bakit may problema?" tanong ko.

"Hay naku! Umaasa kasi yan na magbibikini ka." Lumabas ang dalawang babae na kasama ko sa kwarto. Mga nakasuot na sila ng bikini.

"Ayaw ko magsuot ng bikini. Gusto ko kapag kailangan lang sa photoshoot." paliwanag ko.

Tumango naman siya at niyaya na akong magswimming.

Hinanap ko sila Ms. Dy at Jazz at nakita silang nasa sun lounger na naglalagay ng lotion sa kanilang katawan.

Hinigit na ako ni Lester sa dagat at doon ay nagswimming kami.

"Doon tayo." turo ko sa malayo.

"Woah! Marunong kang magswimming?" tanong niya.

Tumango naman ako. Sa ilog ako natutong lumangoy. Naalala ko na naman tuloy ang mga kaibigan ko sa tribo na sina Baron, Aida at Esang.

Sumisid ako sa ilalim ng dagat, iniwan ko na si Lester. Pag ahon ng ulo ko ay ang nag aalalang mukha ni Lester ang natanaw ko.

"What?" tanong ko. Napakamot nalang siya ng ulo.

"Malalim na dyan, hindi ako marunong lumangoy." aniya.

Hindi naman kami nagtagal sa paglangoy. Habang umaahon ako sa dagat habang naglalakad ay natanaw ko ang pamilyar na lalaki na mariin ang titig sakin.

Inayos ko ang buhok ko at napayakap sa sarili. Nilamig ako bigla dahil sa malakas na ihip ng hangin.

"Wait lang, kuhanin ko lang yung polaroid ko, magpipicture tayo." Tumakbo si Lester patungong hotel.

Tinanaw ko si Dwight na kausap na ang nakabikining si Rica, pero pasulyap-sulyap siya sakin.

"Ibang klase din pala ang alindog nitong si Rica, nanliligaw sakanya ang one of the hottest bachelor here in the Philippines." sabi ni Jazz na nasa sun lounger padin kausap si Ms. Dy.

"Pero umaasa parin ako na ako ang magugustuhan niya."

"Magising ka sa reyalidad, wake up Justano." sabi ni Ms. Dy.

"Madam, wag mo naman babanggitin ang real name ko."

Muli kong tinanaw si Dwight na nakatitig na sakin, sa katawan ko. Nanginginig na talaga ako sa lamig.

"Oh, nilalamig ka Thalia, ang init-init kaya." pansin sakin ni Jazz.

Bumalik na si Lester dala ang kanyang polaroid at towel. Binalot niya sakin ang tuwalya.

"How sweet, parang may namumuong loveteam sa mga model natin." sambit  ni Jazz. Makahulugan naman siyang nginisian ni Lester.

Lumayo na kami ni Lester sa kanila at bumalik sa dagat. Doon ay nagpicture taking kami. Nilapit niya pa ang kapwa naming modelo na lalake at ginawa niyang photographer.





Gabi nang nakayakap parin ako saking sarili. Katatapos lang naming kumain sa isang resto. Bumalik lang ako sa hotel room para magbihis. Nilalamig parin ako kahit summer. Pagkabukas ko ng pintuan ng hotel room ay siyang pagbungad naman ni Dwight. Sa tapat namin siyang kwarto. Mag isa lang ba siya dyan o kasama niya si Rica? Sumilip tuloy ako sa loob ng hotel room niya.

Nakita ko ang pigil ngiti niya.

Inirapan ko siya bago maglakad. Naramdaman kong nakasunod siya sakin.

"Have you seen Rica?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

Sumakay na ako ng elevator at pumasok din siya. Pinindot ko na ang ground floor. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot samin.

Nang bumukas a g elevator ay dire-diretso akong lumabas na ng hotel at hinanap ang mga kasama ko. Nasaan kaya ang mga yun?

"Thalia!" rinig kong tawag sakin ni Lester.

Nandun pala sila sa isang cottage. Lumapit na ako sa kanila. Pansin ko na nakatingin silang lahat sa likuran ko.

"Hi, Mr. Del Mundo. Kumain ka na ba?" tanong ni Ms. Dy.

"Yes. Sa hotel room." rinig kong sagot ni Dwight.

Kita ko ang pag usod ng mga babae para patabihin si Dwight at Rica. Ako naman ay nakisiksik kay Lester.

Nagkuwentuhan naman sila. Panay ang tanong nila kay Dwight. Kita ko si Rica na parang lintang nakadikit kay Dwight.

"I've heard the news na may pinapahanap kang unggoy na may reward na 3 million pesos, is it true?" tanong ni Ms. Dy.

Kumabog ang dibdib ko. Pinapahanap na unggoy? Si Mire?

"Yes." tipid na sagot ni Dwight.

Nagtanguan naman sila. Ang iba mukhang nawierduhan.

"Your pet?" malanding tanong naman ni Rica.

Ewan ko ba, at palakas na ng palakas ang pintig ng puso ko. Ayaw kong malaman nila na unggoy ko ang pinapahanap niya.

Pasimpleng sumulyap sakin si Dwight. Nag iwas naman ako ng tingin.

"Yes. She is a wild pet." aniya.

Buti naman hindi niya ako tinuro.

Pero, what the hell! 3 million para sa isang unggoy?

"I wanna see your wild pet then, if you found her na." si Rica.




***



Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now