Chapter 5

369 8 0
                                    


Napatalon ako sa gulat nang bumagsak ang lalaking bihag sa lupa. 'Yun pala ay tinamaan siya ng patalim sa binti. Pilit siyang bumangon pero nakalapit na sa kanya ang mga lalakeng katribo at hinawakan siya sa kamay at paa. Hinugot ang patalim sa kanyang binti. Rinig ko naman ang palahaw ng lalake.

"Akala mo, makakatakas ka ah." saad ni Mang Celso.

Nagtawanan naman ang tribo. Ako, tahimik lang. Nakaramdam ako ng awa sa bihag. Patuloy sa pagdurugo ng kanyang kanang binti na tinamaan ng patalim.

"Anong nangyari?"

Nagsihawian kami nang dumating sila Ina.

"Makakatakas na sana siya, buti na lang ay naalerto ako at tinapunan ko siya agad ng patalim." saad ng isang katribo.

Nararamdaman ko naman ang hinagpis ng lalaking bihag. Awang-awa na ako sa kanya.

"Kailangang doblehin ang pagbantay sa kanya." sabi ni Ama.

"Gamutin na ang kanyang sugat." sabi ni Ina at ako naman ang nagpresinta na gagamot sa lalake. Tinali muna ang mga kamay ng bihag sa puno bago sila umalis.

"Mag ingat ka Thalia, baka saktan ka niya." paalala sakin ni Baron bago umalis patungong taniman. Si Aida at Esang naman ay nagpaalam na magtatanim sila.

Dinikdik ko ang halamang gamot, ang lunas sa pagtigil ng pagdurugo sa sugat. Pinunit ko ang parte ng pantalon na tinamaan ng patalim at bumusangot ang mukha ko nang makita ang sugat na patuloy sa pagdurugo. Napadaing siya sa sakit nang binalot ko ang halamang gamot sa kanyang sugat at binalot ko ng tela ang binti.

Napaiwas nalang ako sa mariing tingin ng lalake sakin.

Hapon, nang matapos ng ayusin ang kulungan ng bihag. Inilipat na siya muli doon at tinali ang isang paa. Para namang hayop ang ginagawa nila sa bihag, naaawa ako sa lalake pero pinapakita ko na wala lang sakin 'yun. Kase kapag nakita ng tribo na may awa ka, magdududa sila na baka itakas mo ang bihag.

"May nakita akong naaagnas ng bangkay doon sa gilid ng ilog." balita ni Mang Celso.

Nanlaki ang mga mata ko at kinilabutan. Gulat din ang mga katribo.

Mga ilang metro pa ang layo bago namin matunghayan ang naaagnas nga na bangkay. Napatakip nalang ako sa ilong dahil sa masangsang na amoy nito. Na identify namin ang bangkay na isang babae. Hindi na namin makilanlan ang mukha ng babae.

Marahil ay naligaw ito, galing siya sa mataas na lupa at nahulog rito. Naumpog ang ulo sa bato at nawalan ng malay.

Tiningnan naman nila ang laman ng bag ng babae.

"Heto, may I.d siya." si Mang Lito.

Binasa ko naman ang pangalan niya.

Stephanie Carlos.

"May cellphone." Nilahad ni Baron kila Ina ang nakuha niya sa bag. Kinuha ko naman kay Ina at binuksan.

At nang buksan ko 'to, tumambad ang larawan ng lalaking bihag at nitong babae. Sa larawan ay hinalikan ng lalaking bihag ang babae sa pisngi.

"Magkasintahan sila." sabi ni Baron.

Nagulat ang lahat at tiningnan din nila ang cellphone.

Bumalik na kami, naiwan naman ang iba na maglilibing sa bangkay. Maghuhukay sila at doon ililibing ang bangkay.

"Wow! Ang ganda at ang gwapo." manghang sabi ni Esang at Aida nang ipakita ko sa kanila ang larawan sa cellphone.

"Siguro, boyfriend niya itong bihag." sabi ni Aida.

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now