Chapter 3

440 9 0
                                    

"Bibigyan kita ng maraming pera, mas marami pa kesa sa sinasamba niyong Bathala." marahan niyang sabi nang inabutan ko siya ng pagkain kinaumagahan.

Binalewala ko lang ang sinabi niya. Kahit pa marangya ang buhay niya ay hindi ako masisilaw sa pera niya dahil ang kayamanan ko ay aking pamilya.

"Buti naman at kumakain na ang bihag." sabi ni Ina nang makabalik na ako sa bahay kubo. Abala naman siya sa pag nganga.

Kumunot ang noo ko nang matanaw si Ama na nasa loob ng kwarto na sapo ang kanyang dibdib.

"Sumasakit na naman ang kanyang dibdib." sabi ni Ina.

"Ama, uminom ka na po ba ng halamang gamot?" tanong ko.

"Oo, uminom na ako." sagot niya habang sapo parin ang kaniyang dibdib.

Dinaluhan ko naman siya at hinagod din ang kanyang dibdib. Gusto ko sana siyang sabihan na magpacheck up siya sa doktor ngunit pagagalitan niya na naman ako. Hindi kase siya naniniwala sa mga sinasabi ng doktor. Aniya, pineperahan lang nila ang taong may sakit, at hindi naman doktor ang nagpapagaling kundi ang Bathala.

Namulat ako sa mundong ito na sa pangangaral ni Ama na si Bathala ang tanging gabay at pag asang mag aahon samin sa kahirapan. Kung ano ang kanyang hingin ay iaalay namin. Ayon kase sa banal na kasulatan ng tribo na kapag matatakpan ang araw ng buwan ay simbolo ng panibagong pag asa at masaganang buhay.

Inutusan ako ni Ama na sabihan ang mga katribong nagsasasaka doon sa taniman na anihin na ang mais. Malalagong talahiban muna ang madadaanan bago makapunta sa taniman. Kumaway sakin si Baron habang papalapit ako sa kanila. Malawak ang maisan, nakita ko ang mga malalagong mais na malapit ng huminog.

"Utos ni Ama na anihin na raw ang mais." sabi ko kay Baron na tagaktak ang pawis at pinapaypay niya ang sarili gamit ang kanyang sumbrerong buri.

Ngumiti siya at tumango sakin.

"Wag mong kakalimutan ang date natin bukas ah." aniya bago ako umalis.

Kumunot naman ang noo ko. Oo nga pala, naalala ko na na nagyaya pala siyang magdate kami sa bayan.

Sinalubong naman ako ni Mire na nasa labas ng bahay kubo. May kagat-kagat itong id. Siguro nakuha niya ito sa bag ng lalaking bihag. Kinuha ko naman ang id at nakita ang pormal na larawan ng lalaking bihag.

Dwight Del Mundo.

"What's that?" biglang bungad ni Aida at tiningnan din ang id.

"Ahh, so Dwight Del Mundo pala ang tunay na pangalan ni pogi." aniya.

"Akin na 'to." inagaw sakin ni Aida ang id at siniksik sa kaniyang bulsa.

"Nga pala, maglalako kami ni Esang ng mga binurda naming bag, sasama ka sa bayan?" tanong niya. Tumango na lang ako. Maglalako rin ako ng mga pitaka na gawa sa abaca. Nagtulong kami ni Ina sa paggawa nito.

Ilang minuto lang ay handa na kami nila Aida at Esang na maglako ng aming ibebenta. Ito ang aming minsang hanap-buhay bukod sa pagtatanim at pag aalaga ng mga itik, kambing at baboy-ramo.

Bago umalis ay nagpaalam ako sa mga magulang ko at binigyan ko ng pagkain ang lalaking bihag na Dwight pala ang pangalan. Pinasok ko sa maliit na bintana at nilapag ko ang plato na may lamang pagkain at isang boteng tubig sa damuhan sa loob ng kanyang kulungan. Pagtingala ko, nagtama ang aming mga mata. Umiwas naman agad ako ng tingin.

"Bye, Dwight." paalam ni Aida.

"Huh? Anong Dwight?" takang tanong ni Esang.

"Pangalan niya 'yun." sagot ni Aida.

Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now