"Happy birthday son, how are you today?" sabi ng babae sa kabilang linya. Sinagot ko ang telepono sa kwarto ni Dwight. Kase naman kanina pa ito nagri-ring.
"Katulong niya po ito ma'am." sagot ko.
"Umalis na ba siya dyan?" tanong nito, naging seryoso ang boses.
"Yes po, kanina pa po ma'am." tugon ko.
"Okay." at binaba na ang tawag.
Birthday niya ngayon? Wala manlang ba siyang pa-party?
Pero baka meron naman.
Habang naglilinis ako ng kwarto ay iniisip ko kung paano ko si Dwight babatiin. Kaninang nag aalmusal kami parang ordinaryong araw lang ito sakanya.
Sige, at susurpresahin ko siya mamaya pagdating niya.
Wala akong trabaho ngayon. Bumili ako ng maliit na cake sa isang bakeshop. Maliit lang na cake ang kaya kong bilhin, ang mamahal kase ng malalaking cake.
Saktong pagbukas ni Dwight ng pinto kinagabihan ay ang masayang pagbati ko ng..
"Happy birthday!" sabay lahad sakanya ng cake na may nakasinding kandila pa sa ibabaw nito.
Kumunot agad ang noo nito.
"How did you know?" tanong niya.
"Tumawag kase ang mama mo kaninang umaga, at bumati agad siya ng maligayang kaarawan mo, hindi niya alam na ako ang sumagot ng telepono sa kwarto mo." paliwanag ko.
Bumuntong hininga siya at tumango at tumingin sa cake na hawak ko.
"Sensya na, ito lang ang afford ko, hehe." nahihiyang sabi ko.
"Blow your candle." sabi ko.
Hinipan niya naman ng mabilis ang kandila, di manlang nag wish.
"Thanks." tipid niyang sabi at nilampasan na ako.
"Wala ka bang pa-birthday party?" tanong ko.
"I don't celebrate my birthday." aniya. Umaakyat na siya ng hagdan. Parang matamlay siya ngayon.
Hindi siya nagcecelebrate ng birthday niya? Sad naman. Parang mas masaya pa ang mga mahihirap kapag nagdidiwang sila ng birthday nila. Ito ang rangya ng buhay pero hindi manlang magsaya.
Parang ordinaryong araw lang talaga ito sakanya. Pagkatapos kumain ng hapunan ay nanood lang siya ng tv. Pagkatapos ay umakyat na ng hagdan para matulog.
"Alam mo Mire? Ang sad pala ng buhay ng amo natin dahil di siya nagcecelebrate ng birthday." kuwento ko kay Mire habang pinapakain na ito ng hapunan.
Kinaumagahan, maaga akong nagising para magluto ng agahan. Si Dwight naman ay maaga rin nagising dahil nag work out siya sa sarili niyang gym sa itaas, katabi lang ng kanyang kwarto.
Nang maluto ko na ang agahan ay pinuntahan ko siya sa gym, naabutan ko si Dwight na nagbubuhat ng malaking dumb bell. Ang bigat niyan, pero kayang-kaya niya. Abala siya sa pagbuhat at hindi pa yata ako napapansin. Napalunok nalang ako habang pinagmamasdan siya. Nakahubad siya ng damit pang itaas, kaya kitang-kita ko ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.
Nagtama ang aming mga mata, napatalon ako sa gulat.
"Ah, nakahanda na ang agahan." sabi ko.
Tumayo si Dwight at nagpunas ng pawis.
Tumalikod na ako. Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko.
Habang kumakain ay ganun parin ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan sa presensya niya. Nakasando siyang puti. Ang sexy niya ngayon sa paningin ko.
"May pasok ka ngayon?" bigla niyang tanong.
"Meron, mamayang ala-una." sagot ko.
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kumain, hindi nagtagal ay naligo si Dwight sa swimming pool. Ngayon ay naka boxer brief nalang siya. Dumaan ako sa gilid dahil papakainin ko si Mire. Habang pinapakain ko si Mire ng saging ay maingay ito.
"Wag kang maingay Mire." saway ko.
Nakatingin siya banda sa swimming pool kung saan lumalangoy si Dwight.
"Gusto mo rin bang magswimming dyan? Bawal." sabi ko kay Mire.
Hindi nagtagal ay umahon na si Dwight. Umawang ang labi ko. Ang ganda naman kase ng katawan niya. Pasadong-pasado maging modelo. Mukha pa ngang hinigitan niya pa ang mga lalaking nagmomodelo.
Nahuli niya ang mga mata kong nakatingin sakanya habang nagpupunas siya ng pawis gamit ang tuwalya, napaiwas naman agad ako ng tingin.
Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sakanya.
Tumunog ang cellphone kong de-keypad. Kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang nagtext.
Napangiti nalang ako sa text message ni Lester.
Lester:
Good Morning Ganda. I miss u:)
Nagreply naman ako ng 'Good morning.'
"Thalia!" tawag ni Dwight. Napalingon naman ako agad sakanya na may bahid pa ng mga ngiti.
"Bakit sir?" tanong ko.
"Juice please." aniya.
Tumango ako. Dumaan ako sa harap niyang hindi siya tinitingnan. Nagtimpla ako ng orange juice sa kusina at binigay sakanya. Nakahiga na siya sa sun lounger, braso niya ang kanyang unan. Bumangon siya at kinuha niya ang juice.
"Thanks."
Tumayo ako sa gilid niya, baka may iuutos pa. Bumaling siya sakin matapos uminom ng juice.
"You want to swim?"
Agad naman akong umiling. "Ayaw ko sir."
Kumurba ang bibig niya at nagpatuloy sa pag inom ng juice, inistraight na niya itong ininom. Tumayo na siya. Hindi naman ako tumitingin sakanya. Kase naman yung umbok sa ibaba ng tiyan niya, hindi ko mapipigilang hindi sulyapan. Parang hinihila ang mga mata kong tingnan ito.
Napatalon ako sa gulat nang humarap siya sakin.
"Yung manliligaw mo, wag na wag mong sasagutin, lolokohin ka lang nun." out of the blue niyang sinabi.
Napanganga nalang ako, walang masabi. Paano niya naman malalaman na lolokohin lang ako ni Lester? Ang bait kaya nun.
Tumalikod na siya at lumusong na sa swimming pool.
Pakiramdam ko, abot-abot na ang tahip ng puso ko. Ano itong nararamdaman ko sakanya? It is strange feeling na ngayon ko lang naramdaman sa buhay ko.
***