Buong akala ko ay katapusan na ng buhay ko, pero heto ako at binaba na sa sasakyan. Pagkatapos ng pagwawala ni Dwight na parang doon niya nilabas lahat ng kanyang galit ay pinakuha niya na ako sa mga lalake at dito binaba kung saan nila ako dinukot.
Gumaan na ang pakiramdam ko. Gabi na at umuwi na ako sa apartment na parang walang nangyari. Sinalubong ako ng pusa at nagpakarga sakin. Tiyak, na gutom na ito dahil sa maghapong wala ako.
Puno ng pag aalala ang mukha ni Ate Linda nang sumalubong sakin sa karinderya kinaumagahan. Ang tanong niya, kung saan ako nanggaling dahil hindi ako bumalik dito. Ang sinabi ko nalang ay emergency at humingi ako ng pasensya. Hindi ko sinabi ang totoong nangyari sakin.
Lumipas ang araw, linggo at buwan. Nasanay na akong mag isa. Natuto akong maging independent. Hindi ko na talaga nahanap si Mire. Kung nasaan man siya ngayon, sana nasa mabuti siyang kalagayan.
Simula nung pinadukot ako ni Dwight ay hindi na ako pumupunta sa labas ng gusali kung saan ko siya nakita. Iba ng lugar ang dinadaanan ko upang maglako ng miryenda.
"Pabili." May lumapit sakin na bading. At nang nabigyan ko na siya ay napansin kong pinapasadahan niya ang kabuuhan ko.
"Ang ganda mo naman at ang sexy, pwede kitang irecruit na maging model sa agency namin." aniya.
Hindi naman agad ako nakapagsalita. Nakaramdam ako ng ilang.
"Heto, kung sakaling gusto mo maging model, call me nalang." abot niya sakin na calling card. Nag alinlangan naman akong kuhanin ito. Sa huli, kinuha ko na.
Nakahiga ako sa kama at tinititigan ko ang calling card. Ilang linggo na ang lumipas at naisip ko na magandang trabaho ito at paniguradong malaki rin ang sweldo. Hindi sapat ang sweldo ko sa karinderya. Humihingi na nga ako ng palugit sa landlady rito dahil kulang ang pera ko. Kaya malaking oportunidad ito, baka maipagpatuloy ko pa ang aking pag aaral.
Sa sumunod na araw, heto na ako, sa tapat ng isang gusaling tinext sakin nung bading. Nakigamit lang ako ng cellphone kay Ate Linda upang makitext.
Nakasuot ako ng simpleng shirt, pants at sandal na pinahiram sakin ni Ate Linda, galing ito sa dalaga niyang anak na nag aaral ng kolehiyo.
Nakilala ko naman ang bading na lumabas ng gusali. May balabal itong nakapulupot sa leeg.
"Hi, halika na at ipapakilala kita kay Ms. Dy." magiliw niyang anyaya at hinigit niya na ako.
"Ano palang name mo?" tanong niya nang makasakay na kami ng elevator.
"Thalia, po." sagot ko.
"Family name?"
"Dimaguiba po,"
"Ako naman si Jaz," pakilala niya at tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay.
Nakarating na kami sa 3rd floor. Ginapangan naman ako ng kaba nang makaharap ko na ang sinasabi ni Jaz na si Ms. Dy. Nakaupo ito at abala sa pagtingin ng mga pictures. Ang ganda niya. Nakaka intimidate ang presensya niya.
Tumayo siya at hinagod ng kanyang tingin ang katawan ko na nakataas ang isang kilay at pagkatapos ay ngumiti kay Jaz.
"Siya ang sinasabi ko sayong si Toron girl." magiliw na sabi ni Jaz.
Toron girl?
Patuloy sa pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Nanginginig narin ang tuhod ko.
"Unang kita ko palang sayo, nakuha mo na ang satisfaction ko." sabi niya.
Napangiti nalang ako ng pilit.
"So, welcome to Bright modeling agency," nakangiting sabi niya sakin. Napalakpak naman si Jaz.
Tinanggap ko naman ang kamay ni Ms. Dy.
"Do her a photoshoot." sabi niya kay Jaz.
Niyaya na ako ni Jaz na pumunta na daw kami ng auditorium sa may 2nd floor. Bumungad sakin ang pahabang entablado nang makarating na doon. May dalawang babae ang nag eensayo ng kanilang pagrampa.
May mga pinakilala pa sakin si Jaz na mga modelo at mga kapwa bading na scout.
Pinaupo niya ako at sinimulan na akong ayusan.
At pagkatapos akong make-up-an. Binigyan na ako ni Jaz ng susuotin na dress. At nang maisuot ko na ito sa dressing room. Halos hindi ko na makilala ang sarili habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Hapit na hapit ang white dress sakin.
Bumuga ako ng malalim na hininga.
'Kaya mo 'to, Thalia.' kumbinsi ko saking sarili.
Pagkalabas ko ay nakita kong laglag panga sila nang makita ako.
Lumapit si Jaz sakin na namamangha. At doon na nagsimula ang karera ko sa mundo ng pagmomodelo.
**
Sa ilang linggo kong pagmomodelo ay marami na akong natutunan. Kailangan sa trabahong 'to ang kumpiyansa sa sarili, at 'yun ang nai adapt ko. Mga maiikling suot at hapit sa katawan ko ang pinapasuot nila sakin at wala naman akong reklamo doon. Pero ngayon, nakaramdam ako ng ilang dahil white bikini na ang pinapasuot sakin para sa isang summer collections.
"Can you do a pose, please?" the photographer asked.
Tinaas ko ang dalawang kamay kong magkawak at kunware ay inaamoy ko ang aking kili-kili. Sunod-sunod ang flash ng camera sakin. Sunod na ginawa kong pose ay nakapamaywang ako at taas-noong nakatingin sa harapan.
"Perfect!"
Pumalakpak si Ms. Dy, hudyat na nagustuhan niya ang posing ko.
Nang sumunod na linggo ay nailabas na ito sa tabloid. Masayang ibinalita ni Ms. Dy na naging patok ito. May mga tumawag pa na gusto akong maging model ng kanilang company.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang company na gusto akong maging model.
Parang pamilyar kase ang pangalan ng kompanya.
Del Mundo Winery Corp.
***